Chapter 7

21.2K 668 174
                                    

Maingat na nilapag ni Astreille ang laptop sa ibabaw ng table na nasa loob ng kwarto ng tito niya. It's midnight already, no one is around so she's free to do anything.

Walang ingay na umupo siya sa isang upuan na nakahanda sa harapan ng maliit na lamesa. She opened her laptop to hack the Hospital's data.

Kailangan niyang malaman kung sino ang taong tumutulong sa pamilya niya ngayon.

Her auntie and uncle doesn't have any friends who have golden spoons in their mouth. Lalo na siya, wala siyang ibang kaibigan maliban na lamang kay Jezreel.

This situation bothers her a lot. Paano kung may kapalit ang tulong na binibigay nito? Lalo na at hindi naman niya kilala ang tao sa likod no'n. Even the Hospital doesn't want to reveal his or her identity.

Malalim na hininga ang ginawad niya bago simulan ang pagkilos ng mga daliri. She connected her software to the Hospital's. Ilang minuto lang ang tinagal ay nagtagumpay na siyang makapasok sa mga pinakatagong impormasyon na tinatago ng mga 'to.

Wala naman siyang pakealam sa iba pang client o kasosyo ng mga ito sa trabaho, ang kailangan niya lang malaman ay ang identity ng taong tumutulong sa kanila.

She searched for the private names na nakapailalim sa listahan ng mga bigating tao.

Attorney Kali Mergarez

Senator Hannah Simangan

Mayor Gregor San Antonio

Attorney Caril Monseto

Attorney Felix Kahil

Senator Billy Masena

She stopped at the middle, lahat ng mga pangalan ay pamilyar sa kaniya. Malamang, mga taong may posisyon sa batas ang mga ito.

Sa bawat pangalan na nakikita niya, nakakonekta ang mga pangalan ng pasyente na tinulungan ng mga 'to.

She continued scrolling to find her uncle's name. And as soon as she reached the bottom, she saw Freddie Dela Cruz's name, her uncle, at the end. Associated with an ID number.

"ID number? Bakit hindi pangalan ang nakalagay rito? Anong gagawin ko rito?" frustrated na bulong niya habang naiiyak na sinasapo ang ulo.

Pero muli siyang napabalikwas habang pilit na binabasa ang ID number na katabi ng sa tito niya.

This kind of ID number belongs to powerful people. People who were born to kill, punish and rule the whole world.

"Oh God," she whispered.

Paulit-ulit niyang pinagmasdan ang mga numerong nakalatag sa screen. All of these, these doesn't feel right at all. Imbes na matuwa na may tumutulong sa kaniya, mas lalo siyang kinabahan.

Mas lalo siyang natakot.

Mariin niyang pinikit ang mga mata habang pinoproseso lahat sa loob ng isipan niya. There's only one family who own this ID number.

Knights.

"A-Anong kailangan nila sa amin? Did tito have debts to pay? Are t-they being sarcastic?" sunod sunod na tanong niya sa sarili.

Hindi na niya alam kung anong gagawin. Bakit naman sila tutulungan ng isang makapangyarihang pamilya? Ni minsan, hindi niya ginustong mapalapit sa mga 'to. Bukod sa takot siya, hindi niya rin kakayanin ang anumang kapahamakan na haharap sa kaniya kapag napalapit siya rito.

She immediately closed the site and removed all the traces she left. Mas nadagdagan lang ang bigat ng ulo niya, para siyang mababaliw sa mga nalaman.

Astreille didn't notice how her body moved on its own. Parang may kusang buhay ito na dumiretsyo agad sa writing app na pampatanggal niya ng sakit sa ulo.

She just decided to stay in the app, searching for that writer's story.

Napadpad siya sa bagong kabanata ng librong sinusulat nito. It was updated 5 minutes ago.

She took a deep breathe habang pilit pa ring pinapakalma ang sarili. When everything is good, pinili na lamang niya na manatili sa pagbabasa. Maybe it will help her forget about the stressful things.

"SALAMAT talaga, ija. Napakalaking tulong mo talaga sa pamilya namin," umiiyak na paghangos ng matanda habang kulong kulong si Astreille sa bisig nito.

Ngumiti nang matamis ang dalaga habang hinahagod ng haplos ang likuran ng matanda.

"Wala po 'yon, tita. Ako lang naman po mag-isa sa bahay kaya ayos lang po na naroon kayo. Mas matututukan po natin si tito. Atsaka wala na po kayong dapat alalahanin sa pagkain kasi ako na rin po bahala sa mga 'yon," paliwanag niya rito.

Pinunasan ng matanda ang mga luha sa mata bago dahan dahang tumango. "Napakabait mo talaga. Buti at ganiyan ka pinalaki ng tatay mo. Ang nanay mo, kasi, 'yung kapatid kong 'yon, ambisyosa sa pera."

She chuckled. "Hayaan mo na si mama, tita, ang mahalaga wala na akong pinoproblema nang dahil sa kaniya."

She lied, until now, bitbit niya pa rin at pasan-pasan ang responsibilidad at utang ng nanay niya. But she doesn't want to stress her auntie, sapat nang malaman nito na ayos siya.

"Naku, paano ba 'yan ija. Mag-eempake muna kami ni Marie, ha? Mag-iingat ka sa byahe pabalik sa Maynila," nag-aalalang paalala nito sa kaniya.

"Opo, tita. Bukas ng umaga, babalikan ko po kayo nila Marie. Off ko naman po bukas mula sa trabaho kaya may oras po tayong mag-ayos ng mga gamit. Mag-iingat po kayo rito, kailangan ko na pong umalis, may pasok pa po kasi ako ngayong hapon." She carried her bag before hugging Marie on her side.

"Mag-ingat ka, Astreille. Maraming salamat ulit, ija."

She smiled sweetly at her family. Ilang minuto pa bago sila magpaalam sa isa't isa, napagpasyahan niya nang bumyahe muli pabalik sa Manila.

Hindi siya nakatulog nang maayos kagabi dahil sa mga nalaman niya. Babawi na lang siya ng tulog ngayong umaga kapag nakauwi na siya, alas tres pa naman ng hapon ang trabaho niya dahil si Jezreel mismo ang nagpaalam sa commander na may emergency.

Astreille is really thankful for having a friend like her. Jezreel is the sweetest person in the earth. Lagi siya nitong inaalalayan at pinoprotektahan mula sa ibang tao.

If she'll be given a choice to pick a bestfriend in another life, she'll always choose Jezreel, over and over again.

Tinuktukan niya ang sarili. "Aysh. Miss na miss ko na tuloy siya," she whispered to herself.

---

Update ulit ako mamayang gabi 💞

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now