Chapter 59

17.9K 517 54
                                    

Astreille kept on trying to remove the tie around her wrist but she's just hurting herself. Narinig niya mismo mula sa binata na pumunta itong mag-isa, and she'll never let Xord die because of her.

"Ready your fucking guns. And Reid! Take this woman with you, dumaan kayo sa likurang bahagi ng warehouse para hindi kayo maabutan ng lalaking 'yon!" sigaw ni Asero bago tumakbo papalabas kasama ang ilan sa mga tauhan.

Astreille cried silently when she saw how many those guys are. Natatakot siya para kay Xord lalo na at mag-isa lang 'tong lalaban. He can't survive that fight especially that he's alone.

Lumingon ang dalaga sa likuran niya nang maramdaman ang pagkalas ng lubid sa palapulsuhan niya. A man dragged her harshly with other men.

Kumunot agad ang noo ni Astreille nang makitang sumabay sa kanila ang pamilyar na babae. That's Reid Ferrer. She knows that woman! Minsan na niya itong nakatrabaho sa agency.

"Hi, Astreille. Nice to meet you again," nakangising saad nito at inirapan pa siya.

Pilit na kumawala si Astreille mula sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kaniya.

"You bitch, buhay ka pa pala? Akala ko tinangay ka na ng ipo-ipo sa sobrang kasamaan ng ugali mo," sabat ni Astreille rito.

Reid unbelievably looked at her. "Now you got the nerves to answer back?" Lumapit ito sa kaniya bago hilahin ang buhok niya. "Saan mo natutunan 'yan? Sa boyfriend mo? You're like that stupid Arrow, natutong magmatapang dahil nandiyan si Froze sa tabi niya."

Astreille chuckled with that. "You're pissed off because Arrow is prettier than you? O naiinggit ka kasi mas mayaman siya sa 'yo? Saang parte ka ba nagtanim ng galit kay Arrow? Ah, baka naman nababahuan ka sa sarili mong pagkatao kaya pinagbubuntungan mo ng galit 'yung tao dahil alam mong mas lamang siya sa 'yo?" pang-aasar niya rito.

Reid gritted her teeth in anger. "Take that woman out of here! O kung gusto muna ninyong pagsawaan, go on." Reid smirked devilishly at her.

The two men beside Astreille smirked. "Ayos, boss!"

"As if they can," she whispered before kicking the other guy's stomach. Mabilis ang kilos na sinuntok ng dalaga ang lalaki sa kabila niya bago hugutin ang baril nito sa bulsa.

She immediately pointed the gun at Reid who was about to shoot her.

"Go on, shoot me and your head will fucking explode. Challenge me, Reid, ngayon ka magmatapang at magsabi ng kung anu-ano kapag pantay tayo ng lakas."

Nagtaas baba ang dibdib ng dalagang kaharap habang pinapalibot ang tingin sa paligid.

"What? Can't find someone to help you? Malakas ka lang ba kapag may katulong ka? Kawawa ka naman," Astreille teased her.

Nawala sa pokus ang babaeng kaharap kaya agad na nagpakawala ng malakas na sila si Astreille dahilan para mabitawan ni Reid ang hawak na baril. She also shoot Reid's palm who shouted in pain.

"Oh, sorry, nadaplisan," mapang-asar ang tonong saad ng dalaga bago ito talikuran.

Astreille roamed her eyes around the place to find where she could escape. Nakita niya ang malaking daanan sa gilid kaya mabilis niyang tinakbo ang direksyon na 'yon.

"Fuck! Habulin ninyo 'yung babaeng 'yon!"

Palabas pa lamang sana siya nang bigla na lang may umagaw sa baril na hawak niya. She gasped when four men grab her arms to stop her from escaping.

Nilingon ni Astreille si Reid na ngayon ay naglalakad palapit sa kaniya.

"You really think you can escape this place, alive? Think again, honey." Nilingon nito ang mga lalaki sa likuran niya. "Drag her out of here and hide her in a safe place. Hindi siya puwedeng mahanap ni Xord."

Sumaludo ang apat na lalaki rito bago siya hilahin paalis. Matalim na tinapunan ni Astreille ng tingin si Reid na ngayon ay nakangisi sa kaniya.

She'll fucking kill that woman once she had a chance.

"Get off me, you assholes! Saan n'yo ba ako dadalhin!" sigaw niya habang pilit na kumakawala.

Sinakay siya ng mga ito sa kotseng nakaparada sa tabing daan. Gustuhin man niyang tumakas, dalawang lalaki ang nakasakay sa magkabilang tabi niya.

"Ano ba! Pakawalan ninyo--" She shut her mouth when the guy beside her covered her mouth with his hand.

Natulala si Astreille nang tanggalin ng lalaki ang maskara nito.

"Princess, relax! It's me!"

Agad na tumulo ang mga luha sa pisngi ng dalaga nang makita ang kapatid sa harapan niya. The other three removed their masks also, Greg, Kyel and Teodore smiled at her.

"Y-You, guys," she whispered unbelievably.

Niyakap siya ni Ephraim sa labis na pag-aalala. "You must have been so scared inside. Don't worry. You're safe here inside the car, okay? Nandito kami, hindi ka namin hahayaang mapahamak."

Umiiyak na sinuklian ni Astreille ng yakap ang kapatid.

She can breathe properly with her brother and friends around. Para siyang nabunutan ng tinik nang malaman kung sino ang mga kasama niya.

Pero agad ding napabitiw ang dalaga sa kapatid nang maalala niya ang nobyo.

"N-No, we can't stay here. Si Xord, nasa loob pa si Xord!" taranta niyang saad.

"Princess, relax! Let's just trust him, okay? He'll survive that. Nangako siya sa amin," Teodore said.

"No." Umiiyak na umiling si Astreille. "Sobrang daming kakalabanin ni Xord kung magkataon. And that man, Asero, is a wicked man! He'll take the money and kill Xord after that! Hindi natin puwedeng hayaan si Xord na mag-isa ro'n!"

She looked at her brother with her pleading eyes. "Kuya, p-please. Tulungan natin siya, please kuya. I can't lose him. N-Nagmamakaawa ako sa 'yo."

Ephraim sighed before looking at the three other guys. Dahan dahang tumango ang lalaki.

"But! Promise me that you'll stay by our side, hindi ka puwedeng mawala sa paningin namin!" mariin nitong banta.

Astreille nodded her head. "Promise. Let's go there please. Baka kung anong mangyari kay Xord, he won't survive those hundreds of men!"

She can feel her heartbeat going wild. She's really worried for Xord. Hindi niya hahayaang malagay 'to sa kapahamakan nang dahil sa kaniya.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon