Chapter 8

21.1K 665 158
                                    

"Hey, Astreille! You're late," kinakabahang saad ni Jezreel nang salubungin siya nito sa elevator.

Astreille bit her lower lip in nervousness. Nakita niya ang mga katrabaho na handa na sa pagbulyaw sa kaniya. Sa mga tingin pa lang ng mga 'to, parang halata na agad ang galit.

"Alam mo, humingi ka na nga ng oras para makapagpahinga tapos late ka pa?" She turned her head to look at Lei who have spoken.

"H-Hindi. May emergency lang k-kasi," kinakabahang sagot ng dalaga habang nakayuko ang ulo.

Her co-agents chuckled with that. "Ang sabihin mo, pa-espesyal ka lang tutal napuri ka ng boss natin. Pero, Astreille, isang beses lang 'yon. Tanga ka ba?" natatawang saad ng isang lalaki sa gilid.

"Kayo ang mga tanga. Marunong lang kayong makipaglaban, pero kung patalinuhan, 'di kayo uubra sa kaibigan ko. Lumayas nga kayo sa harapan namin putangina n'yo!" galit na galit na sigaw ni Jezreel.

Naiiyak na hinila ni Astreille ang laylayan ng damit ng kaibigan. Natatakot siyang pati ito ay madamay at pagbuntungan ng mga kasamahan nila sa trabaho.

"Ano, titingin ka pa?!" nanghahamon na sigaw ng kaibigan niya sa babaeng masama pa rin ang tingin sa kaniya.

"Bitches," Lei murmured before turning her back.

Hinila naman ni Jezreel ang umiiyak niyang kaibigan papunta sa table nito. She wiped Astreille's tears before sitting on her own swivel chair.

Nanghihinang napaupo ang dalagang si Astreille sa swivel chair nito, kaharao ni Jezreel. Pagod na pagod na siya sa mga pang-iinsulto ng mga katrabaho.

Hindi naman siya makapagreklamo dahil mas malakas ang mga ito sa kaniya, mas mataas, at may kapangyarihan para alilain siya. Pasalamat na nga lang siya at laging nandiyan si Jezreel.

"Hindi ko alam kung bakit hinahayaan mong ganiyanin ka, Astreille." Napalingon siya sa kaibigan.

"J-Jezreel," nauutal niyang sabi.

"You are beautiful, Astreille, sinasayang mo ang ganda mong 'yan sa pagpapaalipin sa mga hayop na 'yan," patukoy ng kaibigan sa mga katrabaho niya.

"I l-love my job, Jezreel." Yumuko siya matapos sabihin 'yon.

"Ano? Anong mahal mo rito? Yung mga pag-aalipusta nila sa 'yo? My God, Astreille, mag-quit ka na ngayon pa lang," galit na sabi ni Jezreel sa kaniya.

Umiling-iling siya. "I can't, Jez, ayokong umalis," naiiyak na turan niya.

Hindi makapaniwalang nilingon siya ng kaibigan.

"You're unbelievable, kung hindi lang kita kaibigan ay ako pa mismo ang magtatanggal sa 'yo sa puwesto."

"Pero Jez, alam mo namang kailangan ko 'tong trabaho na 'to 'di ba? Bukod sa masaya ako sa ginagawa ko, kailangan ko rin mapagtapos sila Marie dahil responsibilidad ko na siya ngayon at sila auntie," naiiyak na turan niya rito.

"Then continue writing," saad ng kaibigan.

"Pinagpapatuloy ko naman talaga, Jez," sagot niya.

"Hindi ka pa ba kumikita roon? You published your story as a book already, makuntento ka na lang doon," nag-aalalang wika ni Jezreel.

"Hindi pa naman book, Jez, e. Paid story pa lang. Atsaka, hindi naman sapat 'yon, Jez, mas malaki yung kinikita ko dito," tugon niya.

Napabuntong hininga na lang si Jezreel sa tabi. Kilalang-kilala niya si Astreille, hindi ito makikinig sa kaniya.

"Ang sabihin mo, hindi mo lang maiwan itong trabaho mo dahil inaabangan mo pa rin yung pinuno natin. Astreille, stop fantasizing over our leader, masyado siyang mataas para sa 'yo. Masyado siyang mapanganib."

Astreille sighed in frustration, "I just admire him for his hardwork. Hindi ko siya crush. Alam mo namang sa iisang manunulat lang ako loyal hindi ba?"

Jezreel rolled her eyes.

"You always fall in creepy guys, Astreille."

"Hindi n-naman sa gano'n, Jezreel. Hinding hindi ko magugustuhan ang boss natin, wala sa isipan ko na palitan siya," patukoy niya sa lalaking manunulat na ilang taon nang nakatira sa puso niya.

Her cheeks blushed when Jezreel smiled at her mischievously.

"Faithful mo naman pala, Astreille. Hindi ko kaya 'yan, limang babae nagugustuhan ko sa loob ng isang taon," Jezreel said while chuckling.

Astreille on the other hand frowned. "Pero gusto ko na 'yung girlfriend mo ngayon para sa 'yo," she said while pouting her lips.

"Why?" takang tanong ng kaibigan.

"She seems nice, Jez. 'Diba nga kaya mo hinihiwalayan 'yung ibang girlfriend mo noon kasi lagi nila akong inaaway? Pero ngayon, she always smile whenever she see me, I like her for you," Astreille explained while flashing a sweet smile.

Isang totoong ngiti ang binitawan ni Jezreel dahil sa narinig. "I love her too. And yeah, I'm happy that I found her."

Sabay nilang tinuon ang mga sarili sa pagtatrabaho matapos mag-usap. Astreille decided to remove the negative thoughts inside her mind for a minute. She needs to calm down.

NAG-INAT ng katawan ang dalaga nang maramdaman ang pagbigat ng mga balikat niya. She rested her back on the swivel chair bago pagmasdan ang glass wall.

Gabi na pala, siya at tatlong tao na lang ang natira sa agency tutal ay night shift din ang mga 'to.

Jezreel wanted to stay longer but her girlfriend is sick and she needs to go home in instant kaya pinauwi na lang niya 'to.

She can handle herself. Besides, ilang minuto na lang din naman ay puwede na siyang umuwi.

She looked at her screen kung saan kasalukuyang nagda-download ang mga files na kailangan niya. Astreille took her cup before walking straight to the pantry.

Nagsalin siya ng apple juice sa baso niya bago 'yon inumin. Ramdam niya ang panunuyot ng lalamunan at ang uhaw.

After drinking the juice, hinugasan niya ang basong ginamit bago 'yon ibalik sa cabinet. She was about to leave the pantry when her phone inside her pocket vibrated.

She took it inside before opening the message from an unknown number.

You still have debts to pay, Astreille Heveiana.

She felt how an unfamiliar thing striked her body. Parang gusto niyang mabuwal sa kinatatayuan habang paulit-ulit na binabasa 'yon.

Is this the mysterious guy she met last last night? Naniningil na ba ito?

She'll gladly pay for the damage. Bakit kailangan nitong manakot?

She took a deep breathe before typing a reply. Pero hindi pa siya tapos sa pagtitipa ng mga letra ay may dumating muli na mensahe galing dito.

You don't owe me a single money. I want something in return. Or maybe someone.

---

Sorry if nag-promise ako tapos hindi ako nakapag-update kagabi. May nangyari lang kasi and busy rin ako kagabi.

Pero ito seryoso, mamayang gabi may update ulit. I swear. I love you all!

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now