Twenty- Two: My attitude

114 10 127
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

Ang init! Tirik na tirik ang araw pero naglalakad kami ngayon papunta sa terminal ng jeep. Oo, as in JEEP. Ito ang unang beses na sasakay ako doon. Kung hindi kasi kotse, bus o motor ang sinasakyan ko. Hindi ko alam kung maarte ba talaga ako o ano, pero hindi kasi ako sinanay ng mga 'magulang ko' na mag-commute.

Paulit-ulit kong pinunasan ang pawis ko sa noo at leeg gamit ang panyo na binigay sa akin ni PJ bago kami umalis.

"Ayos ka lang?" Actually, he asked that question for the nth time and I don't even know why.

"Bakit ba paulit-ulit kang nagtatanong? Oo nga, tss." Nagkibit-balikat siya at tinanggal ang puting sumbrerong suot niya para ipatong ito sa ulo ko. Sinamaan ko siya ng tingin at akmang tatanggalin ang sumbrero ngunit hinawakan niya ang kamay ko.

"'Wag, hindi ka kasi nagdala ng payong. 'Wag kang mag-aalala, malinis 'yan," nakangiti niyang saad.

Hindi na ako sumagot at ipinagpatuloy na lang ang paglalakad. 

Pagkalipas ng ilang minutong paglalakad, nakarating na rin kami sa sakayan ng jeep.

Sumilip ako sa loob at napatigil ako sa nakita ko. Parang wala nang espasyo sa loob pero pinapasakay pa rin kami.

"Mauna ka nang sumakay," giit ni PJ at tiningnan ko lang siya. Like duh, paano ako magkakasya d'yan?

Mukhang nakaramdam naman siyang hindi ako gagalaw kaya nauna na siyang humakbang papasok sa loob. 

"Sumunod ka sa akin."

Umusog ang ilan sa mga nakaupo sa bandang kanan at pinaupo kami doon. Ang sikip. Gusto kong magmura dahil hindi ako sanay sa ganito. Bakit ba kasi hindi nila ako sinanay sa buhay na ganito? E 'di sana hindi ako nahihirapan ngayon, lalo na noong nalaman kong ampon ako.

Pagkaupo ko, pumikit ako dahil sa hilong nararamdaman. Fudge, 'di ko yata 'to kaya.

Nang umandar na ang jeep, lalo akong nakaramdam ng hilo at gusto ko na ring magsuka. Ang init din dahil siksikan at higit sa lahat, traffic. 

"Nahihilo ka?" bulong ni PJ sa tabi ko. Hindi ako nagsalita at nanatili akong nakapikit. Pakiramdam ko kasi ay masusuka ako sa oras na ibuka ko ang bibig ko.

"Ayos ka lang ba?" pag-uulit niya kaya napamulat ako. Napalunok ako nang makitang medyo malapit ang mukha niya sa akin at nakatitig pa siya sa mga mata ko. Ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko. Ano na naman 'to??

Umiwas ako ng tingin at muling pumikit.

"Malayo pa ang ospital," paalala niya pero hindi ko pinansin.

"Sumandal ka muna sa akin kung nahihilo ka. May tubig din ako dito kung gusto mo." Mahina lang akong umiling habang nananatiling nakapikit. Bakit ba kasi masyado siyang mabait? Lalo tuloy akong nahihirapan. Tss.

Nagtaka ako nang bigla akong nakaramdam ng hangin, kahit na traffic, kaya napamulat ako. Nagpapaypay pala si PJ gamit ang dala niyang abaniko.

"Ayos ka lang ba?" muli niyang tanong kaya napakunot ang noo ko. Para hindi na niya ito ulitin, um-oo na lang ako.

"Sumandal ka lang kapag hindi mo na kaya, ah. Medyo matatagalan pa tayo rito," paalala niya at tumango ulit ako para matigil na ang usapan.

"Ang arte naman niya." Bahagyang napakunot ang noo. Kinuyom ko rin ang kamao ko nang marinig ko ang sinabi ng isang babae na nakaupo malapit sa amin. Tumingin ako sa kaniya pero napaiwas din agad ako ng tingin nang makita kong  nakatingin din siya sa akin. Kung hindi lang ako nahihilo ngayon, malamang sinapak ko na siya, joke, hindi ko iyon gagawin. But seriously, I want to punch her stupid face.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt