Thirty-One: What are you hiding?

97 7 83
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Eighty, eighty one, eighty two, eighty three. Seven hundred eighty three nalang. Saan kaya 'to aabot?" nakanguso kong tanong habang binibilang ang mga barya sa aking palad.

"Fudge that guy, nabawasan pa ang pera ko! Tss," inis kong saad at umirap nang maalala ko ang lalaking nang-holdap sa amin kahapon. For the first time, I learned the value of money, even the coins. 

Tintigan ko ang hawak kong pera.

'Tatanggapin kaya ni PJ kapag binigyan ko siya ng pera? Hindi naman kasi pwedeng hihingi lang ako palagi. Ayokong masanay na laging tinutulungan nang libre.'

Huminga ako nang malalim at inilibot ang paningin ko sa loob ng kwarto. Kwarto 'to ni PJ pero isang linggo na niya 'tong hindi nagagamit dahil sa akin. Halos dalawang beses pa 'tong mas maliit kumpara sa kwarto ko pero masasabi kong ayos naman palang matulog dito. Hindi ako sanay noong una dahil medyo matigas ang kama pero komportable naman pala.

Pumunta ako sa bandang cabinet at isa-isa tiningnan ang mga gamit sa ibabaw ng drawer at pati sa lamesa. Bukod sa mga damit, libro lang ang mga nandito. Walang kahit anong litrato bukod sa mga kapatid niya.

Bakit kaya?

Umiling ako. Hindi na ako dapat makialam. 

Bumalik ako sa kama at inayos ang mga gamit kong nilabhan ko kahapon. Hindi sila gaanong gumagamit ng washing machine kaya ako mismo ang nagkusot ng mga damit ko. Buti nalang at tinulungan ako ni Jaymie na maglaba kahit na nagbangayan pa kami bago matapos.

Pagkatapos, inilabas ko ang mga gamit ko na nakatago sa loob ng bag bago ito ayusin. 

Aalis na ako ngayong umaga. This time, I didn't rushed my decision. Kagabi ko pa 'to pinag-iisipan at ngayon ay sigurado na ako.

Kinapa ko ang pinakailalim ng bag ko at napakunot ako ng noo nang may mahawakan akong papel. Kinuha ko ito at tiningnan ang cover. 'Faith and Fate', pamagat ng script namin sa roleplay. Hindi ko pa pala 'to natatanggal sa bag hanggang ngayon.

Binasa ko ang ilang mga linya at may unti-unting nabuong ideya sa isipan ko. Bakit pa sila nagpapagawa ng ganito kung hindi naman nasusunod kung sakaling nakaka-relate ang manonood? Katulad ng role ko, ampon talaga ako. Pero kabaligtaran ng ginawa ko ang emosyon ko sa role. Doon, kalmado ako at nagpapasalamat sa magulang na umampon sa akin. Pero sa totoong buhay, nakagawa ako ng maling desisyon at hindi ako marunong magpasalamat. Ironic.

Bakit kaya ganito ang ginawa ni PJ? Parang hindi makatotohanan. May pinanghuhugutan kaya siya?

Nagkibit-balikat ako at iwinaksi iyon sa aking isipan. Walang saysay kung iisipin ko pa iyon.

Itinago ko ulit ang script sa bag, kasama ang iba ko pang mga gamit.

Tinanggal ko sa hanger ang jacket ko at sinuot ito kahit na mainit. Umaga na at sikat na ang araw pero nandito pa rin ako sa kwarto. November 1 ngayon at umalis kaninang madaling araw sina PJ, kasama ang mga kaniyang mga kapatid, para pumunta sa sementeryo. Niyaya pa nila ako kanina pero hindi ako sumama.

Anong oras kaya sila babalik?

Suminghap ako at sinara ang backpack matapos ilagay ang lahat ng mga gamit sa loob. Isinukbit ko ito at kinuha ang shades na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at isinuot ito. Sinuot ko rin ang hood bago tumingin sa salamin.

Mag-iiwan nalang siguro ako ng pera sa lamesa bago ako lumabas. Mamaya pa siguro sila babalik. 

Pero saan kaya ako pupunta?

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now