Chapter 20

22.9K 790 209
                                    

Humugot nang malalim na hininga si Astreille habang inaayos ang suot na damit para sa training na sinasabi ng boss niya.

Teodore and Ephraim are helping her to hold the sword. Tinutulungan siyang maghanda para hindi mapagalitan ng boss nila.

"B-Baka mamaya si boss 'yung masuntok ko," naiiyak niyang sumbong kila Teodore.

The four guys burst out, laughing at what she said. "Bakit ka naman kasi masyadong kabado, Astreille. Mamaya kapag kayong dalawa na lang, ayusin mo, baka itapon ka no'n palabas ng building," pananakot sa kaniya ni Greg.

Malakas naman na binatukan ni Kyel ang katabi. "Nanakot ka pa, bobo ka talaga. Parang nakalimutan mong babae 'yan si Astreille. Ephraim puwedeng magtanong?"

Nilingon ito ng lalaki na seryosong seryoso. "Oh, pre?"

"Tao ba 'to si Greg?"

Sabay sabay silang natawa nang malakas nang makita ang ekspresyon ni Greg, mabilis na hinampas ng lalaki si Kyel. "Kapal naman ng mukha mo e alipin ka nga lang sa impyerno."

"Nag-aaway pa kayo e parehas lang naman kayong ka-level ng kalyo ko," nagmamayabang na sabat ni Teodore sa tabi.

Sasagot pa sana ang dalawang lalaki nang pare-parehas silang mapahinto nang bumukas ang pintuan. Astreille swallowed multiple times bago magtago sa likuran ng apat na lalaki.

She's not even ready for this. Baka imbes na maging magaling siya ay mapatay niya pa ang lahat ng tao rito dahil sa pagiging clumsy niya.

"Where's Astreille?"

Nanlamig ang katawan niya nang humawi ang apat na lalaki, she pouted her lips bago nagtatampong tumingin kila Teodore na nangangamot batok lang.

"The four of you, leave," malamig na utos ng boss nila sa harapan.

Gustong magreklamo ni Astreille at tumakbo na lang din paalis pero natatakot siya sa malamig na trato ni Xord.

"Goodluck, Astreille! Kaya mo 'yan!" Kyel mouthed.

Teodore waved his hand before smiling. He mouthed goodbye.

Gano'n din ang dalawang lalaki na nakangiting kumaway sa kaniya para magpaalam. When they're finally out, Xord went closer to the door before locking it.

Lumapit ito sa kaniya bago siya isandal sa pader. Otomatikong nanlambot ang mga tuhod niya dahil sa malalim nitong titig.

"I can't believe that I'll be able to train a beautiful woman today," husky na saad nito.

Namula ang mga pisngi niya at alam niyang pansin 'yon ng lalaki.

"T-Thank you p-po," she said before bowing her head politely.

Xord chuckled with that, tumayo ito nang maayos bago muling sumeryoso. "We'll start at physical combat, come here."

Sinundan niya ito sa gitna ng silid. Nakita niya ang punching bag na nasa pinakagitna. Xord took her hands before letting her wear a boxing gloves. Napalunok pa siya habang nakatingin sa seryosong lalaki na para bang pinagsisilbihan pa siya.

She cleared her throat when Xord stood infront the punching bag. "Show me your strongest punch, you should be able to make this punching bag move, even just a little bit."

Napanguso siya sa sinabi nito. Even just a little bit. Parang ang ibig nitong iparating ay hindi niya kayang sumuntok nang malakas.

She was shocked when Xord let out a straight and quick punch on the punching bag. Namangha pa siya sa lakas na para bang matatanggap ang punching bag sa suntok na 'yon.

"Go," Xord assisted her.

Kinagat niya muna ang ibabang labi bago pumwesto sa kanina kinatatayuan ng lalaki. Humugot siya nang malalim na hininga bago pakawalan ang suntok.

"Ouch," naiiyak na daing niya nang bumalik ang epekto non.

Nangilid ang mga luha sa mata niya nang maramdaman ang hapdi sa kamao. Dagdagan pa ng tawa ng boss niya sa gilid niya.

She quickly wiped her tears before bowing her head. "S-Sorry po b-boss, ang sakit po kasi t-talaga," umiiyak na paliwanag niya rito.

Lumapit ang lalaki sa kaniya bago pumwesto sa likod niya. He accompanied her back in her place, infront the punching bag, by touching her waist.

Hinawakan nito ang balikat niya bago bumaba 'yon sa braso. She can feel the tingling sensation with his touch.

"First," he whispered on her right ear. "You should focus on your target, Astreille. Gather all these things within 2 seconds. One, focus on your target's strength, two, observe the target's speed. And three, lakasan mo ang braso mo, para kang sumuntok ng damo," saway nito sa kaniya.

She bit her lower lip before nodding her head politely. "S-Sorry, hindi k-ko naman po kayang makipaglaban. B-Baka kapag sumugod ako sa mga misyon ninyo po, baka ako pa ang d-dahilan ng pagkamatay nating lahat. Boss, s-sige na kasi, ayoko talaga," pagmamakaawa niya rito bago ito lingunin.

Naningkit ang mga mata ng kaharap. "You always see yourself as a fragile glass and I don't like it, Astreille. You can do more than that, you're just scared to know that you're able to kill a person."

Humakbang ito papalapit. "You're an angel, an innocent angel and I am aware of that. But what if, someone attacks your family and you can't even do anything to save them? That's too much for a guilt."

Agad na nandilim ang paningin ni Astreille sa narinig. "Ayoko. Hindi nila puwedeng galawin ang pamilya ko."

Xord smirked devilishly. "You'll fight them? Those bastards?"

"I can even kill them if they try to do it," malamig at diretsyo niyang sagot.

"You'll kill them?"

"Torture you mean?" paglilinaw ng dalaga habang madilim pa rin ang ekspresyon.

"See what anger can do to you, Astreille. I'm glad that I am the first person to witness how scary you are." Natauhan siya nang marinig ang sinabi nito.

She immediately covered her mouth. "N-No, I won't do that, I'm s-sorry. Hindi ako pumapatay," naiiyak na paliwanag niya.

Xord just let out a laugh. "Hindi ka pumapatay?"

"Hindi," humihikbing saad niya.

"But they'll kill your family kung hindi mo sila uunahan," dagdag pa ng binata.

"I said no! I don't want to!" sigaw ng dalaga dahil sa galit.

"So at that point, you can kill a person, right?"

"Yes."

"Noted." Muling humarap ang lalaki sa gitna habang nakangisi pa rin.

"It's nice seeing that side of you, baby, Teodore and those bastards will surely trembled in fear if they're here."

Tinakpan ni Astreille ang mukha dahil roon. Masyado siyang nagpapadala sa galit niya, ayaw niya kasi sa lahat ang inaagrabyado ang pamilya niya. Talagang nawawala siya sa sarili.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant