14: Meet Cheska

520 34 0
                                    

Yvan' POV

Hi ladies and gentlemen. It's me, your handsome Yvan *wink.

Kanina pa akong nakatitig kay Angel. Napansin kong parang sumama ang mood nya nung dumating si Cheska, Rayven's girlfriend. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa wine glass na parang gusto nya itong ibuhos kay Cheska. Bakit ganyan ang naging reaksyon nya? Is she like Rayven? Jealous ba siya?

Oh dude, come on! I like Angel. Yes. Sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya? Unang kita ko palang sa kanya, parang gusto ko na agad syang lapitan. So I did.

Bakit si Rayven pa? Eh taken na yan eh. Pwede namang ako. Psh. He's so lucky. Sana ako na lang si Rayven. Well, I will do everything para mabaling sakin ang atensyon nya. Para mawala ang nararamdaman nya kay Rayven, kung meron man. Pero sana wala.

"Angel," sabay-sabay na tawag naming tatlo nina Warren at James kay Angel na nakatingin pa rin kay Rayven at Cheska. Abat ang mga mokong nato! Sinabayan pa ako!

"Gusto mong kumain?" ako.

"Gutom ka na ba?" James.

"Gusto mo pa ba ng wine?" Warren.

Sabay-sabay pa din naming tanong. Ano bang problema ng mga to at sinasabayan ako? Tumingin ako sa kanilang dalawa at sinamaan sila ng tingin. Sinamaan din naman nila ako ng tingin. Dumadamoves ako dito eh.

Nakita ko namang nagpalipat lipat ng tingin saming tatlo si Angel habang nakakunot ang noo. Pati si Jessy, Mark at ang magjowa nakatingin din.

"Ayaw kong kumain," tingin sa akin. "Busog pa ako," tingin kay James. "At oo. Pwede mo ba akong ikuha?" tingin kay Warren.

"Oo naman," nakangiting sabi ni Warren bago tumayo. Ngumiti na lang sa kanya si Angel. Dapat pala inalok ko na lang sya ng wine psh.

"Care to introduce yourself?" halos masamid ako sa sarili kong laway nang itanong yon ni Cheska. At take note, mataray pa ang paraan ng pagkakasabi nya.

____________________________

Angel' POV

"Care to introduce yourself?" napataas ang kilay ko nang itanong ito ng malantod na babaeng to. Mataray nya pa iyang tinanong.

Well, sorry ah. Hindi ko lang maiwasang hindi mainis. Kung makalingkis naman kasi kay Rayven kala mo nama'y ahas. Akala mo naman maaagaw sa kanya. Eh bakit nga ba naiinis ako kung makalingkis to kay Rayven? Jowa naman niya tss. Masama kutob ko sa babaeng to eh. Iba yung dating niya sa akin. Parang hindi maganda eh.

Kahit naman ganon ang tono niya, ngumiti naman ako ng tipid. Hindi yan bukal sa puso ah. Halata naman kasing plastik ang isang to.

"I'm Angel by the way. Their new friend," patukoy ko sa G-boys. Mahirap isa-isahin ang pangalan nila noh. Baka abutin ako dito ng syam syam. Well, ofcourse, maliban kay Rayven. Hindi naman nya ako iniimikan eh. Puro tingin lang psh. Minsan iniisip kong may gusto sakin to eh. Pero syempre ngayon, hindi na. Kitams? May girlfriend na pala uy.

"Oh, By the way, I'm Cheska. Rayven's- "

"I didn't ask," nakangiti kong putol sa kanya. Hindi ko naman tinanong kung sino sya at kung anong ganap niya. Basta basta na lang nagsasalita. Saka, ayaw ko din naman syang makilala psh.

Napatahimik naman sya. Alam kong kumukulo na ang dugo ng Cheskang to saken dahil sa inasal ko. Hah! Ganon din ako sa kanya noh! Nakita ko naman ang pasimple nyang pag irap sa akin. Kitams? Mataray talaga tong isang to.

Iirapan ko din sana sya kaso dumating na si Warren dala ang wine na hiningi ko. Napangiti naman ako saka nagpasalamat sa kanya.

Wow! Bago to ah. Parang special drink to ah. Ngayon ko lang nakita eh. Sinipat ko ito ng tingin. Narra ang naka label dito. Ngayon ko lang nakita ang isang to.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon