Chapter 37

20.4K 673 98
                                    

"Hey, gising ka na pala," nakangiting saad ni Astreille kay Ephraim habang pababa ng hagdan.

Ephraim almost faint in shocked. Kanina ay galit na galit ang mga mata nito pero ngayon ay balik sa pagiging anghel na naman.

He held his chest gently before smiling awkwardly. "Y-Yeah. Kanina pa actually, maganda u-umaga," utal niyang sagot.

Astreille bit her lower lip before nodding. Gladly that she's not mad anymore, ayaw niyang humarap sa ibang tao na galit at may sama ng loob. When she went inside her room, she was able to see Xord's peaceful face and it automatically erased her anger. That's magical.

Minsan na lang kasi niyang makita ang mukha nito na hindi galit, na hindi nakakunot ang noo.

"Kumusta 'yung--"

"Good morning! Kagigising ko lang pero napakagwapo ko agad." Teodore cutted her. Umuunat na naglakad ang tatlong lalaki sa direksyon nila.

"Good morning!" masiglang bati ni Astreille sa mga 'to.

"Anong nangyari diyan kay Ephraim? Parang mukha kang nakakita ng multo," kunot noong sabi ni Greg.

Nilingon ng dalaga ang binata, nagulat pa siya nang mapangiwi ito nang makita ang paglingon niya. Ephraim swallowed hard. "W-Wala. Nanaginip lang ako ng nakakatakot, napanaginipan ko mukha ni Kyel."

"Tangina anong nakakatakot sa mukha ko e ako pinakagwapo sa ating lahat!" agad na reklamo ng isa na ikinatawa ni Astreille.

"Halika, kain muna kayo ng breakfast. Nagluto na ako kanina para hindi na kayo maghintay," Astreille said.

She guided them to the kitchen. Balak na sana niyang pagsilbihan ang mga 'to pero agad siyang pinigilan ng mga lalaki.

"Princess okay lang, kami na. Gisingin mo na lang si boss para kumain, 'saka para makainom na rin 'yon ng gamot," Teodore said.

She nodded her head before smiling. "Sige. Kain lang kayo diyan."

Ephraim let out a deep sigh when Astreille is gone. "Tangina para akong aatakehin."

"Ano bang nangyayari sa 'yo, pre? May sapak ka ba sa utak?" Greg asked him.

Mabilis na binato ni Ephraim ng tissue si Teodore. "Kung alam mo lang, hindi mo mauutus-utusan si Astreille nang gano'n. Sa sala ako natulog kaninang umaga 'diba? When I woke up, I saw how mad she is. She even murmured the word torture like she's going to kill a bunch of people," pagkukwento niya.

"She said that? She's not that type of a person, you know how delicate our princess is," takang saad ni Kyel.

"Bro, I saw it with my two eyes. Alam n'yong si Xord lang ang kinakatakutan ko--"

"Takot ka rin sa akin kasi threatened ka sa kagwapuhan ko," nakangising pagputol ni Greg kay Ephraim.

Ephraim just raised his middle finger. "Bukod kay Xord, Astreille is one of the person you should never mess with. We didn't even know her identity, pangalan niya lang, isa siyang hacker, that's all. She's weird," he added.

"But she's still our princess," mabilis na dagdag ulit ni Ephraim para pangunahan ang mga 'to.

"Yeah, she is. And if ever that she can really fight, then that's good. Our princess is a badass," Teodore said while smirking. Nakipag-bro fist pa ito sa mga katabi.

Astreille on the other hand opened the door of her bedroom quietly. Walang ingay na naglakad siya papalapit sa kama para umupo sa tabi ng binata.

"Xord?" malambing na tawag niya rito habang dahang dahang hinahaplos ang makinis nitong pisngi.

Her voice is too gentle. Ayaw niyang gisingin ito pero kailangan nitong uminom ng gamot.

Her auntie and Marie will wake up soon, siguro ay sasabayan niya na lang ang mga 'to mamaya sa almusal.

"Xord? Gising ka na, iinom ka pa ng gamot," malambing niyang saad dito.

"Baby," he whispered before kissing her hand gently.

"Hmm? Gising ka na? Halika, mag-breakfast ka na. Gising na rin sila Teodore, naroon na sila sa baba."

Mahigpit na hinawakan ni Xord ang kamay niya bago imulat ang mga mata. Bumangon ito mula sa kama bago hilahin ang batok niya.

She just let him when Xord crashed his lips into hers. Maingat ang bawat galaw ng labi nito na para bang doon kumukuha ng lakas.

Agad na kumunot ang noo nj Astreille nang maramdaman ang init ng katawan ni Xord.

Lumayo siya sa lalaki bago ito sapuin sa noo. "You're burning! May fever ka!" nag-aalala niyang saad.

"I'll be fine, baby, just hug me. Please?" saad nito. Mahina ang boses ng lalaki, halatang may iniinda.

Astreille hugged Xord without any words. Hinaplos niya ang likod nito dahil sa pag-aalala.

"I'm sorry if I kissed you. I can't help it."

"No, it's okay. It's been 10 years since nagkalagnat ako, last na 'yon. Hindi talaga ako dinadapuan ng sakit, kaya ayos lang," sagot niya.

"So I could still kiss you?" She chuckled before nodding her head.

"Punta tayong Hospital, please? Baka lumala pa 'yan," malambing niyang saad.

"I hate Hospitals, Astreille. Please, I want to stay here with you," sagot nito.

"Okay, sige. Dito ka na lang muna. Huwag kang mag-please, I'll take care of you, okay? Bababa lang ako saglit, kukuhanan kita ng pagkain at ng gamot," she said.

Nilagyan niya ng unan ang likuran nito para makasandal ito. Xord's face look pale, pero napakagwapo pa rin nito.

Bumaba ang dalaga sa kusina bago kumuha ng maliit na table.

"Hey, princess, si boss?" tanong ni Kyel sa kaniya.

"He has a fever. Hahatiran ko na lang siya ng pagkain doon," sagot ng dalaga habang hinahanda ang almusal ng binata.

"Minsan lang magkasakit si boss, ibig sabihin malala siya magkasakit. Hindi muna kami mag-de-day off ngayon. We'll take care of the company," Teodore immediately said.

"Ikaw talaga ulyanin ka, alam mo namang never pang iniwan ni Xord sa atin ang agency nang ganito katagal. Let him decide, I'm sure that he'll call his brother to do it," Ephraim said.

Kinamot ni Teodore ang batok. "Edi don't."

"Ephraim, use my car kung uuwi na kayong apat. Here's the key. You can return it in anytime if nakapagpahinga na kayo nang maayos," Astreille said while carrying the small table.

"Y-Yes, ma'am," he answered.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon