Chapter 11

21.6K 818 456
                                    

Mahigpit na napahawak ang dalaga sa strap ng bag habang nakatayo sa harapan nang napakalaking gusali.

She can't believe that this place is underground. Kanina, noong dumaan sila sa tagong gusali, muntik na niyang buksan ang kotse para lumabas sa pag-aalala na baka trap lang ang lahat.

Pero ngayon, wala na siyang ibang masabi. Maraming tao ang nasa labas ng gusali, lahat armado at nagbabantay. This headquarters look like an illegitimate company, pero hindi naman siya puwedeng magsalita agad.

"Come on, they're waiting for you."

Agad siyang tumango sa lalaking katabi bago ito sundan sa paglalakad. She kept on bowing her head tuwing napapadaan siya sa lalaking naka-suit na yumuyuko sa kanila.

She saw the admiration in their eyes while looking at her but she just ignored it.

Dire-diretsyo silang pumasok sa loob ng gusali. Her eyes widened when she saw how high tech the things inside are.

Maraming hologram at computer sa paligid, everyone is busy also with their job. Pero hindi naalis sa kaniya ang malalim na pag-iisip. Is this an illegal business or agency?

Kinagat niya ang ibabang labi nang akayin siya ng lalaking kasama pasakay sa isang elevator. Kinutkot na lamang niya ang laylayan ng long sleeve ng suot niyang puting dress. She wanted to go home because it doesn't feel right for her.

"Let's go. Don't be scared, hindi ka namin papatayin," natatawang pagpapakalma sa kaniya ng dating boss.

She chuckled softly before flashing a sweet smile. Pagkabukas ng elevator, bumungad agad sa kaniya ang napakalawak na kwarto. Sa pagkakaalala niya ay pangalawa ang floor na 'to sa pinakamataas na floor.

Inatake siya ng kaba nang salubungin sila ng tatlong indibidwal. Just by looking at them, she can clearly see that these four men infront him are powerful.

"Astreille Heveiana, right?" tanong ng lalaking nasa unahan sa kaniya.

She bit her lower lip due to nervousness before nodding. "O-Opo."

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?" seryosong tanong naman ng lalaki sa likuran.

She slowly nod her head. "O-Opo."

Katahimikan ang bumalot sa buong paligid nang hindi sumagot ang mga lalaki sa kaniya.

Kalaunan ay muntik na siyang mapakislot nang biglang pumalakpak ang mga ito.

"Great! May nag-iisang babae na rin sa agency na 'to. Sa wakas putangina!" gigil na saad ng lalaking kulay asul ang buhok.

She was shocked with their sudden actions.

"Tangina pre, para akong nabuhayan ng loob. Sawang sawa na ako sa mga mukha ninyong mga tanga kayo," mariin naman na sabi ng isang lalaki na hanggang balikat ang haba ng buhok.

Astreille's former boss, Ephraim, cleared his throat bago batukan ang tatlong lalaki sa harapan nila ng dalaga.

"Mga abnormal, kumilos kayo nang ayos. Parang hindi mga barako, ha," gigil na saad nito na ikinangiti ni Astreille.

She thought they'll throw her out, natakot siya sa mga ekspresyon nito kanina.

"Tangina Ephraim, umamin ka na lang din na sawang sawa ka nang makakita ng mga dick heads sa paligid mo. Para ngang naninibago ako tuwing lalabas ng headquarters, tingin ko sa mga babae alien," humahalakhak na pagkukwento ng lalaking singkit.

"Tumigil na kayo. By the way, this is Astreille Heveiana, she ranked as the 2nd greatest hacker in the whole world," parang may tono ng pagyayabang na saad ni Ephraim.

Astreille smiled sweetly when she faced the three guys. "Hi, pretty, I'm Teodore."

Tinanggap niya ang kamay nito na nakalahad sa harapan niya. Parang kinikilig na lumayo ang lalaki habang tinutulak pa ang dalawa niyang kasama.

"Hey, it's nice seeing a girl here in our headquarters. I am Greg," pakilala naman ng lalaking mahaba ang buhok.

Tinanggap niya rin ang kamay nito, at katulad ni Teodore ay parang kinikilig din ito na lumayo habang bahagya pang nagtatatalon.

The last guy who has a blue dyed hair smiled. "Hi, I'm Kyel!"

Nang tanggapin niya ang kamay nito, mabilis itong bumitaw atsaka ngumiti nang alanganin. "Sorry, traumatized pa ata ako sa girls."

Nagulat na lamang si Astreille nang batukan ito ng mga kasama niya. "Ang arte mo, ang arte mo. Pabida ka talaga."

She let out a soft laugh while looking at them. Parang mga bata kahit nakaka-intimidate ang mga postura nito.

"Hey, Astreille. I think you need to meet our boss, he's on the last floor. Come on?" aya sa kaniya ni Ephraim nang mabawi niya ang wisyo.

She swallowed many times when she heard that. Hindi niya alam, pero bigla siyang kinabahan nang marinig 'yon sa bibig ng lalaki. Their boss?

Pinilig niya ang ulo at inisip na lamang na katulad din ng mga ito ang boss nila. Maybe he's old and a great hacker also, and he needs someone to take care of his job for a while since matanda na ito?

She doesn't know. Kailangan niya muna itong makausap para malaman kung bakit kailangan niyang sumali sa grupong 'to.

Habang nasa loob ng elevator, hindi naiwasan ni Astreille ang mapaisip sa itsura ng tinutukoy nilang boss.

Panot, matanda, kulubot ang balat at uugod-ugod.

Halos tuktukan niya ang sarili nang maisip 'yon. She felt guilty for a moment, pero hindi naman niya maiwasan dahil 'yon naman talaga ang mga nakikita niya kadalasan.

"We're here. Come on." Inalalayan din siya ni Ephraim palabas ng elevator na ikipinagpasalamat niya.

Parang matutulala lang yata siya sa buong araw dahil sa kalutangan. The moment she stepped on the last floor, she can't help but to get amazed by how manly the room looks like.

Kulay itim ang mga gamit at isang malaking glass wall naman ang nakaharap sa kanila.

The 'boss' seems lonely. With all these colors around him, Astreille cannot stand it. She felt scared whenever she sees the color black. Pero ngayon, hindi naman siya masyadong natakot dahil maganda at maayos ang pagkakaayos ng buong opisina.

"Boss," Emphraim said while looking at the man in suit sitting on hiw swivel chair.

Napatuptop si Astreille sa bibig dahil ngayon niya lang napansin ang nakatalikod na lalaki sa kanila.

He's not even panot.

And, his posture looks like he's still young. With those broad shoulders and manly figure.

"Astreille is here. I'll go ahead, boss. Usap muna kayo."

Nataranta si Astreille nang biglang lumayas sa harapan niya ang kasama. Gusto niya pa sana itong habulin pero sumara na agad ang elevator.

She just swallowed hard while looking at the man. Inabangan niya ang pagharap nito nang magsimula itong umikot paharap sa kaniya.

As soon as she saw his face. Bumalandra agad ang gulat at takot sa kaniya.

Ilang hakbang paatras ang ginawa niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa lalaki.

"Y-You?" she said while stuttering.

Xord Knights stood up from his seat while looking at her intently.

"Yes, me."

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now