Thirty-Eight: Brokenhearted

106 6 109
                                    

A/N:

Warning: This chapter contains scenes that might trigger your anxiety. Read at your own risk and remember that God is always here for us. Don't lose hope. Everything happens for a reason.

And please listen to the song above, before, during, or after reading this chapter. :>

~~~

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Ano pong 'nak? Hindi naman po namin siya kapatid, 'di ba, 'nay?" ani ni Jaymie at matiim na tumingin sa akin. Pakiramdam ko ay nalulusaw ako sa tingin niya.

Is she mad at me? What is she trying to say?

"Ma, ano pong sabi niya?" naguguluhan kong tanong at humawak sa braso niya. Nanatiling nakatingin sa akin si mama kaya nakaramdam ako ng kaba.

Dahan-dahan akong bumitaw at humakbang ng isa paatras habang nakatingin sa kaniya.

May tinatago rin ba siya sa akin?

Yumuko ako at saglit na pumikit para humiling at palakasin ang loob ko.

Please, God, no. Baka hindi ko na kayanin kung sakali.

"Gusto mo bang ulitin ko?" walang takot na tanong ni Jaymie at tumango ako. Nandito na kami ni mama ngayon sa sala at nasa labas ng pinto ng kwarto si Jaymie. Nasa bandang kusina naman sila PJ, Jen, at Pauline.

"Jaymie," pagbabanta ni Kuya PJ kaya napalingon ako sa kaniya.

Ano na naman 'to, PJ?? Masasaktan na naman ba ako sa katotohanang tinatago mo? Tama na, please. Baka hindi ko na makayanan.

"Ano ba, kuya? Wala kang balak magsabi?!" galit niyang tanong dito at nagkamot ng ulo na parang frustrated.

"Magsabi ng ano?" naguguluhan kong tanong. Hindi sumagot si Jaymie at parang walang pakialam na tumingin sa magulang namin.

"Jaymie," banta ni mama Pia habang nakatitig sa kaniya pero hindi natinag si Jaymie.

"Ano? Mali po ba ako?" sarkastiko niyang tugon, "sabihin niyo po kung mali ako."

Kumunot ang noo ko dahil sa pagkalito at tensyon sa pagitan nilang tatlo. Ano bang sinasabi ni Jaymie?

"Jaymie, mag-usap tayo," matiim na saad ni PJ at lumapit para hatakin ang braso ni Jaymie pero umatras siya at umiwas.

"Jaymie," maawtoridad na sabi ni PJ at seryosong nakatingin sa kaniya. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganiyan kaseryoso.

Ano ba kasi ang sinabi ni Jaymie kanina? Dapat na ba akong kabahan?

"Jaymie, anong sinabi mo??" ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng aking puso at panunuyo ng lalamunan. Tinitigan lang ako ni Jaymie at bakas sa mga mata niya ang... awa?

"Mag-usap muna tayo," paglilihis ni PJ ng usapan at hinablot ang braso niya para hatakin palabas ng bahay. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ako ng kakaiba. Parang may pinagtatakpan sila na gustong sabihin ni Jaymie. Dahil dito, namuo ang galit sa dibdib ko. Kinuyom ko ang kamao ko at inis na tiningnan si PJ.

"'Wag mo ngang paalisin si Jaymie!" sigaw ko kay PJ, dahilan para mapahinto siya at mapalingon sa akin. Tinitigan ko siya sa mga mata at bakas ko sa mga mata niya ang gulat at takot.

"Jaymie, anong gusto mong sabihin?" mahinahon kong tanong at huminga nang malalim para kontrolin ang emosyon ko.

"A-Ah, k-kasi," kinakabahang saad ni Jaymie na parang natauhan sa mga ginawa niya kanina at tumingin kay Kuya PJ para nanghihingi ng tulong.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now