Chapter 14

22.2K 820 423
                                    

"Yes, boss, nalagay na rin namin 'yung mga gamit ni Astre roon sa office mo." Sumaludo sila Teo sa boss nila bago magsikuhan.

Kyel chuckled when he saw Astreille at their back, parang anumang oras ay tutumba na ito sa antok.

"Astreille?" he called her name gently.

Nagmulat ng mga mata ang dalaga at ngumiti sa kaniya. "B-Bakit?"

"Nag-uusap na sila boss sa gagawin mong trabaho. Lagot ka kapag nakita ka niyang hindi nakikinig," paalala ng lalaki sa dalaga.

Astreille immediately bit her lip bago iyuko ang ulo. "S-Sorry."

Kyel smiled at her. "Magpahinga ka mamaya, baka bangungutin ka tapos bumisita si boss sa panaginip mo. Alam kong nakakatakot 'yan pero iwasan mo na lang siya kapag walang kinalaman sa trabaho," dagdag niya pa.

Astreille on the other hand nodded. Lumingon siya sa direksyon ng lalaki na abala sa pakikipag-usap kay Ephraim. Totoo naman ang sinabi ni Kyel, nakakatakot ito. Her boss always wear a cold expression, very intimidating. Siguro kapag napadikit pa ulit ang balat niya rito ay mamamatay na siya nang tuluyan.

But he kissed you.

Sinapok niya nang mahina ang sentido dahil sa naisip.

"Ahm, hey, you okay?" That wss Ephraim.

Nag-angat siya ng mukha para lamang makasalubong ang tingin ng limang lalaki sa kaniya. She bit her lower lip in shame before nodding her head.

"S-Sorry po, may iniisip lang p-po," utal niyang saad.

Muling bumalik ang atensyon ni Ephraim sa boss niya, pero nahuli niya pang pinasadahan siya ng tingin ng lalaking kinakatakutan niya bago bumaling sa kausap.

Astreille stepped away from them, dumikit na lang siya kila Teo na inoobserbahan ang mga kilos niya.

"Astreille, may tatanong raw si Greg," pilyong saad ni Teo.

Ngumiti siya nang matamis. "Ano?"

Greg cleared his throat. "Sure ka okay ka lang? Wala kang... sayad?"

Teo and Kyel burst in laughter after that, maging si Astreille ay natawa na lang din sa kakulitan ng dalawa.

"Weird lang talaga ako kasi marami akong iniisip, pero wala akong sayad, Greg," she answered them while smiling.

"Awit, nauto pa nga ng dalawang aswang na 'to. Sila talaga nagpapatanong, Astre, nautusan lang ako." Kinakamot pa nito ang batok habang sinasabi 'yon.

"Ayos lang, hindi naman nakaka-offend. Nakakatuwa nga kayo," she said while giggling.

Nabigla siya nang batukan ni Teo ang dalawang lalaki sa tabi nito. "Narinig n'yo 'yon, mukha raw kayong mga clown."

Asar na inangat ni Kyel ang mukha habang masama ang tingin kay Teo. "Tangina mo talaga Teodore the greatest tirador."

Astreille giggled with what she heard. Agad naman niyang binawi ang tawa nang makitang napatulala ang tatlong lalaki sa kaniya, lumingon din siya sa dalawang lalaki sa gilid at nahuli niya ring nakatingin ang mga 'to sa kaniya.

Tinakpan niya ang mukha at muling humarap kila Teo. "Bawal bang tumawa rito?" naiiyak niyang tanong.

Teodore shook his head aggressively. "'Yung iba bawal pero kami puwede kasi mahal na mahal kami ni boss. 'Saka ang cute kasi ng tawa mo kaya natulala kami. Kung puwede lang talaga kitang ligawan, liligawan kita," mahabang litanya nito.

Lumukot ang noo niya. "Bakit hindi puwede? Huwag m-mo sanang i-misinterpret 'yung tanong ko, h-hindi rin naman ako papayag. Pero bakit hindi puwede?" she asked curiously.

