Eight: My Family

130 18 138
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

It's Saturday today. Tapos na kaming mag-roleplay  at sembreak na rin. Buti na lang maayos yung presentation namin dahil kung hindi, sayang ang ilang araw naming pag-eensayo.

11 AM na at nakahiga pa rin ako sa kama habang naka-earphone at nanonood ng Trolls kahit na ilang beses ko na 'tong napanood. Hindi lang naman bata ang pwedeng manood no'n, 'di ba?

Ito na yung part na naging color gray na rin si princess Poppy dahil sa mga nangyari.

Posible pala 'yon?  Kahit na ang pinaka-positibo at pinakamasayang na tao sa mundo, kapag nagkasunod-sunod ang mga problema at guilty ka sa nangyari, lalamunin ka ng kalungkutan.

"You with the sad eyes..."  I got goosebumps when I heard Branch's voice. I really love this part.

"Don't be discouraged,"  I closed my eyes while listening to this song. Tutal malabo din naman yung screen kasi wala ng  kulay yung mga Trolls.

"Hey, sis." Naramdaman kong may kumalabit sa akin pero hindi ko ito pinansin.

"Oh I realize It's hard to take courage In a world full of people," Bigla ko tuloy naalala si Placido noong kumanta siya ng True Colors. Nakakatindig-balahibo rin. Samantalang ako pang-banyo lang.

"Kapatiiid!" Nairita ako nang may biglang humigit ng earphone ko mula sa tainga ko. Bwisit. 

"Anooo?!!" sigaw ko pabalik at kunot-noong humarap sa kaniya.

Ngumisi siya at umupo sa kama tapos sumiksik sa tabi ko.

"Nasa baba si Placido! Hinahanap ka. Na-miss ka raw niya" humahagikhik na sabi niya at siniko-siko ako na parang baliw. Napabangon ako ng bigla mula sa pagkakasandal sa headboard.

"Ha?" Hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya bukod sa salitang 'Placido' dahil mas narinig ko pa yung paghagikhik niya. Tsk.

"Echos lang. Ang epic ng mukha mo! Priceless! Sana pala kinuhanan kita ng video," she laughed like an idiot. Inirapan ko siya. Lakas ng trip, amppp.

"Tigilan mo ko, Lou. Wala ako sa mood ngayon." Hinatak ko yung earphone ko at inilagay ulit sa tainga ko. 

"Aye aye. Ikaw kasi, 'di makausap tapos nung narinig mo yung pangalang Placido, naalerto ka agad! Ikaw ah," panunukso niya habang tumatawa pero 'di ko na pinansin. Darn, 'di ako makapag-focus sa pinapanood ko!

"Uy," kalabit niya sa akin pero hindi ko pinansin. "Uy Leigh, kapatid! Sorry naaaa." She poked me on my arm. Still, no response. 

"Bakit wala ka sa mood? May nangyari ba?" Tinigil ko muna yung pinapanood kong movie kasi hindi ako makapag-concentrate dahil sa pangungulit ni Lou. Tinanggal ko rin yung earphone sa tainga ko.

"Ha?"

"Bakit wala ka sa mood ngayon! May nangyari ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Meron." Napataas yung dalawa niyang kilay. "Ano?"

"Secret."

"Ano nga kasi?" Lalo niya pa akong siniksik. Anak ng?! King-sized yung bed tapos sisiksikin niya ako sa gilid?!!

"Wala! Labas na do'n. Shoo!" taboy ko sa kaniya. 

"Iiiiih. Damot! Sige ka, 'di kita irereto kay Placido!" pagbabanta niya pero hindi ko pinansin. As if may gusto ako kay PJ. No way.

"Uyy, ano na?" pangungulit niya.

"Wala, lumabas ka na," seryoso kong sabi.

"Hmp, malalaman ko rin naman 'yan. Bahala ka d'yan, nasa baba si Placido." Nakanguso siyang tumayo ng kama at pinanliitan ako ng mata. Isip-bata talaga.

