Chapter 4

21.5K 715 124
                                    

Kinusot ng dalaga ang mga mata nang tumama ang sinag ng araw sa mukha niya. Kasabay rin noon ay ang pagtunog ng tawagan niya sa gilid ng kama.

She blocked the rays of sun para hindi siya masilaw habang inaabot niya ang cellphone sa side table. She answered the call immediately when she saw Jezreel's name in the screen.

"Hey, Jez?" she softly said.

"Hi, sweet heart. Gising ka na ba talaga or kagigising mo lang bago mo sagutin ang tawag ko?" Jezreel asked on the other line.

Astreille laughed softly. "I just woke up, Jez."

"You need to hurry up, darating daw rito 'yung isa sa mga may-ari ng agency. Kailangan daw ay nandito lahat ng agents, especially you dahil ikaw ang assign sa computer," Jezreel explained.

Nagmamadali namang tumayo ang dalaga sa kinahihigaan. "What? Omy gosh, sige Jez, magmamadali na ako. Thank you for waking me up.

"No worries, sweet heart. Ingat sa pag-da-drive," her bestfriend added.

"Thanks, Jez. I'll be there soon. Bye!"

She was about to enter the cr inside her room when someone called her again. Nakita niya ang pangalan na naka-register sa screen kaya agad niyang sinagot 'yon.

"Auntie?"

"Hello, Astreille, ija?"

She bit her lower lip nang marinig ang pagkataranta at pagkabalisa sa boses ng tita niya.

"Tita ano pong nangyari?" she worriedly ask while preparing her clothes.

"Inatake kasi si tito Freddie mo, ija. H-Hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon, si Marie, ang p-pinsan mo, sobra siyang nasasaktan," her auntie said on the other line.

Napaupo si Astreille sa kama nang marinig 'yon. "Tita, nagmamadali po kasi ako ngayon. Mamaya po, tatawagan ko po ulit kayo tapos magpapadala po ako ng pera para kay tito. Baka pumunta rin po ako diyan mamaya kapag tapos na po ang trabaho ko. Pasensya na po, tita, baka po kasi pagalitan ako ng boss ko," magalang na paliwanag niya rito.

"Oo, ija. Ayos lang, mag-iingat ka, ha. Maraming salamat."

When her auntie hanged up, she immediately entered the cr to take a bath. She's in a hurry right now dahil ayaw niyang mapagalitan na naman siya ng boss niya. Paniguradong pagbubuntungan na naman siya nito ng galit.

Nang makapaghanda na siya at lahat lahat, she took her car keys before closing her house. Sumakay siya sa sasakyan na nasa garahe bago ito imaubra.

"Stop thinking about it for a minute, Astreille, please," she muttered to herself when she felt the hot liquid on her cheeks.

Natandaan na naman niya kasi ang sinabi ng auntie niya sa kaniya. Napakalapit ng loob niya sa mga ito dahil ito na lang ang natitira niyang pamilya.

Sumisinghot na pinunasan niya ang mga luha bago simulang paandarin ang sasakyan. She needs to clear her mind first before facing their boss' boss.

Nang makarating sa agency, agad niyang p-in-ark ang sasakyan at nagmamadaling bumaba mula rito. Kailangan niyang magmadali dahil mapapahiya na naman siya kapag na-late siya.

She entered the agency and sighed in relief when she saw Jezreel waiting for her. Nakangiting kumaway ito sa kaniya kaya nilapitan niya ito agad.

"Hey, late ba ako?" she asked while biting her lower lip.

"Nope, wala pa naman ang boss natin kaya ayos lang. Come on, akyat na tayo." Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib pagkatapos no'n.

Inalalayan siya ng kaibigan pasakay sa elevator para umakyat sa station nila. She can now calm down and think of her auntie's situation.

Inatake ang tito Freddie niya, paniguradong nagpumilit na naman ito sa pagbubukid kahit sobrang tirik ng araw sa probinsya. Pinilit niya naman ang mga ito na tumira sa bahay niya, pero naroon ang scholarship ng pinsan niyang si Marie, at naroon din ang bukiran ng mga 'to.

"Hey, let's go. Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jezreel sa kaniya nang bumukas na ang pintuan ng elevator.

She nodded her head slowly. "Y-Yes. Tara na."

Nang marating ang sariling table, binaba niya nang dahan dahan ang mga folders na kailangan ng commander niya para mamaya. She sat down on her swivel chair before resting her back.

Gabing gabi na siya natulog kagabi dahil sa pananakit ng katawan, pagkatapos ay maaga pa siyang nagising. She felt exhausted and drained.

"Agents!"

Sabay sabay silang tumayo sa mga kinauupuan nang marinig ang senyales na 'yon. Humarap silang lahat sa bagong dating na lalaki bago iyuko ang mga ulo.

"Good morning sir Ephraim," they greeted in chorus.

Naramdaman ni Astreille ang pagsundot ng kaibigan niyang si Jezreel sa tagiliran niya.

"Crush mo, nandiyan," pang-aasar nito sa kaniya.

Naiiling na napatawa siya nang mahina. Hindi naman totoo ang sinasabi ng dalaga. She doesn't feel anything in her boss, simpleng paghanga lang dahil sa kasipagan nito, pero hindi niya naman ito crush. She's faithful to only one guy, and that is her favorite writer. Dito lang siya nahumaling nang sobra.

"I told you, hindi ko siya crush, Jez," she whispered on her bestfriend's ear.

Umirap lang ito sa kaniya at hindi na muling nagsalita. Tumikhim ang pinuno nila sa unahan bago ngumiti nang tipid.

"I'm glad that everyone is doing fine. Nabalitaan ko na kayo ang una sa ranking at hindi na kayo muling naalis pa. This agency is doing good, among the other agencies that I handle, your skills are pretty good and awesome," nakangiting litanya nito na ikinahinga nila nang maluwag.

"I also want to praise Astreille for doing a good job, she's the only hacker in this agency but she manages to handle all the informations by her own. I hope you'll treat her right, I don't want to lose a great hacker under my care." Namumula ang mga pisnging nagpasalamat si Astreille rito habang nakatanggap naman siya ng irap at simangot sa iba niyang mga kasamahan.

Jezreel on the other hand warned their co-agents with her clenched fist. Hindi niya alam kung bakit napaka-bitter ng mga 'to sa kaibigan niya, kaonti na lang at makakasapak siya nang isang daang tao para kay Astreille.

Astreille caught her fist bago ito dahan dahang ibaba. Astreille doesn't want her bestfriend to get involved in a fight just because of a weak person like her.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now