41: Lopez Captain

396 27 30
                                    

A/N: Tatlo kasi malapit na birthday ko! Pabirthday ko na sa inyo💜

Enjoy Reading! Godbless!💜💜

-A

****

Angel's POV

"Panalo raw ang Lopez High laban sa Mabini," anunsyo ni Mark. Nandito kami ng G-boys kasama si Dexie sa canteen. Ang ibang manlalaro ng soccer team ay nanonood sa laban ng pangalawang magkatunggali kaya malamang ay sa kanila nakuha ni Mark ang balita.

"Ang sabi Neil ay hindi man lang nakapuntos kahit isa ang Mabini. Ganoon daw kagaling ang Lopez High," dagdag pa niya.

"Weh talaga ba bro?" hindi makapaniwalang tanong ni Jay. Tumango naman ang lalaki.

"Sus! Bulok lang siguro maglaro ang Mabini kaya hindi nakapuntos," walang atubiling sabi ni Warren.

"Gago pre rinig ka ng taga ibang school," saway naman ni Yvan.

"Malay natin tama si Warren diba?" segunda naman ni James.

"It means, Lopez High ang makakalaban natin sa finals. I wonder kung gaano sila kagaling maglaro," si Niks.

"Bakit? Hindi niyo pa sila nakakalaban? Diba may sports fest din last year?" tanong ko.

"Ngayon lang nakasali ang Lopez High sa festival. Last year ay hindi kasi kulang sila sa budget. I heard may nag sponsor sa kanila kaya nakasali ngayon," sagot naman ni Mark kaya napatango ako.

"Baka kaya sila magagaling, gusto nilang makarating sa Internationals. Ikagaganda ng school image nila yon," hinuha naman ni Yvan at sumang ayon naman ang lahat.

"Gaano man sila kagaling, huwag pa rin tayong magpapatalo," wika ni Mark bilang captain ng team.

"Yes Captain!,"

I glanced at Dexie. Tahimik lang siyang nagmamasid sa mga lalaki. Nginitian naman niya ako nang makitang nakatingin ako sa kaniya.

"Excuse me. Punta lang akong cr," paalam ko bago tumayo at umalis.

Papasok na sana ako sa restroom nang may sumalubong sa aking isang lalaki. He's taller than me. Kayumanggi ang balat at mahitsura rin kung aking ilalarawan. Isa siya sa mga manlalaro ng Lopez High. Nalaman ko base sa uniform niya.

Lalampas na sana ako kaso kusa na siyang humarang sa dadaanan ko.

"Hi," he greeted and smiled at me.

"Uhm hi," I replied. It's kind of rude kung dededmahin ko lang siya.

"Ako si Harry. Pwede ko bang makuha ang number mo?" nagulat naman ako doon.

"Uhm sorry but no," nagpilit ako ng ngiti at nagtangkang lampasan siya ngunit hinarangan na naman niya ako.

"Ah eh kahit pangalan mo na lang?" pilit akong ngumiti at umiling naghahanap ng tyempo kung paano ako makakalampas sa lalaki.

"Anong grade ka na?" tanong niya pero hindi ako sumagot. Iginala ko ang paningin sa paligid. May mga estudyante doon pero hindi estudyante ng ABA kaya malamang ay walang nakakakilala sa akin.

"May boyfriend ka na ba?" muling tanong niya at hindi ulit ako sumagot. Narinig ko ang matunog at malalim niyang buntong hininga. Siguro ay naubusan na ng pasensya.

"Pangalan mo lang naman ang hinihingi ko, bakit hindi mo pa masabi? Hindi ka naman pipi," nakakunot na ang noo niya.

"Kasi kailangan kong pumunta sa cr," pang rarason ko.

"Bakit? Taeng tae ka na ba?" walang pakundangang tanong niya.

Wtf?!

Kakakain ko lang!

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon