Chapter 26

21.1K 760 183
                                    

"Aim the target infront you." Napalunok ang dalaga nang alalayan ng lalaki sa likuran niya.

Walang salitang itinutok ni Astreille ang baril na hawak sa tinuturong target ng lalaki.

Ramdam niya kung gaano kalambing at kaingat ang hawak ng binata sa kaniya pero hindi niya na lang iniintindi 'yon.

He's playing with your feelings.

She shoot the target infront without blinking twice. Dahil sa gigil ay tagumpay niyang natamaan ang target sa mismong gitna.

Xord quickly removed the gear from her ears and eyes. Kinuha nito ang baril na hawak niya bago mapangisi. "You're doing great. I can see your improvement."

Mabilis na niyuko ni Astreille ang ulo. "Salamat po, m-mauuna na ako sa office."

She didn't wait for his response, mabilis niyang hinubad ang jacket na suot bago patakbong lumabas ng training room. Sapo-sapo niya pa ang dibdid kung nasaan ang parte ng puso habang papasakay sa elevator.

She almost had a heart attack, akala niya ay maaabutan pa siya ng binata para sigawan sa pagiging bastos niya.

But Astreille can't help it, kailangan niyang tumakbo papalayo rito dahil sa mabilis na tibok ng puso niya. Whenever he's near, her heart couldn't stop from beating so fast!

"He's just playing with your feelings, Astreille. Erase him, please," naiiyak na bulong niya sa sarili habang mariin na nakapikit.

"Sinong i-e-erase mo, Astreille?"

Gulat na napamulat ang dalaga nang marinig ang boses na 'yon sa harapan niya. Laking gulat niya nang makita ang apat na lalaki sa unahan. Hindi man lang niya namalayan ang pagbukas ng pintuan ng elevator.

"H-Ha? Wala," she immediately answered.

"Sabi mo may i-e-erase ka. Sino ba? Kami na gagawa para sa 'yo, medyo ganado ako ngayon." Teodore flexed his muscle while entering the elevator.

Natatawang binatukan naman ito ni Greg. "Akala mo naman talaga."

"Saan pala kayo pupunta?" Astreille asked them while smiling sweetly.

"Sabi ni boss may meeting daw after ng training ninyo. Hindi niya ba nasabi sa 'yo?" kunot noong tanong ni Kyel.

She just bowed her head a little before shaking her head. Tumakbo siya agad kaya hindi niya nalaman, nagmumukha tuloy siyang bastos dahil sa mga akto niya.

When the elevator's door opened in the meeting room, marahang hinigit ni Ephraim ang braso niya para hilahin siya palabas. Pinagpapasalamat naman ng dalaga ang ginawang akto ng binata dahil tulala lang yata siya buong minuto.

Napakurap pa siya nang makita kung gaano kaorganisado ang mga papeles sa ibabaw ng lamesa.

Humabol siya sa lakad ng mga lalaki. Masyadong mahahaba ang biyas ng mga ito kaya nahuhuli siya.

"Anong nangyayari? Bakit parang magiging b-busy kayo? Ayos lang ba ang lahat?" she worriedly ask the four men who are now fixing the papers.

Lumingon ang mga ito sa kaniya bago tumango.

"We're going to fly all the way to Spain next week. We have some business to do there," nakangiting sagot ni Teodore.

Napatango naman ang dalaga sa sagot nito. She was about to say something when the elevator opened. Mabilis na naglakad ang dalaga papalayo rito nang lumabas ang lalaking nilalayuan niya.

She saw the anger in his eyes while walking towards them. Huminto ito sa harapan ni Ephraim atsaka inalis ang tingin sa kaniya habang masama pa rin ang lagay ng aura nito.

'Saka lamang nakahinga nang maluwag si Astreille nang makitang seryosong nag-uusap ang mga ito. She almost died habang tinitiis ang matatalim na tingin ng lalaki.

Para siyang hinihingal.

"Astreille."

Napaatras ang dalaga sa gulat nang marinig ang pagbanggit ng lalaki sa pangalan niya. Lumingon siya rito. "P-Po?"

Halos mawalan siya ng hininga sa katawan nang naglakad ito papalapit sa kaniya. Their eyes are locked into each other, hindi man lang inalis ng lalaki ang tingin sa mga mata niya hanggang huminto ito sa mismong harapan ng dalaga.

Nahugot ni Astreille ang hininga nang hawakan siya nito sa baywang gamit ang isang kamay bago siya marahang iusod sa gilid. He took some papers behind her habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kaniya.

He was about to hold her hand but Astreille quickly grab her arm at mabilis na lumayo sa lalaki. Mas lalo pang sumama ang aura nito dahil sa ginawa niya.

Samantalang ang apat na lalaki naman sa gilid ay nakamasid lang sa dalawa.

"Puta, Kyel," Teodore murmured.

"Pre."

"Bakit pakiramdam ko may something sa dalawang 'to?" he added.

Natawa si Greg at Kyel dahil doon. "Tangina pre hindi ka nag-iisa. Ramdam ko rin 'yan simula noong isang araw," Greg said.

"Nag-sorry nga si boss kay Astreille noon. Putangina kapag binabaril nga tayo niyan sa binti walang sorry sorry. Minumura pa tayo," madamdaming saad naman ni Kyel habang nagpupunas ng kunwaring luha.

Ephraim shook his head while smirking. Napatingin siya sa dalawang tao na pinag-uusapan ng mga 'to.

He can tell that there's really something going on with these two. He knew Xord since the beginning, kahit kailan ay wala pa itong hinawakan na dalaga. Wala rin itong kinakausap na babae, Xord prefer pushing him to talk to their client. when it's a woman.

Natahimik ang apat na lalaki nang makitang naglalakad na ang boss nila papalapit sa kanila. Tumayo sila nang tuwid nang makita ang galit sa mga mata ni Xord.

"Send me these fucking reports within two hours. I need a clean copy of these fucking files before lunch. Kapag wala pa kayong naipasa sa akin, papatayin ko kayong apat," galit na saad nito bago dire-diretsyong sumakay sa elevator.

Nang mawala na ito sa paningin nila. Sabay sabay silang napabulanghit ng tawa.

"Tangina n'yo, tapusin na natin 'yan ngayon baka maaga nating makita si Satanas. Hindi pa ako ready," pabirong saad ni Teodore.

"Gago." Malakas na tumawa si Kyel. "Baka magpa-fan sign sa akin 'yang hari ng impyerno. Masyado raw akong gwapo."

"Kapal tangina e buhok lang kita sa kili-kili," Greg murmured.

Magkakasabay na batok ang natanggap nila mula kay Ephraim. "Sige, tawa pa, seryoso 'yon mga gago."

Teodore chuckled while looking at Astreille na ngayon ay nagmamadaling naglakad pasakay sa elevator.

"Oh come on Ephraim, hindi tayo no'n mapapatay kasi may pipigil sa kaniya. He won't dare shoot us when his girl is around," nakangising saad ng lalaki.

KNIGHTS I-5: Master of Deception (Xord Knights)Where stories live. Discover now