Chapter 50

19K 582 85
                                    

Mariing pinikit ni Astreille ang mga mata habang nakayuko sa manibela. Hindi niya alam kung anong pumasok sa utak niya at naisipan niyang pumasok nang napakaaga.

Hindi siya makatulog simula nang ihatid siya ng nobyo sa bahay kagabi. Marahil ay binabagabag pa rin siya ng konsensya.

"It doesn't make sense at all, " she whispered.

Mahal na mahal siya ni Xord, pero paano pa kung malaman nito na ang tatay niya ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkasakit ang kapatid nito? Baka patayin din siya ni Xord.

She took a deep breathe before composing herself. She needs to break up with Xord, hindi dahil takot siyang magalit ito, kung 'di para sa ikabubuti ng lahat. Magpapakalayo-layo na lang siya kapag panatag na ang loob niya.

Biglang sumulpot sa isipan ni Astreille ang imahe ng ama. Hindi siya makapaniwala na gano'ng klase ng tao ang tatay niya. She did her best to make his burial memorable and peaceful, because he's a good father.

"But is he really dead?" she whispered silently.

Isa pa ang bagay na 'yon, hindi niya alam kung patay na nga ba talaga ang tatay niya. When he was involved in an accident, she saw with her two eyes how her father's body was covered in blood on the hospital's bed. Pero wala siya noong crinemate ito, she didn't have the chance to witness it because her mother died, that exact day.

Nakayukong sumakay si Astreille sa elevator at pinindot ang pinakamataas na palapag. It's just 7AM but here she is, daig pa ang empleyadong nagpapalakas sa boss sa sobrang aga niya.

Kinagat ng dalaga ang ibabang labi nang bumukas ang pintuan ng elevator. She was about to walk towards her office when the lights opened, nagulat pa siya nang biglang sumabog ang mga confetti sa paligid.

"Happy Birthday, Astreille!"

Astreille gasped when she roamed her eyes around the whole room. Masayang winawagayway nila Teodore, Kal, Greg at Ephraim ang banner na may nakasukat na 'Happy Birthday, our princess'.

She didn't expect this. Nakalimutan niya na rin kung anong araw ngayon, it's February 8, it's her birthday today pero wala siya sa sarili!

"Oh g-gosh. Thank you," naiiyak niyang sabi sa mga ito. Nakangiti namang lumapit ang kapatid sa kaniya bago siya yakapin nang mahigpit.

"Happy birthday, my princess!" Ephraim greeted her. Inabot nito ang isang maliit na magandang kahon na tinanggap naman ng dalaga.

"Happy birthday, Astre!" magiliw na saad ni Teodore at Kal bago iabot ang hawak hawak na mga kahon. Mas malaki nang bahagya ang kay Teodore.

Ephraim took the boxes before placing it on the table, para hindi mahirapan ang dalaga sa paghawak ng mga regalo.

Sunod na lumapit naman si Greg na inabot sa kaniya ang pulang kahon. "It's my gift for you, happy birthday, Astreille!"

"Thank you, guys. Salamat talaga," umiiyak na sagot ni Astreille habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi.

Her brother quickly embraced her. "Hindi ka nila puwedeng lapitan kasi seloso si Xord, kaya ako na lang. Huwag ka nang umiyak, you're supposed to be happy."

"Oo nga, princess!" sang-ayon ng makulit na si Teodore na busy pa rin sa hawak na torotot. "Lingon ka sa likuran mo, mas sasaya ka pa."

Nagtatakang pumihit si Astreille para tingnan kung ano ang tinutukoy ni Teodore. And there he is, the love of her life, Xord.

"Happy birthday, my love," nakangiting bati nito bago maglakad papalapit sa kaniya.

Umiiyak na napangiti nang mapait si Astreille nang mahigpit siyang yakapin ng lalaki. This might be the last time that she'll be in his arms, kaya kailangan niyang sulitin ito.

"T-Thank you, love," she replied.

Naramdaman ni Astreille ang paglapat ng malamig na bagay sa leeg niya, she looked at that thing and she gasped in amusement when she saw a beautiful necklace.

"Baby, you don't have to--"

"It suits you so much, a beautiful necklace for a goddess," nakangiting pagputol ng nobyo sa sasabihin niya.

"Thank you, baby. I love you," puno ng emosyong saad ni Astreille bago halikan ang lalaki sa pisngi.

Xord chuckled on her ears. "You're always welcome, my love. I'll do everything to make you happy."

"Come on, boss. Magsolo muna kayo ni princess. Kami na bahala rito sa agency. Hindi namin 'to pababayaan," nanunudyong sabi ni Greg.

Natawa naman si Astreille sa sinabi nito.

"Take care of the agency for a while, Ephraim. I don't trust these three assholes. The last time I let you handle it, nagpa-party kayong mga gago kayo. Punong puno pa ng kalandian ninyo ang agency noon," gigil na saad ni Xord sa mga ito.

Parang maamong tupa na ngumuso ang tatlong lalaki.

"Baby, let's go. I'll take you whenever you wanna go," pag-aya ni Xord kay Astreille.

Nakangiting tumango ang dalaga sa lalaki bago magpaalam sa mga kaibigan. She's just smiling the whole time, nawala lang ang ngiti niya nang makasakay na siya sa kotse ng nobyo.

She's so happy right now. She wonder what will happen after breaking up with Xord. Iniisip niya pa lang, para na siyang nasisiraan ng bait. Hindi niya kayang malayo sa binata, pero kung ito ang makakapagpabuti sa nobyo niya, she'll risk her own happiness to let him go.

Pinagmasdan ng dalaga ang masayang mukha ni Xord habang nagmamaneho ito.

She won't be able to see those smiles again.

She needs to let him go.

Xord on the other hand held Astreille's soft palm with his free arm. He squeezed her soft hand gently bago ihinto ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Hinarap ng lalaki ang nobyang nakayuko. "You should be happy, baby. It's your birthday," nakangiting sabi niya rito.

Pekeng ngumiti ang dalaga. "I am h-happy."

Xord cleared his throat when Astreille slowly let go of his hand.

"But I'm afraid I have to be away from you, Xord," umiiyak na dagdag nito.

Minasahe ng binata ang nakaigting na panga. He looked at her deeply. "What are you planning to do, Astreille?"

"I l-love you so much. Mahal na m-mahal kita, Xord. Pero kailangan kong gawin 'to," pagpapatuloy ng dalaga.

Xord cupped her both cheeks before wiping her tears away.

"Baby, what's wrong? What are you talking about?"

Tinitigan ni Astreille ang mga mata ng lalaki bago humugot ng lakas ng loob para magsalita. "Let's break up, Xord."

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now