Chapter 47

17.9K 638 72
                                    

Maingat na pinunasan ni Astreille ng basang towel ang noo ng dalagang natutulog sa kama niya. She's glad that Miyuki's able to rest, paniguradong pagod na pagod ito dahil maghapon itong lumaban para sa sariling buhay.

Astreille glanced at Dra. Haley when the doctor entered her room. Bumangon ang dalaga mula sa pagkakaupo bago ito salubungin.

"Doc? How's the test?" nag-aalalang tanong niya.

The doctor smiled at her. "You don't have to worry that much. Hindi naman masyadong malalim ang saksak na natanggap niya. She lost too much blood but she'll recover soon, huwag na lang siyang gagalaw masyado para hindi maapektuhan ang tahi sa sugat niya."

Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ng dalaga sa narinig. Sobra-sobra ang pag-aalala niya sa babae, Astreille can't imagine what Miyuki went through, paniguradong nawalan na ito ng pag-asa kanina.

"By the way, I borrowed your phone a while ago for some research. Hindi ko kasi nadala 'yung cellphone ko, I was panicking so I forgot about bringing it. Someone texted you, and I accidentally read it," natatawang saad ng doktora.

"Someone texted me? Sino po?" Astreille asked. Inabot naman ng doktora ang cellphone niya kaya maingat niya iyong tinanggap.

"Xord Knights. I panicked a while ago when I saw his surname registered on your phone. Akala ko may nagawa kang kasalanan sa pamilya nila, but it seems like he's worried for you, so I guess may relasyon kayo?" tanong ng doktora habang busy ang dalaga sa pagbabasa sa mensahe ng nobyo niya.

You texted a doctor. What the hell happened to you, Astreille?!

Napakagat-labi na lang ang babae, napakapraning pa naman ng nobyo niya. Muling nilingon ni Astreille ang doktora. "Y-Yeah. He's my boyfriend po," nahihiya niyang tugon.

"That's great! I'm also Miracle's personal doctor!" excited na saad nito.

"Po? Miracle?" Kumunot ang noo ni Astreille.

"Yeah, she's Trigger Knights' wife. You don't know her? She's lovely and sweet, just like you," nakangiting tugon nito.

Kinamot ng dalaga ang batok bago marahang umiling. "Bago pa lang po kami ni Xord, e. I haven't meet his brothers' wives. But I'm sure that they are all lovely!" masiglang saad ni Astreille habang nakapaskil ang ngiti sa labi.

"You're right. I was just sad about what happened years ago. I can't believe that Miracle's parents can do that thing to Miracle's first baby."

Mas kumunot pa ang noo ni Astreille nang hindi niya maintindihan ang sinabi nito. "Po? First baby? What happened po?"

Mukhang natauhan bigla ang doktora dahil doon. Pinilig nito ang ulo bago sumagot. "It's n-nothing. I forgot that it's confidential."

Ngumiti na lang si Astreille bago tumango. It feels like the doctor doesn't want to talk about it, and she respect it.

Muntik nang mapatalon si Astreille nang marinig ang malakas na busina sa labas ng bahay. Mabilis niyang tinahak ang bintana para silipin ang nasa ibaba. Her eyes widened in surprise when she saw Xord and her brother coming out from the car. Walang kahirap hirap na binuksan ng mga 'to ang gate.

Astreille bit her lower lip. "Wait, doc. I'll handle my boyfriend, baka magwala na naman 'yon. Praning kasi, e," alanganing saad ng dalaga.

Dra. Haley laughed with what she said. "Sure, sweetheart."

Mabilis na tumakbo ang dalaga palabas ng kwarto niya, halos mabuwal pa siya sa kinatatayuan nang makitang papaakyat na ang dalawang lalaki sa hagdan. Astreille quickly closed the door.

"Baby!"

"Princess!"

Sabay na sigaw ng dalawang lalaki nang makita siya. Nag-unahan pa ang mga 'to sa pagyakap sa kaniya.

Astreille took a step backward nang magkabanggaan ang dalawang lalaki, nagtitigan pa ang dalawa habang masama ang tingin sa isa't isa.

Astreille just chuckled with that. Una niyang nilapitan ang kapatid na sinuklian siya nang mahigpit na yakap. "What happened to you, princess? We're damn worried!" tarantang singhal nito.

Hindi agad nakasagot ang dalaga nang marahan siyang hilahin ng nobyo. She quickly kissed Xord's lips to greet him. "Good evening, love."

"Good evening, baby. What happened to you? You texted a fucking doctor, and I panicked a while ago!" galit nitong singhal.

"I actually... Ahm." She scratched her forehead.

"What?" Nilingon ni Xord ang pintuan ng kwarto niya bago iyon puwersahang binuksan.

But Astreille quickly grabbed the doorknob before closing the door again. Ayaw niyang magulat ang doktora sa pagpasok ng dalawang lalaki.

"Xord. Calm down, man," natatawang saad ni Ephraim habang umiiling.

"What are you hiding inside your room, Astreille?" matalim ang tingin na tanong ni Xord sa dalaga.

She gulped three times before answering. "W-Wala! Kumalma ka nga muna. I'm not hiding something."

"So it's someone?"

"Y-Yeah," she answered.

"Open that goddamn door." Maingat siyang hinawi ng lalaki bago buksan ang pintuan ng kwarto niya.

Napapikit na lang si Astreille bago sundan ang lalaki na ngayon ay kaharap na ang doktora.

"Dra. Haley?" he said.

"Xord! Nice to meet you!" Malugod na binati ng doktora ang lalaki bago ito yakapin.

"Hey, it's been a while. What are you doing here? How's Miracle and kuya?" manghang saad ni Xord.

"They know each other?" tanong ni Ephraim sa kapatid. Nilingon naman ni Astreille ang kuya niya.

She smiled sweetly. "I think so. Doctora Haley is the personal doctor of ate Miracle, asawa ng kapatid ni Xord," she answered.

"Hell. You don't know how many times he cussed while driving all the way here. Ako pa ang minumura niya dahil sa pag-aalala sa 'yo," natatawang pagkukwento ng binata.

"I'm sorry for that, kuya. Hindi talaga mapigilan ang mga sinasabi niya," Astreille replied with a smile on her face.

"I felt humiliated, princess. Actually, I was supposed to be the one who can cuss him all around. I am your brother, dapat ako ang umaalipin sa kaniya pero tingnan mo ang ugali niyan! Minumura-mura lang ako," pagsusumbong ni Ephraim.

She giggled with that, kitang-kita niya ang pagkairita at pagka-inis sa mukha ng kapatid niya. Nilingon na lang ni Astreille ang nobyo na ngayon ay naglalakad na papalapit sa kaniya.

"Who's that woman on your bed? I heard you saved her," nagmamalaking na saad nito.

"She's Miyuki. And yeah, I'm glad that she blocked my way. She lost too much blood."

Mahigpit na niyakap ng nobyo ang baywang niya. "You're her guardian angel. A beautiful angel."

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon