Thirty-Nine: I'm giving up

97 6 111
                                    

A/N:

Warning: This chapter contains scenes that might trigger your anxiety. Read at your own risk and remember that God is always here for us. Don't lose hope. Everything happens for a reason.

~~~

ALTHEA LEIGH VILLARIN

What is happiness?

What is peace?

What is life? Why does everyone want to live?

If God really exists, why did He let His people  be sinful? If He loves His people, why is living and loving at the same time painful?

Iyan ang mga katanungang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili kong kumalma para makapag-isip nang maayos pero hindi ko magawa.

Ito na yata ang pinakamaraming beses akong nagmura sa loob ng isang araw. Nagsisisi man, alam kong hindi ko na ito mababawi. Inaamin ko ring kahit paano ay gumaan pakiramdam ko dahil sa pagsigaw pero hindi na nito mababago ang desisyon ko.

Balak kong umalis. Ay mali-- aalis ako at tatapusin na ang problema ko sa mas madaling paraan. Sa lahat ng mga nangyari, isang solusyon na lang ang naiisip ko. Isang permanenteng solusyon para matapos na ang lahat ng ito.

Nandito ako ngayon sa kwarto ng mga kapatid at ng mama ni PJ, nagbabalak na gumawa ng masama. Nakatitig ako sa isang kahon ng pera, yung kahon na nakita kong dinala ni PJ sa palengke noong isang araw.

Medyo kaunti lang ang laman ng box kaya hindi gaanong nakakapanghinayang kumuha. Isa pa, alam kong malaki ang binigay na pera sa kaniya ng mga magulang ko, kapag nalaman niyang nawala 'to, pwede naman ulit siyang manghingi. Kaunti na lang kasi ang pera ko ngayon dahil doon sa magnanakaw. Ironic, I'm mad at that thief but I'm going to be like him. I'm stealing PJ's money box, too.

Pero wala akong ibang magagawa, balak ko kasing magpakalayo-layo at pumunta sa lugar na 'di ko alam. Doon ko gagawin ang gusto kong gawin. Kung ayaw Niya akong patayin, ako na mismo ang gagawa no'n sa sarili ko.

Sa totoo lang, nahirapan akong magdesisyon noong una. Pero wala na kasi akong ibang maisip na solusyon. I want to live happily, too. But sad reality, I can only be happy if I no longer live.

Dahan-dahan akong lumapit sa kahon pero pabilis nang pabilis ang pagtibok ng puso ko. Actually, I hesitated to do this because of my conscience. I can't deny the fact that he helped me through these hard times, but I also can't deny that he's one of the reasons why I'm in pain right now. I don't know. I can't think straight.

Maingat kong binuksan ang kahon at kinuha ang mga laman nito. Itinago ko ang mga barya sa bulsa ng bag ko at nasa wallet naman ang mga papel. Lumingon ako sa kabuuan ng kwarto at nakahinga ako nang maluwag nang makitang wala pa ring tao sa loob.

I am not going to say sorry like what PJ always does because I know that it can't be undone. The pain that he and his family caused cannot be undone.

And the pain that I caused to myself cannot be reversed.

Tumingala ako sa kisame dahil kusa na namang tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi pa rin pala 'to nauubos kahit maraming beses na akong umiyak. Ilang beses akong lumunok at huminga nang malalim.

Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit ba hinayaan ko ang sarili ko na masaktan nang ganito?

Umiling-iling ako. Wala rin namang kwenta kung mag-iisip ako dahil wala nang mababago.

Isinukbit ko ang bag sa balikat ko at lumabas na ng kwarto. Kinuyom ko ang kamao ko nang madatnan ko si Pauline na nakaupo sa sofa habang kumakain ng ice cream na nasa stick. Ayokong umalis nang hindi nagpapaalam sa kanila pero baka hindi ako makaalis kapag pinansin ko sila. Pero kasi kailangan ko talagang umalis.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now