Chapter 25

21.1K 663 271
                                    

"Ingat ka, Jez, I love you." Astreille hugged her bestfriend's body tight nang maihatid ito sa gate.

"I love you too. Good night, sweetheart, tulog ka nang mahimbing ha?" nakangiting payo nito.

She immediately nodded her head. "Ikaw rin, dream of me!" Astreille giggled mischievously.

Nakangiting kinurot ni Jezreel ang pisngi niya. "Sige na, pumasok ka na. I'll just wait for a cab. Hindi mo na ako kailangang ihatid kaya huwag mo nang ipilit."

"Sure ka? Malapit lang naman 'yung bahay mo--"

"I'm fine, you need to rest, Astreille. Masyado mong inaabuso ang katawan mo," pagputol nito sa kaniya.

She flashed a dashing smile. "Simula nga nang magtrabaho ako sa agency ngayon, hindi na ako napupuyat. Para ngang wala akong ginagawa roon, Jezreel, kailangan ko lang bantayan 'yung security system sa buong software namin. Pero hindi ako napapagod doon," Astreille said.

Ngumiti naman ang kaibigan.

"I'm happy to hear that, you deserve to rest and have a good sleep. Pero tigilan mo ako, ha, huwag mong subukan na pabanguhin ang pangalan ng tarantandong 'yon. Dahil kahit saan banda, he's still taking advantage of your innocence," mataray na dagdag nito.

"J-Jezreel. He's a Knights."

Kitang kita ng mga mata ni Astreille kung paano manlaki ang mga mata ng kaibigan niya. Dagdagan pa ng pamumutla ng mukha nito.

"K-Knights?"

She nodded her head.

"Fuck it, Astreille. Napakadelikado ng taong 'yon! Sa apelyido pa lang niya, nakadikit na ang kamatayan!" natatarantang singhal nito.

"J-Jezreel, hindi naman--"

"Sigurado na ako sa iisang bagay ngayon, Astreille."

"H-Ha?" nakakunot noong tanong ng dalaga sa kaibigan.

"With his surname. Unlimited wealth and a face that will make everyone drool, sigurado akong pinaglalaruan ka lang ng lalaking 'yan," diretsyong paliwanag nito.

Napalunok nang sunod sunod ang dalaga. "Jezreel," she uttered.

"What? You don't believe me? Alam mo, gusto kong paniwalain ang sarili ko na may gusto siya sa 'yo. Maganda ka naman talaga, e, maganda ang katawan mo. Kung hindi nga kita kaibigan jojowain talaga kita. Hindi imposible na makursunadahan ka ng lalaking 'yon kasi ikamamatay ng ibang lalaki kapag hindi ka naging sa kanila. But with his wealth and looks, Astreille, he's toying you. Tingin mo ba seryoso ang mga lalaking kagaya nila?"

Umiiyak na umiling si Astreille bago mahinang humikbi.

"I feel sorry for you, you don't deserve that kind of man. Gusto ko talagang isipin na seryoso siya, pero Astreille alam mo naman ang takbo ng utak ng pamilya niya 'diba? Kayang kaya nga nilang bilhin ang buong mundo, hindi imposible na bilhin lang din nila ang mga babae. And in your state, he just wanted to claim you as his dahil na-cha-challenge siya sa kainosentehan mo," dagdag pa ni Jezreel.

Hindi na napigilan ni Astreille ang mapahikbi sa narinig. "S-Sige na, Jez. Umalis ka na. I-Ingat."

Malungkot na ngumiti si Jezreel bago siya yakapin nang mahigpit. "Nag-aalala lang ako sa 'yo, sweetheart, at ayoko ring paasahin ka."

ASTREILLE let go of her tears while hugging her favorite pillow. Ngayon lang niya binuhos ang paghagulhol dahil ayaw niyang makita ng kaibigan ang sobrang pag-iyak niya.

She can't forget what Jezreel told her.

Hindi naman talaga seryoso ang lalaki sa kaniya, alam niya 'yon simula pa lang noong una.

He just wanted to test her, he wanted to challenge himself because she's not any other women.

Her boss possessed a face that everyone will drool, an unlimited wealth at kinakatakutang apelyido at katauhan.

"And in your state, he just wanted to claim you as his dahil na-cha-challenge siya sa kainosentehan mo,"

Mas napahikbi ang dalaga sa isiping 'yon.

She loves him for years already. Matagal na niyang minamahal nang palihim ang lalaking nagbibigay ng lakas ng loob sa kaniya na magsulat at magpatuloy sa buhay kahit na hindi pa nito siya kilala.

She almost took her own life, 1 year ago, when Jezreel was nowhere to be found because she has some missions to do. Si Astreille lang ang mag-isang kumakalaban sa mga problema at insulto ng mga katrabaho niya.

That one night, when depression striked her. From her mother's debts, from her father's death and her own problems. Muntik na niyang mapatay ang sarili, but he posted a new poem.

A poem that will make every suicidal person wake up. Isa siya sa mga natulungan ng tula na 'yon para hindi malulong sa kalungkutan.

Since that day, mas lalong tumindi ang pagmamahal niya sa manunulat na 'yon.

And now that she already met him, wala man lang nag-iba sa nararamdaman niya. Hindi nagbago ang tibok ng puso niya.

She can't help but to over think right now. It's obvious that her boss is just playing with her feelings. He just wanted to try a new challenge, and that is her.

Mariin na pinunasan ni Astreille ang mga luha sa pisngi dahil sa labis na pag-iyak.

"Jezreel is the only person who's worried for you, Astreille. Because with your weak mind and weak body, no one will ever love you other than your friend. Kawawa ka naman, ate. Kung ako sa 'yo, I'll just kill my self, para hindi mo na ma-stress si Jezreel."

Sariwa pa rin sa utak niya ang sinabi ng isa niyang katrabaho rati. Aside from Lei and the other guys, there's this one woman who kept on insulting her also, Reid Ferrer. Mas matanda siya rito ng dalawang taon pero kakaiba ang epekto ng mga sinasabi sa kaniya ng dalaga.

Reid Ferrer left the agency 2 years ago. But her words are stucked inside Astreille's mind. She can't forget those words.

Nilingon ni Astreille ang bintanang balkonaheng nakabukas bago tanawin ang langit.

Maybe Jezreel is really the only person, that's not related to her by blood, who truly cares for her. Including her auntie, uncle and cousin.

Sila lamang siguro talaga ang nag-aalala para sa kaniya, sa kaligtasan niya. Maybe other people just really want to take advantage of her innocence and her weakness.

She bit her lower lip habang masagana pa ring tumutulo ang mga luha sa pisngi niya. "D-Daddy, kung nandito ka lang sana, hindi sana ako nahihirapan."

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now