Thirty-Seven: All lies

104 7 148
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Ayos ka na ba? Kailangan mo nang umuwi sa inyo," nag-aalalang tanong ni PJ habang nakatingin sa akin. Pumunta si Mama Pia sa bilihan ng ice cream kaya kaming dalawa lang ni Kuya PJ ang magkasama ngayon. Pinapanood namin ang mga bata habang nag-uusap. Nakapatong ang mga braso niya sa magkabila niyang tuhod. Nakaupo kasi kami sa damuhan.

"Ayos lang ako," nakatungo kong sabi habang nilalaro ang mga daliri ko. Ito man ang sinabi ko, sa totoo lang ay hindi ko talaga alam kung anong nararamdaman ko. Pero hindi ko rin ito pwedeng sabihin sa kaniya dahil kaya ko pa naman ang sarili ko.

"Hanggang kailan mo sasabihing ayos ka lang? Kilala kita, Althea. Alam kong hindi ka ayos ngayon." Napakurap ako nang ilang beses. Bumilis ang tibok ng puso ko laya umiwas ako ng tingin.

"You don't know me," mahinang saad ko at hinawakan ang dibdib ko.

He's my brother, I should stop this stupid feeling. Parang alam ko na kasi kung saan 'to patungo.

"Ikaw si Althea." Kumunot ang noo ko.

"For God's sake, everyone knows that!"

"Nope. You're Althea. The girl who's strong enough to face her fears. The girl who's willing to sacrifice her happiness for her loveones. The girl who's close to giving up but have a will to continue what she started." Pakiramdam ko ay natunaw ang puso ko sa sinabi niya.

Why did he speak English all of the sudden? Is he trying to cheer me up?

"Kung kilala mo ako, alam mo ba kung anang dapat kong gawin?" tanong ko habang nakaupo pa rin sa tabi niya at nakatingin kay Jaymie na masayang nakikipaglaro sa mga bata.

"Ano ba'ng gusto mong mangyari?" tanong niya pabalik kaya napanguso ako.

"Bakit ba laging tanong ang sagot mo sa akin?"

Napakamot siya ng ulo at nahihiyang ngumiti.

"Sorry, sorry. Mas maganda kasi kung mapagtanto mo iyon sa sarili mo."

"Magiging masaya ba ako kapag bumalik ako sa bahay?"

"Ikaw lang ang makakasagot n'yan."

"Seriously?" Hindi ko napigilan ang pag-irap ko pagtaas ng boses dahil sa sagot niya, "hindi nga tanong pero magulo pa rin. Wala ka talagang kwentang kausap."

"Seryoso ka r'yan?" natatawa niyang tanong kaya napalingon ako sa kaniya.

"What?"

"Seryoso ka ba sa sinabi mong wala akong kwentang kausap?" Muli akong umiwas ng tingin at hindi na nagsalita pero ramdam ko ang pagtitig niya at tila naghihintay ng isasagot ko. Fudge.

Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya at nahuli ko siyang nakatingin pa rin sa akin habang nakangiti.

Mabigat ang loob akong nagsalita. Tapak na tapak na talaga ang ego ko dahil sa kaniya.

"N-No," nahihiya kong saad at pumikit.

"Alam mo, hindi mo 'yan dapat ikahiya. 'Wag kang mahihiyang magbaba ng pride. Magtiwala ka, magiging maayos ang lahat kapag ganiyan ang ginawa mo." Napayuko ako sa sinabi niya. Tagos na tagos sa akin ang mga ito at pakiramdam ko ay anghel ang kausap ko ngayon.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt