Chapter 9

20.8K 781 275
                                    

Pabagsak na umupo ang dalaga sa kama nang makarating siya sa kwarto. Gladly that the traffic wasn't that heavy kaya malawak ang kalsada.

Pumasok siya sa CR para maglinis ng katawan. When she was done, she just wore her black pajamas before sitting on her study table.

Binuksan niyang muli ang laptop para basahin ang bagong kabanata na nag-notify sa kaniya kanina. She's glad that this writer is updating his story from time to time. Atleast, nalilibang siya at may pampaantok siya.

She smiled while reading the poem in the first chapter. Laging ganito ang nasasaksihan niya. Sa bawat kabanata ay may bubungad na tula sa lahat ng mambabasa.

But Astreille knew that something is off, these poems are somehow connected with each other.

Nanlaki ang mga mata niya nang ma-realize ang isang bagay na matagal nang naninirahan sa utak niya. The first letters.

Mabilis ang mga kamay na nagtipa siya ng iba't ibang code para makuhanan lahat ng unang letra sa mga naunang kabanata.

She connected all of those letters in one and translated it into binary code after. Pagkatapos no'n ay sinubukan niyang i-inspect maging ang url ng profile ng lalaki.

In just one click, she successfully gathered all of those codes into one. And it only shows one thing on her screen, a website link.

Mabilis ang mga kamay na kinopya niya ang link na 'yon bago ito bisitahin. This website, it's not dangerous right?

Napaatras siya sa kinauupuan nang bigla na lang mag-flash ang pulang ilaw sa screen niya. Kasabay nito ay ang matinis na tunog dahilan para takpan niya ang mga tainga.

She gasped when she realized what laptop she used. It's her personal laptop!

Hindi siya tanga para hindi malaman na sinusubukan ng software ng website na pasukin ang sa kaniya. A fucking bait!

Kahit nanginginig ang mga kamay ay hinawakan niya pa rin ang mouse ng laptop. She can't destroy her laptop because all of her files are inside!

Sunod sunod na tumulo ang mga luha niya nang malaglag mula sa palad ang USB na hawak. She's trembling in fear because of what's happening right now.

"Ahh!" Napasigaw siya sa gulat nang tumunog rin nang malakas ang cellphone niya.

She saw the red warning flashing on her cellphone's screen also.

Umiiyak na napaupo siya sa sahig habang tinatakpan ang magkabilang tainga para hindi marinig ang matinis na tunog mula sa laptop at cellphone niya.

Wala na siyang lakas para tumayo pa at sirain ang laptop niya. She can't move her body, her knees are trembling.

Napahikbi siya nang tumigil ang ingay sa paligid. Even her laptop and cellphone was back to normal. Pero ilang minuto lang ang nakalipas ay pumaskil muli ang isang salita sa screen niya.

"HACKED"

Nakagat niya ang ibabang labi sa sobrang kabang nararamdaman. All of her personal informations are inside that laptop.

Mabilis niyang tinakbo ang daan palabas ng kwarto para bumaba sa sala. She needs to leave bago siya maabutan ng tao sa likod ng lahat ng 'to.

That writer. She can't believe that this has something to do with him. His story is a bait, and because she idolized him so much, masyado siyang nakampante.

She took her car keys bago nahihintatakutang tumakbo papunta sa pinto. But she immediately stopped when her main door opened.

Mas lumakas ang pagtibok ng puso niya habang dahan dahan iyong bumubukas.

"W-Who are you?" she asked while crying.

Mabilis niyang pinakilos ang katawan bago takbuhin ang kwarto niya sa itaas. Malakas niyang sinarado ang pintuan at ni-lock 'yon.

She took the chair on the side atsaka kinalang 'yon sa pintuan.

Her lips are trembling in fear, para siyang mahihimatay sa ano mang oras.

Humihikbing umatras siya papalayo sa pintuan nang makita kung paano subukang buksan ng estranghero ang pintuan niya.  She quickly ran to her bed atsaka doon umiyak nang umiyak.

She can't fight for her life. Bobo siya sa pakikipaglaban. Wala siyang lakas para rito.

She can't help but to pity herself. Kung hindi lang sana siya naging pabaya, hindi siya aabot sa ganito.

Astreille shut her eyes tightly when a strong force opened her door causing a loud noise.

Hawak hawak pa rin niya ang kumot habang mahinang humihikbi.

Sinubukan niyang imulat ang mga mata para lamang bumungad sa kaniya ang isang pigura ng tao sa gilid. Dahil madilim na ang buong paligid, tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw para makita niya ang pigura ng estranghero sa gilid ng kwarto niya.

She composed herself kahit mahihimatay na siya sa takot.

"W-Who are y-you?"

Lumakas ang paghagulhol niya nang humakbang ito ng isang beses. She bit her lip habang patuloy pa rin sa paghikbi.

"P-Please. I don't want to d-die yet. Kung sino k-ka man, hindi ko kayo guguluhin, p-promise. Please, don't kill me," pagmamakaawa niya rito.

Hindi sumagot ang estranghero sa kaniya. Instead, the person slowly stepped forward hanggang huminto ito sa dulo ng kama niya.

"Don't k-kill me, please. Promise, h-hindi ako masamang tao. Hindi ko talaga kayo guguluhin, I'll forget a-about these things. P-Please. P-Promise," she cried hopelessly.

Napakislot siya nang iangat ng lalaki ang mukha paharap sa direksyon niya. Then he slowly removed his cap causing Astreille to meet his eyes.

Those eyes. Hindi niya makakalimutan ang mga matang iyon. Two different eye color.

"Astreille." Nagsumiksik ang dalaga sa headboard nang banggitin nito ang pangalan niya.

His voice is so deep that it can sent million people to drool over him. But in her case, parang gusto na lang niyang magpabaril dito.

"I'm a g-good girl. Hindi ako m-masamang tao, wala naman t-talaga akong intensyon na pasukin ang website mo." She raised her one arm beside her head na umano'y nangangako. "P-Promise. M-Maniwala ka naman sa akin."

She heard how he chuckled devilishly. Sunod na tinanggal ng lalaki ang buong maskara na tumatakip sa ibabang parte ng mukha nito bago siya muling balingan.

Now, she's able to see an epitome of perfection infront her.

"Didn't I told you that you have debts to pay?" malamig na saad nito.

Astreille trembled in fear when he walked closer to whisper on her ears.

"Naniningil na ako ngayon."

---

Ano 'tong nabalitaan ko na nakangiti ka ngayon habang nagbabasa?

Kapatid, masama 'yan. 'Di ka kilala ni Xord, ano ka ba, ba't ka kinikilig. Astreille ka?

Charot, hahahaha. Ang sama ko namang tao. #Exposed

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon