Chapter 29

21.4K 723 94
                                    

"Ikaw, Astreille? Anong gusto mong kainin? Ito kasing mga gagong 'to ang tatakaw, kanina pa pumipili parang mga sira," galit na sabi ni Teodore bago bigwasan ang dalawang katabi niya.

Astreille let out a soft chuckle before reading the menu. Katulad nang in-o-order niya noon, 'yon na lang din ang binili niya dahil wala siyang masyadong gana na kumain.

She was about to return the menu when she remembered Xord. Ang sabi nito ay susunod daw ito sa kanila. Maybe it's better if she'll order for him also while he's gone.

"T-Teka lang pala. 'Yung para kay boss, itong--"

"Wala naman si boss, Astreille," pagputol sa kaniya ni Kyel.

"H-Ha? I mean, susunod daw kasi siya sabi niya s-sa akin," she answered back.

Tumango tango naman ang mga lalaki sa harapan niya maliban kay Ephraim na napangiti na lang sa gilid.

"Ikaw na ang o-order para sa kaniya?" tanong sa kaniya ni Greg na may nakapaskil na ngiti sa labi.

She nodded her head before smiling sweetly. "Parating na kasi s-si boss, para sabay sabay na tayong kumain lahat." She laughed awkwardly before focusing her eyes on the menu.

She ordered two pieces of chicken and one slice of garlic bread for him, ito ang kadalasan niyang nakikitang kinakain ng binata. Dinagdagan na rin niya ng vegatable salad. Napapansin niya na hindi masusustansiyang pagkain ang lagi nitong kinakain, mas mabuti kung kumain naman ito ng gulay.

"Astreille, puwede kaming magtanong princess?" Teodore said while scratching his nape.

Inalis ng dalaga ang paningin sa menu bago tumango. "Ano 'yon?"

"Kayo na ba ni boss?"

Sabay sabay na tumawa ang tatlong lalaki sa tabi ni Teodore nang marinig ang tanong na 'yon. Astreille on the other hand blushed.

"H-Hindi, a. Binilin lang n-niya sa akin 'yung kakainin niya ngayon," she answered while stuttering.

Nakangusong tumango si Teodore sa sagot ng dalaga. "Akala ko pa naman may something na sa inyong dalawa, sayang, bagay pa naman kayo."

They just patiently waited for their meal to arrive while Astreille just bowed her head. Busy sa pagkukulitan ang apat na lalaki nang mag-vibrate ang cellphone ni Astreille.

She immediately checked her phone to open the message from her boss.

I'm almost there.

She smiled sweetly as their food arrived. Tinulungan niya ang babae na nagse-serve sa kanila by fixing the arrangement of their meals.

Pagkatapos ay yumuko si Astreille sa babae para magpasalamat, nakangiting tumango naman ito sa kaniya atsaka bumalik sa kinaroroonan.

She sat on her seat as she watched the four guys infront her. Nilalantakan na nito ang mga pagkain pero hindi niya muna ginalaw ang sa kaniya, she'll wait for Xord.

"Gross."

Sabay sabay silang napalingon nang may magsalita sa gilid nila, Xord is now standing infront the table, with a disgusted face. Tumawa na lamang si Astreille nang makita kung paano mag-agawan ang mga lalaki sa pagkain na nasa harapan ng mga ito.

Umupo ang lalaki sa tabi niya bago siya titigan, his arm automatically encircle around her waist. "You haven't eaten yet?"

"I waited for you, nag-order n-na rin ako para sa 'yo." Napangiti ang lalaki sa sagot niya. Nilingon nito ang mga pagkain na nasa lamesa.

"Vegetable salad? What am I going do with this one, little girl?" pilyong tanong nito sa kaniya nang mabaling ang tingin sa pagkain na 'yon.

She gulped before answering. "Kainin mo. Masama kaya sa katawan 'yung laging karne nang karne."

"Copy, baby." Tipid na ngumiti ang boss niya bago pakawalan ang baywang niya na kanina pa nito pinipisil. They started eating, not minding the noise from the three guys infront them.

Astreille carefully wiped her mouth when she's done eating. She quickly drinked her banana milk she's craving for.

"We have some stuffs to do later, Ephraim. I need the four of you to stay in the headquarters until tomorrow morning," malamig na saad ni Xord.

Binaling ng apat na lalaki ang tingin sa boss nila bago tumango. "Puwede naman sigurong matulog, boss, 'diba?"

Tumango ang lalaki. "We'll sleep late since we need to strengthen the codes we're trying to optimize our security system. I need your skills in programming."

"Hindi ba puwedeng sa bahay mo na lang, boss? Para makapunta naman kami," nakangising suggest ni Kyel habang bahagya pang tinataas ang kilay.

Astreille saw how Xord change his expression, mula sa seryoso at parang nandidiri ito. "No, I have many maids inside my mansion and you'll just hit on them. Besides, I never let anyone inside my house."

"Paanong hindi mo kami papapasukin e parang ikaw mismo madalang umuwi sa palasyo mo," naiiling na sabi ni Ephraim.

Napatango tango si Astreille. Sabagay, may kwarto ito sa sariling opisina kaya hindi rin ito madalas umuwi sa bahay nito. She even slept twice inside his bedroom in his office.

"Ang sakit naman no'n, boss. Parang wala ka talagang natitirang pagmamahal sa aming apat," madramang saad ni Teo habang kunwaring lumuluha.

"Wala naman talaga," Xord answered with his deep voice.

Astreille let out a chuckle because of that. Mas natawa pa siya nang makita ang hindi makapaniwalang mukha ng apat na lalaki.

Kyel stood up from his seat before covering his mouth, it's like stopping himself from shouting. Pagkatapos at dinuro nito si Xord na walang pakealam sa paligid niya.

"Y-You. Grabe ka boss, para kaming mga langgam na puwede mo lang tapak-tapakan," he said dramatically while wiping his invisible tears.

Tumayo rin si Teodore sa kinauupuan bago sapuin ang dibdib. "This is worst than a break up. So much for a heart break, Xord."

"Hindi ako makapaniwala na kaya mo kaming traydurin, boss," Greg said while sobbing.

Tumatawang yumuko si Astreille, napakakulit talaga ng mga lalaking 'to. Kaya laging magaan ang andar ng paligid, dahil sa mga banat lang din nila.

"The hell I care," sagot lang ng lalaki bago sumandal sa upuan, walang suot suot na ekspresyon.

Tumatawang hinila ni Ephraim ang tatlong lalaki paupo. "Sige, drama pa. Walang pake 'yan sa inyo, mga shokoy kasi kayo."

Umirap si Teodore rito. "Ang gwapo ko namang shokoy."

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now