Twenty-Six: I'm a businesswoman

120 9 115
                                    

THIRD PERSON POV

Alas-onse na ng umaga at kakatapos lang nilang maglaro sa arcade. Bago lumabas, sinuotan ni PJ ng itim na sumbrero si Althea na ikinabigla nito.

"Para sa'n 'to?" kunot-noo nitong tanong at tumingala para makita si PJ. Hindi niya makita ang mukha nito dahil sa sumbrerong nasa ulo niya.

"Para hindi ka nila makilala." Tinaasan siya ng kilay ni Althea at hindi alam kung maniniwala ba o hindi sa sinabi nito. Hindi kasi ito ang mall na pinupuntahan nila ng pamilya niya st medyo malayo rin ito sa paaralan nila kaya baka walang makakilala sa kaniya.

"Ang saya pala rito," nakangiting saad ni Althea at sinulyapan ang arcade hanggang sa huling sandali. Lagpas isang oras silang nandoon pero hindi nila namalayan ang oras. Tapos nang kumanta si PJ kanina at hindi bumalik si Althea sa loob hangga't hindi siya natatapos.

"Buti naman at natuwa ka," saad ni PJ at iniabot ang maliit na keychain na ipinalit nila kanina sa mga ticket. Ito kasi ang pinili ni Althea imbes na pagkain o mga panulat.

"Oo, pasensiya na, masyado akong judgmental," sagot niya habang naglalakad silang dalawa sa loob pa rin ng mall.

"Dati kasi sa children's amusement centers kami naglalaro. Masaya naman, pero 'di ko akalaing masaya rin dito," pagkukwento niya. "Pero sayang yung teddy bear."

Ngumuso si Althea habang iniisip ang laruang hindi niya nakuha. Kinulang kasi ng mahigit dalawang daang ticket para makuha ang kulay brown na teddy bear na tinutukoy niya. Kaya yung maliit na keychain nalang yung kinuha nila.

"Pero sige, ayos na rin 'to," pagbawi niya at inangat ang hawak na keychain na may disenyong rosas na kulay pula habang nakangiti.

Bago umuwi, dumaan muna sila sa Jollibee para bumili ng pasalubong para sa mga kapatid ni PJ.

Walang pila kaya mabilis silang nakapag-order. Inilabas ni PJ ang pitaka niya mula sa pantalon at nagbilang ng pera pero inunahan siya ni Althea.

"I'll pay," presinta ni Althea at kinuha ang wallet niya sa shoulder bag.

"Hindi. 'Wag na," pagtanggi ni PJ.

"I insist."

"Hindi talaga, Thea," seryosong saad nito at hinugot ang tatlong daang piso at ibibigay sa cashier pero hinawakan ni Althea ang kamay nito para pigilan. Pero binitawan niya rin agad ito nang mapahinto si PJ.

"Ikaw na nga yung bumili ng token, hayaan mo na--" Napatigil sa pagsasalita si Althea nang iharang ni PJ ang kamay niya sa tapat ng mukha nito at sumagot.

"Hindi ako humihingi ng kapalit."

Pekeng umubo ang cashier at nagpalit-palit ng tingin sa kanilang dalawa na tila naguguluhan kung sino ang magbabayad. Nagkatinginan silang dalawa.

"I really insist. Besides, I love kids. I want to give them something," nagsukatan sila ng tingin at halatang ayaw magpatinag ni Althea. Sa unang pagkakataon, nagawa niyang titigan sa mata si PJ dahil gustong-gusto niya talagang magbigay para sa mga kapatid nito.

 Sa huli, walang nagawa si PJ kundi pumayag.

~~~

ALTHEA LEIGH VILLARIN

Pagkauwi, sinalubong kami nina Jen at Pauline. Nasa labas pa lang kami ay natatanaw na namin sila dahil nakadungaw silang dalawa at tila hinihintay kaming dumating. When they saw us, a warm smile escaped on their lips. On the other hand, Jaymie stayed inside her room while reading some books. It looks like she had no intentions in greeting us.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now