13: Birthday Ball

530 32 0
                                    

Angel's POV

Ako ba talaga to?

Napatanong ako sa aking isipan habang nakatitig sa salamin. Kakatapos lang kasi akong ayusan ni Mom sa mukha. Suot-soot ko na ang binili kong gown. Maaga kasi akong inayusan ni Mommy kanina para daw hindi ako malate sa ball. Asus, ang aga aga pa eh. Mas excited pa ata sya kesa sakin hihihi. Napatingin naman ako sa soot kong bracelet. Actually, mukha syang bracelet pero relo talaga sya. Kulay gold ito. Isinuot ito sakin ni Mommy kanina. 5 PM pa lang naman, start kasi ng ball ay 7 PM.

Para namang hindi ako to eh.

"Look baby! You're so beautiful. I'm pretty sure na ikaw ang pinakamaganda sa ball mamaya," kinikilig na sabi ni mommy.

"Mommy!" feeling ko namumula na itong pisngi ko. Kanina pa kasi ako pinupuri ni Mommy.

"What?" natatawang tanong. "Maganda ka naman talaga anak eh. Mana ka talaga saken hihihi,"

"Ang totoo po niyan, kinakabahan ako mommy eh," kinakabahan na excited.

"Hay nako anak. I-enjoy mo nalang ang gabi mo. Isantabi mo muna iyang mga iniisip mo. Think positive anak," nakangiting sabi sa akin ni mommy habang nakatingin sa akin mula sa salamin. Dahil dun napangiti din ako. Dabest talaga tong si Mommy.

"Tsaka, I'm sure naman na hindi ka pababayaan ni James no. Don't worry anak," dagdag pa niya.

Maya-maya pa ay biglang kumatok si Manang at pumasok.

"Oh hija, napakaganda mo naman," namamanghang papuri ni Manang.

"See? I told you you're beautiful, anak," mommy.

"Thank you po," nasabi ko na lang dahil sadyang nahihiya na ako.

"Nandiyan na ang iyong date sa baba. Sinusundo ka na," nanunuksong wika ni Manang. Hindi na talaga ako mag tataka kung namumula na ako. Sana nga lang ay hindi halata dahil nakakahiya kay James pag nakita niya.

"Tara na anak. Hatid na kita sa baba," nakangiting sabi ni Mommy.

"Sige po,"

Nakalabas na kami sa kwarto ko. Pababa na ako ng hagdan at tanaw ko naman si James na kausap si Daddy. Nakatalikod sya sa bababaan kong hagdan.

"Hijo!" tawag ni Mommy sa kanya na siya naman ikinalingon niya sa gawi namin.

------------

James POV

"Hijo, ikaw na ang bahala sa aking anak ha? Wag mo siyang pababayaan sa ball. Alam mo na naman ang dahilan kung bakit," bilin sa akin ni tito, Daddy ni Angel.

"Sure Tito. Ako na po ang bahala sa kanya," nakangiti kong sagot.

"Enjoy the night," nakangiting sabi ni Tito.

"Salamat po Tito,"

"Hijo!"

Napalingon naman ako sa tumawag sa akin mula sa aking likuran. Ngunit hindi ko inaasahang sa paglingon ko ay makakakita ako ng isang anghel. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang marahang bumababa sa hagdan.

I can't move. Tila napako ako dito sa aking kinatatayuan habang nakatulala sa kanya. My heart beats so fast nang tuluyan na syang makalapit sa akin at tumigil sa aking harapan.

"Hey," she greeted with her sweet voice. She is smiling. And I love it.

"James," I love the way she called my name. Parang hinahaplos ang puso ko.

"Hijo, baka matunaw," doon na ako tuluyang napatigil sa aking malalim na pag iisip at agad na napatingin kay Tita. Ang Mommy ni Angel ang nagsabi nun habang nanunukso pang nakatingin sa akin. Sya din pala ang tumawag sa akin kanina.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon