Twenty-Nine: Insecurities (Part 2)

95 8 91
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Ate, ba't ka umiiyak?" Pagkasabi ni Jen no'n, lalong kumawala ang emosyong pilit kong tinatago. Gusto kong itanggi ang sinabi niya at sabihing namamalikmata siya pero hindi ko magawa. Sa halip, hinawakan ko ang bibig ko gamit ang dalawa kong kamay nang lumakas ang mga hikbi ko.

Ang hina ko talaga!

Akala ko si Angelica Lou lang ang iyakin sa amin, mas iyakin pa pala ako. Simple lang naman ang mga sinabi ni PJ pero para itong mga patalim na sumaksak sa puso ko nang paulit-ulit. Hindi niya naman ako inaasar pero ramdam na ramdam ko ang sakit.

Kung si Yohanne lang sana ang kasama ko, siguro maiintindihan niya ako...

Naninikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga dahil sa pagpipigil ng mga hikbi ko.  Bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng kaba nang marinig ko ang papalapit na mga hakbang ni PJ. Lalo akong yumuko  at tinakpan ang mukha ko.

"Althea Leigh, ayos ka lang?" rinig kong tanong ni PJ at bakas sa boses niya ang pag-aalaala. 

May balak pa talaga siyang tanungin 'yan kung alam na niya ang sagot?!

Hindi ko siya pinansin at nanatili akong yumuko at pilit pinupunasan ang mga luhang umaagos mula sa mga mata ko kahit na walang saysay dahil ayaw nitong magpaawat.

"Jen at Pauline, pumasok muna kayo sa kwarto," aniya. Narinig ko ang pagtunog ng upuan at mga hakbang papalayo. Umalis na yata silang dalawa.

"Althea Leigh, nasasaktan ka ba dahil sa mga sinabi ko tungkol sa kapatid mo?" Suminghot ako at pilit na inipon ang natitirang pasensiya ko bago bumuga ng hangin.

Fudge, 'di ba halata, PJ?!!

Marahas kong pinunasan gamit ng mga kamay ko ang mga luha sa pisngi ko at nag-angat ng tingin sa lamesa. Nanginginig ang kamao ko, pati na rin ang labi ko.

"Hindi," malamig kong saad at tinitigan ang mga libro sa lamesa. Nasa bandang kaliwa ko siya kaya hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya.

"Kung wala kang pakialam, bakit ka umiiyak ngayon? Bakit ganiyan ang tono ng pananalita mo?" Seriously, this guy doesn't know how to hold back his words

Hindi ba talaga siya marunong makiramdam?! D*mn him!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at marahas akong tumayo, dahilan para tumunog nang malakas ang upuan ko at halos matumba na. Hinarap ko si PJ at sinamaan ng tingin.

"Ano bang gusto mong palabasin?! Na mas lamang ang kapatid ko sa akin?! Hindi mo ba alam na wala akong pakialam?!" Oo, sinungaling ako sa parte na sinabi kong wala akong pakialam. Bukod sa alam kong alam niyang hindi ito totoo, gusto kong paniwalain ang sarili kong hindi ako nasasaktan. Uso naman 'yon, eh.

"Althea, 'yan ang naririnig mo sa mga tao, 'di ba? Pero hinahayaan mo lang sila at--"

"Ano bang pakialam mo?!" Parang sasabog na ang puso ko dahil sa nararamdaman. Ang alam ko lang, gusto kong ilabas ang lahat ng galit at lungkot na nararamdaman ko.

"Alam kong nasasaktan ka ngayon, pero alam mo bang kaya ka nasasaktan ay dahil iyon din ang iniisip mo? Naniniwala kang mas maganda ang kapatid mo sa'yo at mas maraming nagmamahal sa kaniya. Mas nadagdagan pa iyon nang malaman mong ampon ka."

"Fudge!" Marahas kong sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at gigil na tumingin sa kaniya. "OO, TAMA KA. 'Yan ba ang gusto mong marinig?! Oo, nasasaktan ako!! Ano, masaya ka na?!!" Lalo pa akong napahagulgol sa sobrang frustration. Pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng lakas kaya ginamit ko ang kanang kamay ko sa paghawak sa lamesa para hindi ako matumba. Ginawa ko itong suporta bago muling tumingin sa kaniya.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now