Sinubo ni Teodore ang hawak hawak na tinapay bago sumagot. "Mukhang kursunada ka ni boss."

She let out an awkward laugh when the three guys gave each other a high five.

"Baliw, walang g-gano'n," sambit niya.

Naiiling na tumawa si Greg. "Di ka sure," saad nito habang tinataas baba ang magkabilang kilay.

She was about to say something when Xord called Teo's name. "Teodore."

Tinaas ng lalaki ang kanang kamay. "Yes, boss?"

"Tapos ka na ba sa pinapagawa ko?" malamig na tanong nito.

Teodore nodded his head. "Boss kamag-anak ko si flash 'diba, ipapagawa mo pa lang yata nagawa ko na," nagmamalaking sagot nito.

Xord smirked a bit before looking at Greg. "Let Teodore handle the reports I assigned you then."

Humagalpak ng tawa si Greg at Kyel bago iduro ang lalaking nasa unahan nila. "Boom, tangina mo, magyayabang ka pa ha."

Inambahan sila ni Teodore na ikinahagikhik ni Astreille nang mahina. These boys are really the source of happiness of this agency. Kung wala ang tatlong 'to, malamang hindi niya pa nasisimulan ang magtrabaho ay umayaw na siya.

"Boss naman--"

"May angal ka?" Astreille almost choked when she heard that scary and deep voice.

Naiintindihan niya kung bakit natahimik si Teodore dahil roon.

"Wala boss, ang sipag ko kaya bakit naman ako aangal. 'Diba Astreille?"

Nakangiting tumango ang dalaga rito.

"Oh kitams. Mga tanga kayo, maghihiganti ako kapag natapos ko lahat ng 'yon. Ikaw Greg bobo ka, isa ka pang Kyel ka, inutil. Ikaw rin Ephraim, wala kang kasiyahan sa buhay mo," gigil na duro ng lalaki sa mga kasama.

"At ikaw boss." Lumingon ang lalaki kay Xord na nag-angat ng tingin. "Wala lang, ang gwapo mo talaga. Very nice," awkward na sabi nito bago padabog na sumakay sa elevator.

She's just smiling while watching how Greg and Kyel chased Teodore para makasabay sila sa elevator.

Nanlamig si Astreille nang lagpasan siya ni Ephraim. "Bababa na kami, goodluck, Astre."

He winked at her mischievously before going inside the elevator with the three guys. Kumaway rin ang tatlong lalaki sa kaniya kaya inangat niya ang kanang kamay at kumaway rin nang bahagya sa mga ito.

She felt the awkwardness and weird aura when the elevator closed. Lumingon siya sa boss na ngayon ay nakatitig sa kaniya.

"Follow me, I'll show you your desk," malamig na sabi nito atsaka siya nilagpasan.

Sinundan na lamang niya ang lalaki nang pumasok ito sa isang glass door. Tanaw niya ang loob ng kwarto dahil salamin naman ang nagsisilbing pader nito.

Lumingon ang dalaga sa malawak na pwesto sa sulok ng kwarto. It was perfectly prepared, namangha rin siya dahil puro kulay purple ang kulay ng mga gamit niya.

From the table, chairs and laptop on the side. Including the computer. Paborito niyang kulay ang purple kaya labis na lang ang pagkamangha niya.

Her eyes widened in surprise when she saw a big purple teddy bear on the side. Nilakad niya ang pagitan nila ng gamit na 'yon bago marahang bitbitin ang stuff toy.

She giggled before hugging it. Nilingon niya ang lalaki sa likuran. "Is this mine?"

"Yes," sagot nito.

Mas napahagikhik pa siya sa tuwa bago yakapin nang mahigpit ang stuff toy. "Thank you, sir."

Nahigit niya ang hininga nang lumapit ang lalaki sa kaniya. "It's boss, Astreille."

"P-Po?" she asked him politely.

"Call me boss," malambing ang boses na utos nito.

She gulped. "B-Boss."

Xord smirked mischievously. "Good girl."

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon