Chapter 56

18.2K 581 35
                                    

Xord quickly put on his clothes when he saw that Astreille's not on the other side of the bed. Mabilis siyang lumabas mula sa kwartong tinutulugan para hanapin ang dalaga.

He bit his lower lip when he couldn't find her presence. Takot ang nararamdaman ng binata habang pilit na hinahagilap ang kinaroroonan ng nobya.

He's afraid that she might leave him again.

No matter how many times she promised him that she'll never leave. Xord is still traumatized with what she did.

"Fuck," he cursed beneath his breath as he ran outside the penthouse.

Agad na lumapat ang tingin niya sa kabilang banda ng sidewalk bago manliit ang mata. He noticed a small thing on the ground kaya agad niyang nilapitan 'yon.

Kumunot ang noo ng binata nang makitang hindi pa tapos ang tawag. Jezreel's name is flashed on the screen.

"Fuck. Where the hell is Astreille?!" galit na sigaw ni Xord.

"Oh gosh. Xord! Is this you? Hindi ko talaga pinatay ang tawag dahil hinihintay kong may makapulot. I should be the one asking you, where's Astreille?!" sagot ng dalaga sa kabilang linya.

"I don't have a fucking idea. She left her phone here on the street. Fuck, I'm going insane," tarantang saad ni Xord habang sinasabunutan ang sarili.

"I think she's in danger. Bago niya malaglag 'yung cellphone, I can hear her talking to some other guys."

Mas lalong yumukom ang mga kamao ni Xord dahil sa narinig.

"Call Ephraim for me. Tell him to go to the headquarters right away."

Mabilis na binaba ng lalaki ang tawag bago tumakbo papasok sa penthouse. Mabilis ang kilos na nagsuot siya ng damit at pants bago muling tumakbo papalabas.

He rode inside the car with his clenched fists. Isa lang ang tumatakbo sa utak niya ngayon, 'yon ay masigurong ligtas ang mahal niya. Hindi niya alam kung anong kaya niyang gawin sa oras na makita niyang nasasaktan ang nobya.

UMIIYAK na napasinghap si Astreille nang masugatan na naman ang sarili. Pilit niyang tinatanggal ang taling nakagapos sa kamay pero hindi umuubra ang ginagawa niya.

Napasandal na lang muli siya sa sulok ng kwarto habang humahagulhol sa takot.

Hindi niya alam kung saang lugar siya dinala ng mga lalaking dumakip sa kaniya. Sa sobrang dilim ng kwarto, hindi niya alam kung umaga o gabi na ba.

"Xord," she cried his name.

Mariing kinagat ni Astreille ang ibabang labi bago pakalmahin ang sarili.

Xord taught her to be brave. Xord taught her to think wisely when she's in danger. Hindi siya puwedeng umiyak lang sa tabi at hintayin ang lalaki na iligtas siya.

Kailangan niyang iligtas ang sarili dahil hindi niya alam kung anong pakay ng mga dumakip sa kaniya.

She bit her lower lip as she roam her eyes around the whole room. Walang bintana sa kwartong kinalalagyan niya. Tanging kama lang at isang maliit na lamesa.

Mabilis siyang umusod at tumalikod sa pwesto ng lamesa bago ipwesto ang lubid na nakatali sa kamay niya sa gilid ng lamesa.

Buong lakas niyang kinayod ang tali upang unti-unti itong maputol. Pero agad din siyang napatigil nang makarinig ng kaluskos.

She sat quietly on the corner as two men approached her. Buong pwersa siyang hinila ng mga 'to sa braso para patayuin.

"Saan ninyo ako dadalhin?" matapang niyang tanong.

"Sumunod ka na lang!" galit na sagot ng isang lalaki atsaka pinagpatuloy ang paghila sa kaniya.

Nang makalabas ng kwarto, bumungad agad sa dalaga ang nakakasilaw na liwanag. She closed her eyes and let her self adjust on the light.

Nang masigurong hindi na siya nasisilaw ay muli niyang minulat ang mga mata at nilibot ang tingin.

Napakaraming lalaking nakasuot ng itim sa paligid. Puro mga armado at halatang mapapanganib.

Astreille observed as the two men dragged her inside a room again. Nang masigurong wala na sila sa harap ng maraming tao, mabilis na kinalag ni Astreille ang taling lumuwag at hinampas nang malakas ang batok ng isang lalaki.

She kicked the other man's knee as she knocked him off on the ground. Patakbo na sana siya pero mabilis na nahila ng isa pang lalaki ang braso niya.

Astreille bit her lower lip as she attacked his neck. Galit na sinakal ng babae ang lalaki kahit mas malaki ang katawan nito sa kaniya.

She smoothly kicked his head after choking him.

Nang makitang nakahandusay na ang katawan ng mga ito, tinangka niyang humakbang papaalis na agad ding natigil nang makita kung sino ang taong nasa harapan niya.

Nahugot niya ang hininga habang pinagmamasdan ang lalaking nakatayo sa harap niya. Hindi man lang nagbago ang itsura. Kahit may edad na, alam na alampa rin niya ang bawat detalye ng mukha nito.

She faked a laugh. Ramdam niya ang panunubig ng mga mata. "Wow. I really thought you were dead."

"How's your life without me, Astreille?" the man infront her said.

Nawala ang ngisi sa mukha ng dalaga. Napalitan 'yon ng galit at pagkamuhi. "It's funny how everything changed in one snap. Dati, hinihiling ko na sana buhay ka pa at sana hindi ka na lang namatay. Pero ngayon, after seeing your face. The owner of that face who committed a lot of crimes against those innocent people. Palihim kong hinihiling na sana nga namatay ka na lang!" sigaw niya dahil sa galit.

He grinned with that. "That's horrible. How dare you say that to your father?"

"The moment you lied to me about your true identity, I regretted being your daughter. The moment you used innocent people and harmed them, I despite you to death. Hindi na kita tatay simula nang maging kriminal kang hayop ka!" She clenched her fists.

"Well, what can I do." Tumawa nang malademonyo ang lalaki. "I was born to be a monster."

"Hindi ka na lang sana nabuhay if that's the case," she said.

Napahalakhak ang lalaki. "Well, well, well, my dear daughter. Hindi napipigilan ang pagkabuhay ng mga demonyo. Especially that now, I have the power to eliminate every single person I want to eliminate, I'm satisfied of my life right now. And you're aware of what demons do." Ngumisi ito sa kaniya.

"Demons kill everyone who gets in their way. So be careful of your actions, Astreille. I can easily kill you in one snap."

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon