Chapter 53

19.2K 571 65
                                    

Masuyong pinagmasdan ni Astreille ang lalaking natutulog sa tabi niya. After crying and bursting out, Xord fell asleep in her arms. Halatang pagod na pagod ito kaya hindi na nag-abala pa si Astreille na gisingin ang lalaki.

She's just admiring his handsome face. Kahit payapa ang tulog ni Xord, bakas pa rin ang pagod sa lalaki dahil sa eyebags nito.

"Baby, n-no. Don't leave me." Naalerto si Astreille nang bigla na lang magsalita ang lalaki habang tulog ito.

Magkasalubong din ang mga kilay ni Xord at pumapaling ang ulo. He's having nightmares.

"Astreille, b-baby. No. I love you, b-baby." Kitang-kita ng dalaga ang pagtulo ng mga luha ni Xord.

Astreille quickly hugged him, she caressed Xord's face gently. "I'm sorry," she whispered. Hinalikan niya nang marahan ang noo ng binata at niyakap ulit ito nang mahigpit.

Nang makitang bumalik na sa payapang pagkakatulog si Xord ay tuluyan na siyang nakahinga nang maluwag.

Look at this. Xord had nightmares because of her stupidness.

She's so stupid to do some actions without thinking properly. Hindi niya alam na masasaktan ang binata sa ginawa niya. Kung si Xord din naman ang nakipaghiwalay sa kaniya at walang binigay na rason, malamang ay mababaliw din siya sa pag-iisip.

She's selfish and coward. Ayaw niyang masaktan ang binata pero ano bang ginawa niya? He seems tired and hopeless when he kidnapped her. Kitang-kita niya sa mga mata ng binata ang pagkalito at sakit na nararamdaman habang umiiyak ito.

"Right, it's my father's fault. Why do I have to blame myself for it?" she whispered.

"Blame yourself for what?"

Nanlaki ang mga mata ni Astreille nang marinig na nagsalita ang binata. Nilingon niya ito para makasalubong ang mga matatalim nitong mata.

She smiled sweetly without flinching. Kung ibang tao ay matatakot sa mga mata ni Xord, siya, nasanay na siya.

"Hey, how's your sleep?"

Ngumiti ang binata atsaka siya niyakap sa baywang. Sinubsob nito ang mukha sa leeg niya. "Good. You're actually in my dream. We were so happy in that scene."

May kung anong humaplos sa puso ni Astreille nang marinig ang sinabi nito. He didn't even admit that he had a  nightmare because of her. Xord doesn't want her to feel bad.

"Gusto mo bang kumain? Tara sa baba, ipagluluto kita," Astreille said in her sweet voice.

Tiningala naman siya ng lalaki. "Where are we going?"

"Sa kusina. Tara." Kumawala si Astreille mula sa pagkakayakap ng binata. Pero nagulat siya nang hapitin siya nito para yakapin ulit nang mahigpit.

"X-Xord, what's happening to you?" takang tanong niya rito.

"I'm sorry. I'm afraid you might run away from me again," he whispered on her right ear.

Mapait na ngumiti si Astreille. Hinagod niya ang likod ng binata at hinalikan ito sa pisngi. "I won't run away again, promise. Dito lang ako, hindi na ako aalis kahit kailan."

Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ng binata sa sinabi niya.

Ngumiti si Astreille rito. "Let's go? Magluto tayo ng pagkain. Kahit iposas mo pa ako para makapante ka na hindi na ako lalayo, ayos lang," she said while giggling.

Natawa rin ang lalaki sa sinabi niya. Hinaplos nito ang namumulang pulso dahil sa pagkakaposas kanina. "I'm sorry about that."

"It's okay. Hindi naman ako nasaktan."

"Silly, namumula ang pulso mo," nag-aalalang sagot sa kaniya ni Xord bago patakan ng halik ang palapulsuhan niya.

Astreille just pulled him to get off from the bed. Hila-hila niya ang binata nang magpunta sila sa kusina ng penthouse nito.

She was shocked after seeing the four guys sitting on the dining. Naghaharutan ang mga ito habang may mga nakahandang pagkain sa ibabaw ng lamesa.

"What the fuck are you guys doing here?!" galit na sigaw ni Xord sa tabi niya.

Nakangising lumingon naman sila Ephraim sa direksyon nilang dalawa. "uy, 'yung lovebirds nandito na. Naks. Sinisigaw-sigawan mo lang ako Xord pagkatapos mong kidnappin ang kapatid ko?!"

Astreille chuckled with what her brother said. Niyakap naman siya ni Xord nang mahigpit na para bang itatakas siya ni Ephraim.

"I didn't kidnapped her! I have all the rights to take her here in my penthouse because I am her boyfriend!" sabat naman ni Xord.

Hindi makapaniwalang napanganga si Ephraim. "Ang kapal ng mukhang sabatin ako e ako ang kapatid ni Astreille!"

Natatawang yumakap ang dalaga sa nakatatanda niyang kapatid. "Kuya naman, e. Alam mo namang may topak 'yang si Xord minsan."

Galit na hinila ni Xord ang dalaga bago ito ikulong sa bisig niya. "Why are you hugging him?"

"He's my brother, Xord. Ang seloso mo talaga!" reklamo ng babae.

"No! You can't hug him again. I hate him for you." Masama pa nitong tinitigan si Ephraim bago itago ang dalaga sa dibdib niya.

"Woah, grabe ka boss. Baka mamaya tumakbo papalayo si Astreille sa pagka-possessive mo!" sapaw ni Kyel.

Ephraim grinned on the other side. "Lagot, iiwanan ka na ng kapatid ko."

Matalim ang mga matang nilingon ni Xord ang mga kaharap. "Shut up. Leave my fucking house or I'll burn you to death!"

Natatawang nagsitakbuhan naman ang apat na lalaki papunta sa sala dahil sa galit ng lalaki. Astreille can't help but to laugh also.

Obsession and possessiveness is not good. She knows that. It makes a person delusional and insane. But she trusts Xord, alam niyang hindi nito papatayin ang mga taong malapit sa kaniya. Alam din niya na kontrolado ang emosyong nilalabas ng binata.

Besides, what makes obsession scary is the thought of that word turning someone to a murderer. And in their case, Xord is not a murderer. But beyond that.

He has license to kill. He has the power to kill.

She'll never be an enabler of a crime. Because she's a killer too. And that's their job. To eliminate people with bad intentions.

Napangiti na lang ang dalaga at napailing kalaunan. She's starting to think that being a Knights' girlfriend is something to brag about.

"Baby. Let's eat, gutom ka na ba?" malambing na tanong ng binata sa kaniya.

Ngumiti naman si Astreille rito. "Kain na tayo."

Masuyo siyang hinaplos ng binata sa braso bago alalayan sa pag-upo. Astreille smiled sweetly with his gestures.

Well, it is, really something to brag about.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now