Twenty: I'm a bad person

113 8 118
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Hindi halatang nag-enjoy ka sa laro kanina," nakangiting sambit ni PJ at binigay sa akin ang isang malinis na bimpo. Nandito ako ngayon sa kwarto niya habang nagpupunas ng pawis. Naglalaro pa rin sa labas ang mga bata, samantalang nasa kabilang kwarto naman si Jaymie.

"Aanhin ko 'yan?" tanong ko habang nagpapaypay gamit ang kamay ko. Ang init! Dapat talaga hindi ako nakipaglaro sa kanila.

"Pamunas ng pawis. Hula ko ay wala kang dalang panyo." Imbes na sumagot, kinuha ko nalang yung bimbo at pinunasan yung mukha at leeg ko. Pupunasan ko sana katawan ko pero naalala kong nandito siya kaya hindi ko na tinuloy. Darn, wala na akong pamalit na damit!

"Salamat, ah," aniya kaya napakunot yung noo ko.

"Ano?"

"Wala," pagbawi niya sa kaniyang sinabi na lalong ikinakunot ng noo ko.

"Lalabas muna ako," dagdag niya bago lumabas ng kwarto at isinara ito. Huminga ako nang malalim.

Ano bang pwede kong gawin? Ayokong maging pabigat dito. Mukhang ayaw rin naman sa akin ni Jaymie.

Umuwi na lang kaya ko? Tss, hindi pa pwede hangga't hindi ko pa nakikita ang  tunay kong mga magulang. Isa pa, sinabi ni PJ kanina na sasamahan niya ako sa ospital kung saan ako pinanganak.

Fudge. Kaya ayokong mag-isa, kung anu-anong pumapasok sa isip ko.

Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pinto. Ba't pa sila kumakatok, bahay naman nila 'to??

"Pasok." Inabangan ko kung sinong magbubukas ng pinto habang nakaupo sa kama. Nakita ko si PJ na may dalang isang puting damit at shorts at iniabot sa akin.

"Isuot mo muna 'to." Pinagmasdan ko ang hawak niyang damit. Mukhang sakto lang ito sa akin. Kay Jaymie ba 'yon o binili niya?? Nang mapansing wala akong balak na kuhanin ang hawak niya, ipinatong niya ang mga ito sa ibabaw ng ulo ko kaya natakpan ang mata ko. What the--?!

Inis ko itong tinanggal at halos tumigil ang tibok ng puso ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang malapit ang mukha niya sa akin. Hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kaba.

Kinuha niya yung short na nahulog sa bandang likuran ko. Pagkatapos nito ay tumayo na siya at lumayo nang kaunti sa akin.

"Pasensiya na, nagulat ka ba?" inosenteng tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin dahil sa hiya. Darn, ano bang iniisip ko?!

"Isuot mo muna 'to. Kay Jaymie 'yan, mukhang magkasing-katawan lang naman kayo. Magbihis ka muna." Pinasadahan niya ako ng tingin bago tumalikod.

Napahinga ako nang malalim at pumikit dahil sa mga kahihiyang ginawa ko. Umayos ka nga, Althea!

Napamulat ako nang maramdamang nandito pa rin siya sa kwarto.

"Bakit?" nagtataka kong tanong at lumingon siya sa akin.

"Wala naman talaga sa akin na hindi ka magpasalamat ngayon kasi kusa naman iyong sinasabi pero sana, 'wag mong kalilimutang magpasalamat sa iba." Napatigil ako sa sinabi niya. That's when I realized that I am really a bad girl. And well-mannered persons like him do really exist?? 

~~~

"Jaymie, pakihugasan muna yung mga plato, may pupuntahan lang ako saglit," utos ni PJ sa kapatid niya pagkatapos naming kumain ng tanghalian

"Saan ka pupunta?" usisa ko kaya napatingin sa akin si PJ nang may halong pagtataka.

"Bakit?" tanong niya kaya napapikit ako habang pinipigilan yung sarili kong suntukin siya. Maikli lang ang pasensiya tapos nagtatanong ako nang maayos, pero tanong din ang isasagot niya. The fudge.

At 17: A Remarkable Way Back HomeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang