Special Chapter (Part 2)

98 5 114
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Good evening. First of all, thank you for attending my daughters' debut, Angelica Lou and Althea Leigh," ani ni Dad na ngayon ay nagsasalita sa stage. 8 PM na at nandito pa rin ang mga tao. 5 PM nagsimula ang party kanina.

Magkatabi kami ni Lou sa upuan, sa unahan at bandang gilid.

"And before the party ends, I have an announcement." Napakurap ako nang ilang beses nang bumaling sa akin si dad.

Tungkol saan kaya ang sasabihin niya?

"My daughter, Althea Leigh, she's adopted." Halos lahat ay nagulat sa sinabi niya, pati ako. Nagbulungan ang mga tao at bakas sa mga mukha nila ang gulat.

Ayos lang sa kaniyang ipaalam sa iba na ampon ako matapos itago ito sa loob ng maraming taon?

"It's a long story, but I just want to tell you that I treat her as my real daughter. And you know what? She ran away from home because of some family issues. And she learned lessons that we're not able to teach her. She's able to make us realize our mistakes as her parents. She's true to herself. I'm proud of her." Hindi ko napigilan ang sarili kong mapaluha dahil sa sinabi niya. He's proud of me, even if I'm not MVP, even if I am not in honors. Even if I'm being myself.

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kamay ko. Wala akong panyo. Buti na lang talaga hindi ako ako pinalagyan nina dad ng kolorete sa mukha, kung hindi mukha na akong ewan ngayon.

Kinalabit ako ni Lou kaya napatingin ako sa kaniya. Inabot niya sa akin ang isang malinis na panyo at nginitian ako.

"Salamat," ani ko bago ito tanggapin at punasan ang luha na tumutulo mula sa mga mata ko.

"And Althea Leigh, she will be the heir of the VillaRin Company," ani ni dad at narinig ko ang palakpakan ng mga tao. Maski si Lou ay pumalakpak din. Samantalang ako, nabato sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwala.

"D-Dad," maluha-luha kong sabi. Tumingin siya sa akin at ngumiti na parang masaya siya para sa akin. Hindi ako tunay na anak pero...

God really has His own ways.

~~~

"Althea, may bisita ka sa labas," pagpukaw ni dad sa atensyon ko, dahilan para mapatigil ako sa pagbubukas ng mga regalo. Nandito kami ngayon ni Lou sa kwarto niya habang nagbubukas ng mga regalo na binigay sa amin. Nakaupo kami sa kama at nakapatong din ang mga regalo rito.

Nakasuot na kami ng damit na pambahay ngayon at halos isang oras na ang nakalipas buhat noong matapos ang party. Tinanggal na rin namin ang mga makeup namin.

"Sino po?"

"Pumunta ka na lang sa baba. Hinihintay ka na niya," ani ni dad na nasa tapat ng pinto. Pagkatapos niya no'n ay tumalikod na siya at naglakad palayo.

"Si PJ kaya 'yon?" nakangusong tanong ni Lou habang nakatingin sa akin.

"Imposible, galing na siya rito kanina."

"Sabagay. Pero may regalo ba siya sa'yo?" Nagtaas-baba siya ng kilay at tila lumiwanag ang mukha. Nag-makeface ako.

"Oo, nasa kwarto ko. Hindi ko pa nabubuksan," kaswal kong sagot at tumayo na sa kama para bumaba.

Nadatnan ko ang isang babaeng nakaupo sa sofa at nakatalikod sa akin.

To my surprise, it's Jaymie.

"Sa labas tayo mag-usap," ani ko at nagdire-diretso palabas ng bahay. Tahimik siyang sumunod habang nakasukbit sa likod ang bag niya.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now