Chapter 34

20.7K 813 129
                                    

"You can cook Filipino foods? Akala ko h-hindi ka kumakain," Astreille uttered while washing the vegetables.

Xord just chuckled as he chopped the meat. "Hindi namimili ng lulutuin ang mga chef, baby. We cook and we eat everything."

Astreille nodded her head slowly bago ibigay ang mga gulay na hinugasan. "Ito pa boss, I'll just check the roasted chicken. Tapos 'yung kare-kare naman lutuin natin."

Bago pa siya makalayo sa binata ay agad na siya nitong hinila para halikan sa labi. She stood frozen with his sudden action.

"B-Bakit?" nauutal niyang tanong sa lalaki.

He flashed a mischievous grin. "An appetizer."

Nanlaki ang mga mata ng dalaga bago mahinang hampasin ang dibdib ng lalaki. "Nakakarami ka na, b-boss. Paano kung may pumasok tapos nakita tayo, edi baka--"

"Let them think that way, I wouldn't mind," nakangising pagputol sa kaniya nito.

She just shut her mouth before walking towards the gas stove. She checked if the chicken is doing fine, napangiti naman siya nang maamoy ang mabangong aroma ng niluluto.

She immediately covered the lid before clapping her hands in excitement. "Yey!"

Pagkalingon niya sa binata ay ngiting ngiti lang ito habang nakatitig sa kaniya. "You're happy?"

Nakangiting tumango ang dalaga. "Yes! Super."

"Come here." He gestured Astreille to come closer na agad namang sinunod ng dalaga.

As soon as she got near him, agad na pinulupot ng lalaki ang isa niyang braso sa baywang ng dalaga bago ito halikan nang marahan sa noo.

"I'm glad that you can laugh comfortably like that infront everyone. Please continue being happy, Astreille," he whispered to her ears.

Naluluha ang mga mata na yumakap ang pabalik sa lalaki. "Thank you."

"You're always welcome, baby."

Astreille wiped her tears away before getting back to work. Maingat ang bawat galaw niya para panoorin ang lalaki na eksperto sa paghihiwa ng mga ingredients.

She assigned Xord with the knife, she'll handle the rest. Tutal ay ayaw niyang masyadong mapagod ang binata sa ginagawa nito.

It took them 1 hour to finish all the meals. Astreille is so proud of the outcome, nang ipatikim niya sa lalaki ang mga luto niya, he commended her for being great at this field.

"I'll just call them to eat," Xord said while Astreille is busy with preparing the food.

Hindi siya sinagot ng dalaga na abala sa pag-aayos ng lamesa. Xord just smiled a bit before walking out. Dumiretsyo ang lalaki sa sala kung saan naroon ang apat na lalaki na abala sa ginagawa.

"Fucktards, eat first before that. I'll join you later with those stuffs," malamig na sabi niya sa mga 'to.

Umunat si Teodore na buryong-buryo na sa kinauupuan. "Hay salamat! Makakakain na rin ang mga alaga ko sa tiyan!"

Walang pakealam na bumalik ang lalaki sa kusina kung saan naroon ang dalaga. Nakasunod naman sa kaniya ang apat na lalaki na nagtatatalon pa habang papalapit sa pwesto nila.

"Bango naman! Ikaw nagluto nitong lahat, princess?" excited na tanong ni Kyel sa dalaga habang umuupo.

Astreille sat beside Xord before nodding her head. "Kaming dalawa ni boss."

"Nah, I just helped her with the ingredients. She cooked all of these," pagmamalaki ng binata bago hawakan ang kamay ng dalaga sa ilalim ng lamesa.

Astreille smiled sweetly before gesturing the four men. "Kain na kayo."

"Filipino foods? This is my first time to taste something like this," Ephraim said before taking a bite.

Sumunod naman sa kaniya ang tatlong lalaki.

Astreille bit her lower lip in nervousness.

"Woah. Ang sarap. Ano 'to, princess?" manghang tanong ni Teodore habang pinapapak ang sinigang na baka.

"Sinigang na baka," she answered.

Agad na rumehistro ang kasiyahan sa mukha ng dalaga nang makitang nasarapan ang mga 'to sa luto niya.

"BOSS, over here. May ibang informations na s-in-end sa akin ang intelligence team to build up the software, but they haven't optimized those things yet," seryosong saad ni Ephraim habang katabi si Xord sa mahabang sofa.

Astreille glanced at them from the stairs. Halatang busy ang mga 'to sa ginagawang trabaho. She's just watching them dahil wala naman siyang masyadong alam sa mga trabaho nito. She can hack, that's all.

Bumuntong hininga ang dalaga bago dumiretsyo sa kwarto. She changed her clothes when she felt uncomfortable wearing it. Nagpalit na lang siya ng puting terno ng pajamas bago bumaba sa sala.

Halatang wala ang mga atensyon nito sa paligid dahil sa sobrang focus. She went directly to the kitchen before preparing some snacks and drinks for the men outside.

Nang mailagay niya 'yon lahat sa tray, maingat niyang binitbit iyon papunta sa sala. She carefully put the tray on the table.

Nag-angat ng tingin si Xord sa kaniya. He gestured the vacant space beside him, agad namang naglakad si Astreille para tabihan ang binata.

"Hindi pa ba kayo matutulog? It's 1AM already, baka pagod na kayo," nag-aalala niyang saad sa binata.

"We need to finish these stuffs tomorrow before afternoon. It's okay, we'll be fine," Xord answered while his eyes are still focus on the laptop.

Kumapit ang dalaga sa braso ng lalaki bago sumandal doon. His biceps are too stiff because of working straight 6 hours. Pagkatapos kumain ng mga 'to ay dumiretsyo na agad sa harapan ng mga laptop para simulan ang trabaho.

Xord flashed a mischievous smile when he saw Astreille beside him. Hindi niya matanggal tanggal ang ngiti sa labi niya habang nakadikit ang malambot nitong pisngi sa braso niya.

He noticed how Astreille's head slowly driff off. Her eyes were shut closed, he can even feel her deep breathe.

Maingat na hinawakan ng lalaki ang pisngi ng dalaga para alalayan ang ulo nito. He carefully lifted her body up to carry her inside her room.

"Bagsak na si Astreille. Kanina pa kasi 'yan nanonood sa atin, nahahabag yata sa sitwasyon natin," Ephraim said while smiling.

"I'll just take her in her bedroom. Continue," malamig na saad ni Xord bago umakyat sa hagdan buhat buhat ang magaan na katawan ni Astreille.

He opened the door with his foot. Maingat niyang nilapag sa kama ang dalaga bago ito kumutan.

Nakangiting hinaplos niya ang pisngi ng anghel sa harapan niya bago ito nakawan ng halik sa labi. "Sleep tight, my love. I love you."

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now