Chapter 24

21.6K 671 182
                                    

"I'll just fetch you tomorrow morning," Xord told her habang maingat na tinatanggal ang seat belt niya.

She nodded her head as she watch Xord got off from his own car. Umikot ito para pagbuksan siya ng pintuan.

"S-Salamat, boss," she uttered.

Ngumiti ang binata bago siya alalayan pababa ng sasakyan.

"Astreille!" Napalingon ang dalaga nang marinig ang boses ng kaibigan mula sa gate ng bahay niya.

Astreille immediately smiled when she got off from the car. She looked at Xord beside her na ngayon ay nakatingin kay Jezreel habang nakakunot ang noo.

"B-Boss, mauna na po ako. Ingat po kayo, thank you po ulit," Astreille uttered.

Xord smiled a bit before holding her hand. Pinisil nito ang palad niya bago sumakay sa driver's seat. Nang makitang wala na sa paningin niya ang sasakyan nito, mabilis niyang tinakbo ang direksyon ni Jezreel bago ito dambahin ng mahigpit na yakap.

"Hi, Jez! Anong ginagawa mo rito?" masaya niyang tanong sa dalaga.

"Who the hell is that guy, Astreille? Atsaka nasaan ang kotse mo?" takang tanong ng kaibigan sa kaniya.

"Come here, umupo muna tayo."

She pulled Jezreel gently papasok sa bahay. Hinila niya ang dalaga padiretsyo sa loob ng bahay.

Astreille immediately saw Marie on the living room, doing her assignments.

"Hi, Marie!" bati niya sa pinsan.

Agad na ngumiti ang bata bago siya takbuhin para yakapin nang mahigpit. "Hi ate! Good evening po! Nagluto po kami ni inay ng sinigang na baka," nakangiti sabi nito.

Astreille flashed a sweet smile. "Ang sarap naman non. Sige, Marie, kakain kami ni ate Jezreel mo mamaya, ha? May pag-uusapan lang kaming dalawa sa kwarto."

Tumango ang bata bago bumalik sa ginagawa. Sinenyasan naman ni Jezreel si Astreille na sumunod na sa taas.

When they're inside Astreille's room, Jezreel pulled her friend's arms to sit with her on the bed.

"Tell me, Astreille, sino ang lalaking 'yon? Bakit ka niya hinatid? Atsaka nasaan 'yung kotse mo? Anong nangyari?" natatarantang sunod sunod na tanong nito.

"J-Jezreel, kalma ka muna. Ang dami mo namang tanong," nakangusong saad ni Astreille habang dahan dahang kinakamot ang pisngi.

"Sagutin mo, isa isa, Astreille. Sinasabi ko sa 'yo," naniningkit na saway sa kaniya ng kaibigan.

She swallowed hard before answering. "Yung b-boss ko ngayon, Jezreel. Siya 'yung naghatid sa akin. Tapos naiwan 'yung kotse ko sa agency."

Kumunot naman ang noo ni Jezreel dahil doon. "Bakit ka niya hinatid? Gabing gabi na, a. Saka may sasakyan ka naman. May nangyari ba?" nag-aalalang dagdag nito.

"Someone a-attacked me a while ago, I don't even know w-who that person is. Pero binanggit niya si mama k-kaya sigurado ako na may kinalaman si mama sa lalaking 'yon. He was about to k-kill me, I was really scared a while ago." Pinunasan ni Jezreel ang mga luha sa pisngi niya habang may pag-aalala sa mga mata.

"But he saved me, Jez. N-Niligtas ako ng boss ko kaya sobrang pagpapasalamat ko sa kaniya. K-Kaya huwag ka nang magalit sa kaniya, please? Hinatid niya lang ako para masigurong ligtas ako," Astreille explained while sobbing.

Ngumiti ang dalaga sa kaniya bago siya yakapin nang mahigpit. Hinagod nito ang likuran niya para patahanin siya. "Huwag ka nang umiyak. Tahan na, naiiyak din ako sa 'yo, e."

Mabilis naman na tumahan si Astreille dahil sa narinig. She hates seeing her love ones crying.

"S-Sorry, ito na, tahan na ako," mabilis niyang sagot.

Tumango naman si Jezreel bago haplusin nang mahina ang pisngi niya. "You sounded like you're so proud of that person. Tell me, anong m'eron sa boss mo na 'yon?"

"W-Wala lang, thankful l-lang ako, Jez," nauutal na sagot ng dalaga.

Mas lalong naningkit ang mga mata ng kaibigan niya. "Hindi ako naniniwala, Astreille. Sige na, ano bang akala mo sa akin? 1 month friend?"

Awkward na ngumiti si Astreille rito. She's having a second thoughts if she'll tell it to Jezreel. But she ended up being talkative.

"Kilala mo ba 'yung writer na matagal ko nang iniidolo?" paninimula niya.

Tumango naman ang kaibigan. "Oo, 'yung writer na lagi mong kinukwento?"

"Iisa lang sila."

"What?!" Napatayo pa ang kaibigan niya dahil sa gulat.

Agad namang hinawakan ni Astreille ang kamay ni Jezreel para paupoin ito. "Oo nga, p-promise."

"Shit. Paano nangyari 'yon?" gulat na gulat na saad ng dalaga.

"I accidentally h-hacked his website, nakapasok ako sa system nila tapos 'yon. Na-track n-nila ako. Then he hired me to work in his agency," pagkukwento niya.

"Oh gosh, sobrang diretsya naman ng tadhana sa nangyari. Sigurado ka bang hindi talaga sinadya 'yan para mabihag ka ng agency nila?"

Umiling siya. "H-Hindi. 'Saka ako kaya 'yung nakaalam ng codes sa mga tulang sinusulat niya. A-Ako 'yung may kasalanan."

Napabuntong hininga si Jezreel dahil doon. "There's more in your story na hindi mo sinasabi sa akin. Tell me more."

"H-He stole my first kiss, Jezreel."

"Ano?!" galit na sigaw ng kaibigan dahilan para mapaurong si Astreille sa kinauupuan.

"That bastard who molested you! Gago 'yon ah?! Bakit ka naman pumayag?!"

"E-Ewan ko," naiiyak niyang sagot. "He kept on kissing me for the past few days. T-Tapos iba rin 'yung lambing niya sa tuwing magkasama kami. S-Sobrang ingat niya sa akin. S-Sorry, Jezreel."

"You let him do this to you, Astreille? I can't believe you. He's taking an advantage of your innocence!" galit na dagdag ng dalaga.

"P-Pero, Jez. You know how much I want someone to care for me, aside from y-you. Alam kong nag-aalala ka sa akin pero kapag wala ka, hindi ko pa rin maiwasan ang maduwag at matakot. M-Mahina ako, Jez. Kaya hindi ko alam kung bakit ko siya hinahayaang gawin 'yon sa akin, h-hindi ko rin alam," umiiyak na usal niya.

Napahilamos si Jezreel sa mukha bago siya lingunin. "You love him."

"M-Matagal na. Alam mo 'yan," she whispered.

"Kaya hinahayaan mo ang lalaking 'yon na halik-halikan ka?"

"J-Jezreel naman, e. Huwag ka namang magalit sa akin, kasi hindi ko rin maintindihan ang sarili ko." Sunod sunod siyang napahikbi pagkatapos sabihin 'yon.

---

Triple updates for today, I forgot to update yesterday, sorry huhu. Love you all.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now