Chapter 23

22K 736 150
                                    

"Tagal na nating hindi napapalaban, nawawala na muscles mo, Kyel," Teodore teased the man beside him.

Natatawang nilingon ni Astreille ang lalaki na napatigil sa pagkain, inis na tinabig nito si Teodore bago ito batukan nang malakas. "Akala mo naman talaga ang laking ambag mo sa mga laban laban na 'yon e lagi ka lang namang look out?"

Hindi makapaniwalang napanganga si Teodore dahil sa narinig. Lumingon ito kay Ephraim na nakangisi lang sa gilid. "Tol narinig mo 'yung sinabi ng tanginang 'to? Look out lang daw ako e muntik na nga siyang maligaw rati kung hindi ko pa nakitang gumagapang palabas sa sumabog na building."

Nabalot ng tawanan ang grupo nila dahil roon. Astreille giggled while listening to them. Tumikhim naman si Ephraim sa gilid. "Parehas pa kayong nag-aasaran e kaming dalawa naman ni Greg ang sumasalo sa inyo kapag natatanga kayo."

Tatawa tawang pinagpatuloy ni Astreille ang pagkain habang nag-aasaran pa rin ang mga lalaki sa harapan niya.

Napasimangot siya nang makitang naglagay na naman ng slice ng pizza ang katabing lalaki sa plato niya.

"B-Busog na po ako," she whispered.

Naningkit ang mga mata ng boss niya. "Eat more, you're so slim."

"B-Busog na ako, e," nauutal niyang reklamo.

She swallowed hard when he throw death glares over her. Napipilitan niyang ginalaw ang pagkain sa harapan para hindi magalit ang lalaki sa kaniya.

She was busy eating when she noticed how Xord took his phone inside his pocket. Nakita niya ang pagkunot ng noo ng lalaki habang may kausap sa telepono. Ilang minuto lang ay binaba na nito ang tawag.

Xord looked at her before holding her hand. Pinisil iyon ng lalaki bago magsalita. "I need to leave the country for a while."

"W-What happened?" nag-aalalang tanong ng dalaga.

"Something happened. I need to go."

Tumango na lamang ang dalaga nang tumayo na si Xord para umalis, ni hindi man lang ito nagpaalam sa apat na lalaki na ngayon ay nagtataka rin.

"Saan pupunta si boss?" takang tanong ni Greg.

"Hindi k-ko rin alam, Sabi niya kasi may pupuntahan siya," sagot ng dalaga.

Napahawak sa dibdib si Teodore. "Pakiramdam ko wala nang natitirang pagmamahal sa atin si boss, hindi man lang nagpaalam."

"Nagpaalam siya sa 'yo, Astreille?" tanong ni Kyel sa kaniya. Tumango naman ang dalaga.

Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari pero hindi naman siya pinalaking chismosa at ayaw niya ring makisali sa problema nito. She's just a nobody.

"That's new. Bigla bigla na lang lumalayas 'yung demonyo na 'yon, tapos nagpaalam sa 'yo?" hindi makapaniwalang sabi ni Greg.

"Tangina mo, demonyo pala, ha. Recorded ko gago!" tumatawang sabi ni Ephraim.

Astreille giggled when she saw how Greg's face turned pale. Para itong nakakita ng multo sa harapan dahil sa narinig.

"P-Pre, bati tayo 'diba," pagmamakaawa ng lalaki rito.

"Ulol, sabihin mo muna please master," nakangising pang-aasar ni Ephraim dito.

"Baka maulol muna ako bago ko sabihin 'yan."

Naiiling na ngumiti ang dalaga habang busy sa pagkukulitan ang mga lalaki. Napakakulit talaga ng mga 'to kaya lagi siyang tumatawa. She just focused on eating.

ASTREILLE put her stuffs on the backseat of her car. It's 7PM already and she needs to go home for Marie. Nagpapatulong kasi ito sa assignment niya.

Astreille opened the car of the driver seat, pasakay na sana siya sa kotse para umalis nang may kamay na pumigil doon.

Pinanlamigan siya ng katawan nang makita ang hindi pamilyar na lalaki na ngayon ay nakatingin sa kaniya

She winched in pain when the guy pushed her away from her car. Buong lakas na pinuwersa ni Astreille ang sarili para makatayo.

"Your mother have debts to pay, Astreille. Hindi lang sa ahensya na 'yon kundi pati sa akin. Pero mas masarap sigurong makita kung pati ang anak niya magdudusa," saad nito na ikinahinto niya.

Astreille was out of words.

Nalaman na lang niya na papasugod na ang lalaki sa kaniya kaya mabilis niyang inilag ang katawan.

She can't hurt someone but she managed to kick his foot para matumba ito sa sahig. Nang magawa niya 'yon, agad siyang naglakad papalayo rito. "S-Sorry. H-Huwag mo na kasi akong lapitan!" naiiyak na sigaw niya rito.

Muling bumalik ang takot niya nang makitang tumayo ang lalaki para muli siyang sugurin.

She shut her eyes closed to wait for the stranger's attack. Pero ilang segundo na ang nakalipas ay hindi pa rin siya nakakaramdam ng sakit.

Napamulat siya ng mga mata para lamang makita ang boss niya na ngayon ay salag salag ang braso ng estranghero.

Astreille can't help but to cry after seeing him infront her.

Mabilis na sinuntok ng lalaki ang panga ng estranghero bago ito sipain sa tiyan. Astreille gasped when she saw how the stranger coughed blood.

Nakatulala na lamang siya habang pinapanood ang boss niya na pahirapan ang isa pang lalaki.

Nahugot ni Astreille ang hininga nang makitang lumapit sa kaniya si Xord. He removed his black mask before cupping her cheeks.

"Hey, are you okay? May masakit ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.

She shook her head while crying. Agad niyang niyakap ang katawan ng lalaki dahil sa labis na takot na naramdaman kanina.

"I thought I'm g-going to die," pagsusumbong niya habang humahagulhol sa dibdib nito.

She really thought that she was going to die, hindi niya kayang ipaglaban ang sarili kaya wala siyang magagawa kung patayin siya ng estranghero.

She felt how Xord caress her hair slowly. "Shh, it's fine, I'm here now. Don't be scared."

Tumango ang dalaga habang mariin pa ring nakakapit sa damit ng lalaki.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now