Chapter 39

20.9K 711 152
                                    

"Manang, ako na po magtitimpla ng sinabi ninyo na herbal drink," Astreille approached her auntie in the kitchen.

"Naku, ija, kaya ko na 'to. 'Saka kabisado ko na rin ang timpla nito, kaya ko na 'to ija. Nakapagluto na rin ako ng tanghalian natin," sagot naman ng matanda sa kaniya.

She smiled sweetly before nodding her head. "Sige po, tita. Akyat lang po ulit ako sa kwarto, natutulog na po kasi si Xord, e. Baka maalimpungatan."

"Oh siya sige, asikasuhin mo muna ang nobyo mo. Mukhang mahal na mahal ka no'n, aba'y ayaw malayo sa 'yo!" natatawang dagdag ng tita niya.

She just shook her head while chuckling. "Malabong mahalin ako no'n, auntie. Sige po, akyat na po ulit ako." She bid goodbye to her auntie before going upstairs.

Walang ingay ang bawat galaw niya nang buksan niya ang pintuan ng kwarto. She walked without any noise towards Xord who's currently sleeping. Inangat niya ang comforter na nakatakip sa katawan ng binata bago sumampa sa kama.

"Astreille." Nag-aalalang nilingon ng dalaga ang binata nang marinig ang pagdaing nito. Nakakunot ang noo nito at pabaling-baling ang ulo, pero tulog pa rin ito.

"Hey," she softly whispered before hugging him.

Nagpatuloy ang pagdaing ng boss niya habang pabaling-baling pa rin ang ulo. He's having a nightmare and she's so worried of him right now!

"Astreille, b-baby, no. Stay baby. Baby!"

"Xord! I'm here, I'm here!" mabilis niyang sagot habang niyuyugyog ang binata.

"Baby n-no, please. Stay here. No! Astreille--"

Malakas na sinampal ng dalaga ang pisngi ng binata dahil sa pag-aalala. He immediately opened his eyes. Agad na hinanap ng mga mata nito ang dalaga sa tabi niya. He pulled Astreille for a tight hug, hindi niya mabilang kung ilang beses nagtaas baba ang dibdib niya dahil sa malalim na paghinga.

Hawak hawak naman ng dalaga ang palad na nasaktan dahil sa pagsampal sa lalaki. "X-Xord? Ayos ka na ba? Anong n-nangyari sa 'yo?" utal niyang tanong.

"I thought you left me," humahangos na sagot ng binata.

"S-Sorry kung sinampal kita, ikaw k-kasi e, pinag-alala mo ako. Akala ko kung ano na ang nangyayari sa 'yo," naiiyak na saad ng dalaga habang minamasahe pa rin ang namumulang palad.

Xord weakly let out a chuckle before holding her hand. "Ikaw pa ang nasaktan e ako nga ang sinampal mo," natatawang saad nito habang hinahalikan ang palad niya.

"M-Masakit nga. Bakit ka ba nananaginip nang gano'n? Atsaka hindi kita kinulam kaya bakit mo naman ako mapapanaginipan?" takang tanong ng dalaga.

Xord kissed her forehead before claiming her lips aggressively. "Sorry for that, baby, I just can't stop kissing you. And yes, you didn't put any spell on me but I'm damn smitten to you, Astreille."

Nanubig ang mga mata ng dalaga sa sinabi ng binata. "Ganito ba ang epekto sa 'yo kapag may sakit ka? Nagiging bolero ka, boss," she uttered.

Muling humiga ang lalaki sa kama bago siya yakapin nang mahigpit, dahil sa ginawa nito ay napahiga na rin siya sa kama habang nakakulong sa mainit na katawan ng lalaki. She just let him do everything he wants, tutal ay may sakit 'to kaya ayaw niya munang magkumulit pa.

"How's your sleep? Oh, no, it's not good. Sorry." Ang dalaga na mismo ang sumagot sa mismong tanong na ikinangiti ni Xord.

"It's good, but not that good. I got to see your beautiful face in my sleep, but the scene is not impressive," sagot nito.

Astreille flashed a sweet smile with that. "I can't believe that I got the chance to be one of your nightmares. You're a Knights, should I praise myself?" pagbibiro niya.

"You can always praise yourself for being an amazing woman, even without me, Astreille. Without impressing everyone, you should always praise yourself. I'm tired of seeing you being surrounded with your emotions, with sadness." Natulala ang dalaga sa isang direksyon dahil sa sinabi ng binata.

"I'm not a very important person, unlike you, Xord. It's okay, I'll be fine with this kind of life. Nasanay na rin akong mag-isa kaya ayos lang na ganito ako, I can solve my problems alone--"

"You won't avenge your father?"

Napaupo ang dalaga sa kinahihigaan nang marinig 'yon. Xord just stared at her coldly, umupo rin ang binata sa kama bago siya titigan nang mariin.

"W-What?" Astreille uttered.

"Your father, didn't the police opened his case again? Hindi aksidente ang nangyari sa tatay mo, Astreille. It was a bait and he was killed," pagpapatuloy ng binata na mas lalong ikinakunot ng noo ng babae.

"Y-You know? Paano m-mo nalaman? Kanina lang binalita--"

"I'm the one who told the police to re-open his case again."

Nanlaki ang mga mata ni Astreille, parang bata na humarap siya sa lalaki bago ito hawakan sa braso. "Bakit? Bakit mo pinabuksan ulit? May nalaman ka bang kakaiba sa kaso ni daddy?" taranta niyang pag-usisa rito.

"I've found some leads that can prove anyone that your father was murdered. That accident is just fabricated, sinadya ang lahat, and the purpose is to eliminate your dad," paliwanag ni Xord.

Nanghihinang napaupo si Astreille sa kama habang nanunubig ang mga mata. "M-My dad was k-killed? But why? He's a good man, Xord, wala siyang ibang ginawa kung hindi ang protektahan ang pamilya namin. He's serving the government for 8 years! Wala man lang nga siyang kaaway," umiiyak na litanya ni Astreille.

"If it's possible, maybe your dad accidentally found out about something, a secret that a powerful sindicate holds. You really don't remember anything? Think of it, kung anong kaso ang pilit na binubungkal ng tatay mo, maybe that's the reason why they eliminated him." Nakatulala lamang ang dalaga habang sinasabi 'yon ng boss niya sa kaniya.

She can't even say anything. 

"I'll let you choose wisely, Astreille. Desisyon mo kung mananatili kang duwag na harapin ang mga taong 'yon, or you'll let me do everything to wake the beast inside you. Even if killing gets in your way, it doesn't matter, right?" malalim ang boses na tanong ng binata.

Mariin na pinikit ng dalaga ang mga mata dahil sa galit. "They killed my dad?"

"Yes, they killed your dad. Your dad who always want to protect you and make you happy. You'll let those assholes live? You can hand over the case to me, I can kill them, but isn't more satisfying if they die with your bare hands?" dagdag pa ng binata.

Binuksan ng dalaga ang mga mata niya. Xord smirked devilishly when he saw how anger took over her emotions.

"I'll kill them. I'll do everything to kill them, Xord. So you have to help me."

Nakangising tumango ang binata. "I'm more than willing to help you."

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon