Chapter 3

22.7K 726 201
                                    

Binaba ng dalaga ang bag niya sa kama nang maramdaman ang pagod. She worked straight 3 hours sitting infront the computer, walang break at walang pahinga dahil may hinahabol pala silang oras.

Noong mag-meeting ang mga kasama niya, hindi agad siya sinabihan na may mga kailangan pa lang impormasyon at datas. 'Saka lang sinabi sa kaniya noong tapos na ang mga ito sa pag-uusap.

Even Jezreel was tempted to say it to her but they can't leave the meeting without a proper permission. And leaving without any warning is a kind of disrespect.

Wala namang reklamo si Astreille sa trabaho niya, pero gano'n lagi ang sistema tuwing nasa agency siya. Kailangan niyang pagurin nang sobra ang sarili dahil late binibigay ang trabaho sa kaniya.

Humarap sa salamin ang dalaga bago punasan ang mga luha sa pisngi niya. "No, don't cry. You are a strong woman, right?"

She composed herself while forcing herself not to cry.

"You have to pay your mother's debts, Astreille. Kaya wala kang karapatang magreklamo sa trabaho mo."

Sunod sunod siyang napahikbi at malakas na humagulhol nang maalala ang sinabi ng commander ng agency.

Parang bata na pinunasan niya ang mga luha na pumapatak sa pisngi niya. "I said s-stop crying!" saway niya sa sarili.

But it's not a big help, everytime she'll remember those words, she can't help but to think that she's the weakest person in Earth. Hindi naman talaga siya puwedeng magreklamo sa mga ginagawa ng mga ito sa kaniya, bukod sa hindi niya kayang magreklamo, wala rin siyang karapatan.

She bit her lower lip while holding the necklace the her mother gave her before passing away. "Y-You left me with nothing, but only this house na pagmamay-ari pa ni daddy. Now I'm paying everything for you, ikaw ang m-may utang sa kanila, ikaw ang gumasta ng pera ni daddy para sa sarili mo at sa kabit mo. But why, mom? Bakit ako ang sumasalo sa lahat ng kasalanan mo?"

Sunod sunod na hikbi ang muling kumawala sa bibig niya. "Wala naman akong ginagawang kasalanan, I've been a good girl p-pero bakit?" Napatungo na lamang siya sa sobrang bigat ng dibdib.

Maraming tanong ang naiwan sa isip niya simula noong mawala ang ina. Isa na roon ay kung paano bubuhayin ang sarili, kung paano babayaran ang utang ng ina. Gladly that her father bought this big house when she was a kid, hindi niya problema ang bahay na nagpabawas sa bigat ng dibdib niya.

May napakalaking utang ang nanay niya sa agency na pinagtatrababuhan niya ngayon. Her mother used to be a hacker too, but she stole billions of money para lamang sa kabit nito. Then she died in a car crash, leaving her debts to her only daughter, at siya 'yon.

They offered her a good offer. She'll work as a hacker in the agency, ang sahod niya, 100 thousand kada buwan. Pero 50 thousand lang ang makukuha niya dahil ang kalahati ay bayad sa utang ng magaling niyang ina na huhulugan niya sa loob ng maraming taon.

She's glad that she managed to stay alive by working hard, maayos naman ang buhay niya. Nabibili niya kung ano ang mga gusto niya, natutustusan niya ang sarili. Pero bilyon ang utang ng nanay niya, kaya ilang taon niyang gugugulin ang sarili sa trabaho para lamang mabayaran 'yon.

Pinilig niya ang ulo bago umupo sa swivel chair, kaharap ng laptop niya. She opened her writing account before composing herself.

"Calm down, Astreille. Don't cry, walang nakakaiyak, okay?" saway niya sa sarili.

Binuhos na lang niya ang oras sa pagsusulat ng sunod na kabanata para sa storyang sinusulat niya. Unlike her favorite writer's story, her story revolves around two couple angels na parehas na may ambisyon.

The conflict of the story is disturbing but she doesn't care, kailangang maparusahan ng isang anghel dahil sa paglabag nito sa mga nakalatag na patakaran. A fallen angel. And as soon as she stepped on the mortal's world, she realized how powerful people are to balance being an evil and being kind at the same time.

"Wow, hindi ko man lang napansin," nakangiting bulong niya nang makita kung anong kabanata na ang sinusulat niya.

She's almost at the end. 13 more chapters and the story will end. Ang kauna-unahang storya na matatapos niya.

Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan para bumaba sa kusina. She can feel how tired her body is, it needs a rest, pero mas magiging payapa ang tulog niya kapag nakatapos siya ng isang chapter.

She walked towards her kitchen. "My milk, where's my milk?"

Napapalakpak siya nang makita ang garapon sa itaas. Dahil cute size ang height niya, kailangan niya pang tumungtong sa upuan para maabot 'yon.

Linggo linggo at may binabayaran siyang care taker para maglinis sa bahay niya. Wala rin naman kasi siyang oras para gawin 'yon. Ilang beses na niyang binilin sa matanda na huwag ilalagay sa taas ang mga kailangan niya, pero makakalimutin na ito dahil sa edad. Naiintindihan naman niya ang sitwasyon nito kaya tinataasan niya ang sweldo.

Parents, like her care taker, deserve to be treated fairly. Ito 'yung mga taong nagtatrabaho talaga para sa pamilya.

"Hey, how's your day little cutie?" nakangiting bati niya sa maliit na stuff toy sa ibabaw ng counter.

Hinalikan niya ang pisngi nito habang nagtitimpla ng gatas. The stuff toy is already 14 years old, galing pa 'to sa tatay niya noong 7th birthday niya. Hanggang ngayon ay hindi niya pinapabayaan 'yon.

"Your mommy is having a hard time, as always," she whispered while stirring the milk.

Ngumiti siya nang matamis bago magsimulang magkuwento sa stuff toy na hindi naman siya sasagutin. This is her routine, everyday. Dito siya maglalabas ng sama ng loob sa tuwing busy si Jezreel at wala siyang makausap.

She's used to being alone, especially if Jezreel is not around. Sanay na siyang mag-isa, kaya hindi na bago ang lahat ng 'to sa kaniya.

But it's much better if you have someone by your side, everyday. It's much better than being alone.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now