Forty-Two: Tell your heart to beat again (Part 2)

90 6 97
                                    

A/N:

Please play the song above, before, during, or after reading this chapter. :> But I recommend before or after. Hehe.

It's really an inspiring one. One of my favorite songs, nowadays.❤️️❤️️❤️️

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Mahal mo talaga si Lou, 'no?" tanong ko kay Yohanne habang nakatingin sa maliit na picture frame na nakadisplay sa sala nila. Pareho silang nakangiti nang malapad at nakasuot ng toga. Grade 10 Moving Up ceremony. Magkasintahan na sila rito at legal.

Nginitian niya lang ako pero halatang-halata sa mga mata niya na 'oo' ang sagot. Ang swerte talaga ng kapatid ko. At ang swerte rin niya sa kapatid ko.

Tiningnan ko ang maamo niyang mukha at biglang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Hindi ito katulad ng nararamdaman ko noon. Inaamin kong kinikilig ako ngayon, pero iyon ay dahil naiisip ko silang dalawa ni Lou. Habang nakatingin ako sa kaniya, natanto ko na iba na pala talaga ang nararamdaman ko. Hindi na ako nanghihinayang na hindi ako ang minahal niya. Sa katunayan, masaya ako para sa kanila ni Lou. Nasanay nga lang talaga ako noon na siya ang lagi kong kasama at karamay.

Isang araw na ang nakalipas buhat noong dinala ako ni Yohanne sa bahay niya. Buti na lang at kilala ako ni Tita Sierra at Tito Shawn kaya hinayaan nila akong makituloy rito kahit saglit lang, hanggang sa malaman ko ang dapat kong gawin. Nagta-trabaho pa sila hanggang ngayon kaya kaming dalawa lang ni Yohanne ang nandito sa bahay. Wala kasi siyang kapatid at yaya.

Sa totoo lang, mas magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Naubos na yata ang mga luha ko dulot ng paulit-ulit na pag-iyak mula pa noong isang araw hanggang kahapon. Mugto pa rin ang mga mata ko dahil sa kaiiyak kahapon pero hindi ko maikakailang nakatulong iyon sa kalagayan ko ngayon.

"Sinabi mo ba kina Lou kung nasaan ako?" tanong ko. 

Nakaupo siya sa sofa na nasa tapat ko at umiinom ng tsaa. Binigyan niya rin ako kanina pero nilagay ko muna iyon sa center table. May kaya rin ang pamilya ni Yohanne kaya wala siyang ginagawa maghapon bukod sa pansariling aktibidad.

"Hindi," aniya kaya pinanliitan ko siya ng mata. Umiling-iling siya habang nakangiti.

Tell your heart to beat again
Close your eyes and breathe it in

"'Wag kang mag-alala, nagsasabi ako ng totoo," dagdag niya at itinaas ang kamay na parang nanunumpa. Napatawa ako nang mahina. I really miss this guy. 

Let the shadows fall away
Step into the light of grace

Ngayon, sinusubukan kong ayusin ang sarili ko. Pinapairal ko ang isip ko at hindi ang emosyon, katulad ng sinabi sa akin ni Yohanne kahapon.

"Noong naglayas ka, pinairal mo ang emosyon mo. Marami ka tuloy pinagsisihan. Pero kung inisip mo muna kung bakit nila ginagawa 'yon sa'yo at kung anong intesyon nila, sigurado akong nasagot na ang mga katanungan mo."

"Hi--"

"Hindi ko sinasabing mali ang ginawa mo. May mabuti rin naman itong naidulot. At least, naranasan mo ang mga bagay na hindi mo naranasan noon. Nahirapan ka man, nagawa mo namang matuto. At sa tingin ko,... iyon ang pinakamahalaga sa lahat."

Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin yung mga sinabi niya sa akin. Masaya talaga ako dahil siya ang nakita ko kahapon. Dahil kung hindi, baka naliligaw pa rin ako hanggang ngayon.

"Mahal ka  rin talaga ni Lou, 'no? At may pakialam talaga sa'yo si PJ," pabalik niyang tanong at nagtaas-baba ng kilay. Ngumiwi ako at umiwas ng tingin.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now