Chapter 38

20.4K 700 174
                                    

"Hey, Xord. Kain ka na, halika, susubuan kita," Astreille gently held his forehead, and it's still burning.

"Baby," sagot nito.

Tinaas nito nang bahagya ang kamay niya mabilis niyang hinawakan 'yon. "I'm here. Bakit? May gusto ka bang kainin? Ano? Sabihin mo, ipagluluto na lang kita."

He smiled a little. "Nah, it's okay. Can you call my brother for me? Find kuya Dagger's name on the contact. Tell him to handle my agency for one day."

Binigay nito ang cellphone sa kaniya na agad naman niyang kinuha. "Password?"

"O208A," sagot nito na agad niyang nilagay.

02, 08? That's the date of her birthday. Maybe that's just a coincidence.

She looked for the name "Dagger" nang makita niya ito ay agad niyang tinawagan ang number.

She almost froze on her seat when she realized that Xord's brother is a Knights too. Masyado siyang nag-aalala sa binata kaya hindi na niya naisip 'yon.

"H-Hello po?" nauutal niyang tanong nang sumagot ang linya.

"Hello, who's this? Xord? Bakit parang pangbabae ang boses mo?" It was a girl who answered her.

"N-Naku, pasensya na po. I'm Astreille, boss ko po si Xord and he told me to call Dagger Knights," Astreille answered.

"Oh, my boyfriend? Okay, I'll call him. And don't lie to me, sweetheart, I've been there before. You're his girlfriend, I know. Keep it up honey," malambing na saad nito.

Awkward na ngumiti si Astreille. "T-Thank you po."

"Yeah, no worries. I am Saellyn by the way." Nanlaki ang mga mata ni Astreille sa narinig.

"Omg. You're the famous actress, right? I'm a fan!" excited niyang sabi.

"Thank you so much, Astreille, nah, I'm not just famous, I'm sexy also. Kaya nga patay na patay sa akin si Dagger kasi-- Ahrg! Dagger ang bastos ha? May kausap ako sa phone!" Nagulat na lang si Astreille nang bigla itong sumigaw.

"Who the fuck are you talking to? Ang agang-aga, Saellyn."

"You're calling me Saellyn?"

"N-No baby. Ofcourse. I love you, don't get mad."

"Give me the phone, baby! May sasabihin yata si Xord!"

"H-Hello?" Astreille whispered.

"Hi, honey! Sorry for that. Ito 'yung boyfriend ko, you can talk to him," Saellyn uttered.

"Hello? Who the fuck is this? You sound like a woman." Pinanlamigan si Astreille sa lamig ng boses ng lalaki.

"Hi p-po, I'm Astreille. Xord has a high fever po kasi, and he wanted you t-to handle his agency for one day," nauutal niyang sagot.

"Yeah, take care of my brother. Ako na ang bahala."

Kinagat niya ang ibabang labi nang babaan siya nito ng tawag. Rude and cold. Sabagay, gano'n din naman si Xord.

Muling bumalik sa kama si Astreille bago ilapag ang cellphone ni Xord sa tabing lamesa. "Hey, your bother said okay. Siya na raw ang bahala sa agency."

"That's good. Come on, baby, feed me," malambing nitong sabi.

She smiled a little before holding the spoon. Sinubuan niya ang binata para hindi na ito mapagod.

After eating, she let him drink his medicine to ease the pain. Pinagdadasal ng dalaga na sana ay gumaling na ang lalaki, hindi siya sanay na makita itong maputla at nanghihina.

Nilingon ng dalaga ang pintuan nang makarinig ng sunod sunod na pagkatok doon. Binitbit niya ang maliit na table bago buksan ang pintuan.

"Oh, auntie. Magandang umaga po," she said.

"Ija, sabi sa akin ng mga kaibigan mo bago sila umalis, may sakit daw ang nobyo mo?" nag-aalala nitong saad.

Astreille smiled awkwardly. "Tita naman, e, hindi ko po siya nobyo."

"Asus. Maniwala. Oh, paano? Gusto mo bang pumunta muna ako ng palengke para mabilhan siya ng mga dahon? Aba'y may alam akong inumin na nakakagaling. Epektibo naman dahil 'yon lagi ang iniinom ni Marie," mahabang litanya nito.

Astreille smiled. "Salamat po tita. Pasensya na po sa abala, hindi ko naman po kasing puwedeng iwan ang boss ko rito."

"Wala 'yon, anak, ano ka ba. Malapit lang naman ang palengke rito at isasama ko rin si Marie. Napakain ko na rin ang tito mo, at nagpapahinga lang siya."

"Salamat po talaga nang marami tita." Astreille bowed her head to send her gratitude.

"Ako na diyan, ija. Bantayan mo na lang ang bisita mo."

Kinuha nito ang bitbit mula sa kamay niya. She closed the door when her auntie is gone.

Muling bumalik si Astreille sa kama bago iayos ang pagkakahiga ng boss niya. Malambing ang bawat haplos niya habang sinusuklay ang malambot nitong buhok.

"Pahinga ka muna, ha? Don't worry about the agency too much," sambit ng dalaga.

"I'm not worried for the agency, I'm worried about you. Ayokong pagurin ka sa pag-aalaga sa akin," he answered with his closed eyes.

"Hindi naman ako napapagod, e. Sanay naman na ako kasi ako lagi ang nag-aalaga kay Jezreel tuwing may sakit siya," nakangusong saad ng dalaga.

"May kasalanan pa sa akin 'yang kaibigan mo. She told you that I'm a freakin' playboy when I only have my eyes on you. I hate her," mariing sabat nito.

Astreille smiled sweetly. "We've been bestfriend for years, Xord. Nag-aalala lang sa akin si Jezreel kasi never pa akong na-involve sa ganito. And if she ever met a Knights like you also, I'll also do the same thing. 'Yon kasi ang binabalita sa mga magazines. Na babaero kayo, that you guys are ruthless. And we care for each other so it's a natural thing to do, masamang manghusga oo, pero 'yon ang pinapaniwala sa amin ng media. Even you, you said that you hate my bestfriend but you didn't even know her that well."

Hinawakan ng binata ang kamay niya bago halikan 'yon. "Okay, fine, don't get mad at me. Mas lalala ang sakit ko, sige."

She chuckled. "I'm not mad at you. Sinasabi ko lang naman, Xord. Sige na, magpahinga ka na ulit."

"Dito ka lang?"

"Yes. Dito lang ako sa tabi mo, I promise." She raised her hand like she's taking an oath.

"Hug me, my love. Thank you for taking care of me," he whispered before kissing her forehead gently.

Ngumiti lang ang dalaga habang yakap yakap ang lalaki sa tabi niya.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now