"Ano naman ngayon?" I gave her 'I-don't-care' look.

"Eh 'di 'wag kang bababa. May secret kasi kami, hindi ko sasabihin." Napakunot yung noo ko. Secret? 'Di naman ako interesado.

'Lou, may secret din kaya kami ni Yohanne, hindi ko sasabihin.' Sa isip-isip ko.

That's a secret that almost made my heart shatter into pieces. Almost.

1 pm, bumaba na ako at naabutan kong naghahain si 'nay Linda ng mga plato sa 8-seats table. Nakakapagtaka nga kasi ang daming plato eh, apat lang naman kaming magkakasabay kumain tuwing Sabado. Ako, si Lou, si 'nay Linda at nanny Lorna. Lagi naman kasing wala yung magulang namin, mga abala sa trabaho. 

"'Nak, buti bumaba ka na, tatawagin na sana kita." Sabi ni 'nay Linda habang nagsasandok ng kanin mula sa rice cooker.

"Ba't ang dami pong plato? May bisita ba?" Luminga-linga ako sa paligid. There's no signs of any visitor.

"Ah, oo, si pogi. Andyan din pala sina ma'am at sir. Hindi sila nagtrabaho ngayon."

"Ha? Bakit po?" Himala! May himala!! Pero bakit kaya?? May sumapi ba sa kanilang katamaran at hindi sila nakapunta sa office ngayon?

"Uy Leigh, andyan ka na pala! Kanina pa kita tinawag, ngayon mo lang naisipang bumaba." Napalingon ako sa may pinto ng bahay at nakita kong pumasok si Lou, na may hila-hilang lalaki na nasa likod niya. Si PJ.  What is he doing here?

Napatingin ako sa kamay ni Lou na nakahawak sa may pulso ni PJ. Awtomatikong napataas ang mga kilay ko. Napansin naman agad yun ni Lou kaya agad siyang bumitaw.

"Uy sis, walang malisya'yun kaya 'wag kang magselos." Asar niya na sinamahan pa ng hagalpak na tawa habang lumalapit sa akin. Pabiro niya ring tinapik ang balikat ko dahilan para lalo akong mainis. Wala naman akong pakielam. Tss.

"Bully ka pala, Angelica. Kawawa naman si Althea. 'Di pa naman siya cute kapag naiinis," dagdag ni PJ at tumawawa sila. Aba't--?! Pinagtulungan ba naman ako!

Inis akong tumalikod at lumapit kay 'nay Linda. Darn, para simpleng bagay naiiyak ako. I really hate bullies. Oo, bully na 'yun para sa'kin kahit biro lang para sa kanila.

Ako magseselos? Tapos 'di cute 'pag naiinis?

'Di ko naman sinasabing cute ako pero ayoko lang talaga sa mga taong pinapansin yung mukha at reaksyon ko. Kagigil.

"'Wag mo na silang pansinin, hindi naman 'yun totoo. Binibiro ka lang nila," pagpapakalma ni 'nay Linda at ibinuka yung nakakuyom kong kamao. Huminga ako nang malalim at tumango.

Mukhang hindi naman ako napansin nila Lou dahil patuloy pa rin silang nagku-kwentuhan sa harapan ko.

"O-Opo." Nginitian niya ako at tinapik sa ulo. Nahawa tuloy ako sa mga ngiti niya. "Yan, that's my daughter."

"'Di mo naman po ako anak." 

"Anak, hindi naman lahat ng pamilya dapat kadugo. Anak ang turing ko sa'yo kahit na hindi tayo magkamag-anak. Malapit ang loob ko sa'yo eh."

"Uhm... family by bond and not by blood?" komento ko.

"Tumpak!" Napangiti ako.

Itutuloy...

"Family isn't always blood. It's the people in your life who want you in theirs; the ones who accept you for who you are. The ones that would do anything to see you smile and who love you no matter what." -Unknown

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now