Thirty: With Jaymie (Part 1)

106 8 87
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang phone at nakatitig sa pangalang Lourd Villarin at Analiza Villarin.

Pareho silang nagpadala ng mensahe sa akin. Minsan ko lang sila nakakausap kaya noong nakita ko ang pangalan nila sa messenger, naiiyak ako sa 'di maipaliwanag na dahilan. Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginginig ang mga kamay ko, pero hindi dahil sa lamig.

Kahit na nagdadalawang-isip, pinili ko pa rin itong buksan at basahin nang tahimik kahit pa malaman nila. Nanikip ang dibdib ko nang makitang [inapabalik na nila ako at humihingi sila ng tawad.

Saka lang nila ako napansin noong wala na ako.

Nang hindi nagsasalita, nag-uunahang tumulo ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Kinuyom ko ang kamao ko at suminghap. Naluluha akong tumingala sa kalangitan, umaasang malalaman ko ang dapat kong gawin ngayon. Kung malalaman ko  ang sagot sa mga katanungan ko kapag umiyak ako, paniguradong tapos na ang problema ko ngayon at masaya na ako.

Kaso hindi, eh. Umiyak man ako nang todo, wala pa ring mababago. Nag-iisa pa rin ako.
 

Matigas ba ang puso ko kung sasabihin kong ayoko pang bumalik at hindi ko pa sila pinapatawad?

Inaamin kong malaki rin ang kasalanan ko sa kanila dahil sa mga pagkakamaling nagawa ko pero hindi ako makakauwi hangga't hindi ko pa nalalaman kung sino ako at kung ano ang direksyon ko sa buhay. Pagod na kasi akong sumunod sa mga magulang ko nang hindi nalalaman kung saan banda ako nagkamali at kung bakit nila iyon ginagawa. Pagod na rin ako sa mga mapanghusgang mga tao na walang ibang ginawa kundi manira.

Napangiti ako nang mapait. Kinagat ko ang labi ko para iwasang makagawa ng ingay na dulot ng pag-iyak.

Muli akong tumingala ako at bumuga ng hangin para ilabas ang sama ng loob. Sama ng loob dahil gusto ko nang umuwi. Gusto ko nang bawiin ang lahat ng sinabi ko at humingi ng tawad sa kanila. At higit sa lahat, sama ng loob dahil sa pagiging mahina ko.

Bukod sa mga magulang ko, hindi ko rin mapigilang maisip sina Yohanne, PJ at Angelica Lou.

It makes sense. The reason why PJ and Lou meet. Akala ko nakahanap na ako ng kakampi. Akala ko nakahanap na ako ng taong nakakaintindi sa akin. I'm wrong. Kung iisipin, malapit sila sa isa't isa. Maybe he has feelings for her. Maybe he doesn't really care about me, he's just using me whenever he comes to our house. It's her that he wanted to see.

Hindi dapat ako nagpunta rito.

Eh, si Angelica Lou kaya? Masaya kaya siya ngayon? Naiisip ba niya ako?

Paano kaya kung hindi ko nalaman ang totoo? Mas masaya kaya ako kahit na maraming naninira sa akin? Tahimik pa rin kaya ang buhay ko kahit paano?

Napaisip ako.

Kung tutuusin, parang pareho lang. Walang gaanong pinagkaiba. Kinukumpara pa rin naman ako sa kaniya. Inuuna pa rin naman siya ni Yohanne. Parang sampid pa rin naman ang turing sa akin ng mga magulang ko. At higit sa lahat, ako pa rin ang masama.

The feelings that I kept for years, is like a bomb, it suddenly explodes without a warning. It wounded my already broken heart.

Some scars weren't bound to heal. It can be hidden, but it can't be removed.

Umiling-iling ako at pumikit. Sinampal-sampal ko rin ang pisngi ko sa pag-asang babalik ako sa aking wisyo.

'Hindi dapat ako magpadala sa emosyon,' pilit kong itinatak sa isip ko kahit na nahihirapan.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now