Thirty: With Jaymie (Part 3)

81 8 103
                                    

ATLHEA LEIGH VILLARIN

"Tara, maglakad na lang tayo," pag-iwas ko sa usapan at nauna nang naglakad nang hindi siya hinihintay. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko nang bigla niyang banggitin ang pangalan ni PJ. Ang weird.

Napatigil ako nang maramdaman ang pagtitig ni Jaymie mula sa likuran ko. Lumingon ako at nakita ko ang seryoso niyang itsura. Eh?

"Ba't ganiyan ka makatingin?" Pagkatanong ko, natanto ko na hindi ko sinagot nang maayos ang tanong niya kanina. Baka akalain niyang may gusto ako kay PJ. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at akmang magsasalita para tumanggi pero itinaas niya ang palad niya at iniharap sa akin para patigilin ako.

"'Wag ka nang sumagot. Baka hindi ko magustuhan ang sasabihin mo," aniya at umirap. Biglang nagbago ang awra niya. Nabunggo niya pa ang braso ko nang dumaan siya sa gilid ko at nilampasan ako nang hindi nagsasalita.

Bumuga ako ng hangin. Naiinis na naman ako sa kaniya. Wala na yatang pag-asang magkaayos kami kahit isang buong araw lang.

"Maglalakad na lang ba tayo?" tanong ko at hinawakan ang braso ni Jaymie para pabagalin siya sa paglalakad. Medyo natatakot na kasi ako rito kahit hapon pa lang. 5 PM na at malapit nang dumilim. Bukid ang nasa gilid namin at walang mga bahay bukod sa paaralan. May ilan akong nakikitang mga tao sa bukid pero kaunti lang talaga. 

"Oo," malamig niyang tugon nang hindi tumitingin sa akin. Nag-make face ako sa kaniya.

Medyo malayo ang paaralang pinapasukan niya sa istasyon ng jeep kaya kinailangan naming maglakad. Wala kasing tricycle na dumaan kaya napagpasiyahan namin itong gawin. Siguro walang masyadong dumadaan dito kapag gabi. Malayo ang agwat ng mga ilaw kaya paniguradong may mga parte rito na masyadong madilim kapag gabi.

"Ah, Jaym--" Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong nakaramdam ng tao sa likuran ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang may humawak sa kaliwang braso ko at nagtututok ng patalim sa kanang bahagi ng beywang ko.

Fudge.

"Holdap 'to. Walang kikilos!" sigaw ng isang taong boses lalaki at hinigpitan ang hawak sa akin at medyo diniinan ang kutsilyo kaya lalo akong natakot. Napalingon si Jaymie sa amin at bakas sa mukha niya ang takot at gulat. Akma niya akong lalapitan pero bahagyang umatras ang holdaper habang nakahawak pa rin sa braso ko at itinutok sa kaniya ang patalim.

Fudge, first time kong maranasan 'to!

Nanginginig ang katawan ko. Kinuyom ko ang kamao ko at yumuko. Nanghihina na ako at pakiramdam ko ay maluluha na rin ako. Hindi lang dahil sa takot kundi pati na rin sa galit. Kung marunong akong lumaban, malamang sinuntok ko na 'tong lalaking 'to. Napakabastos, ayaw ng disenteng trabaho.

"Akin na ang mga wallet at phone niyo!" utos niya. Hinawakan ko ang strap ng shoulder bag ko at hinigpitan ang kapit dito. Hindi ko pwedeng ibigay ang pera ko, lalo naman ang phone ko. Bukod sa kaunti nalang ang perang natitira sa bag ko, mababawasan pa ito kung ibibigay ko yung pera sa mamang 'to. Fudge.

"Hindi niyo ibibigay?!" galit nitong saad at malakas akong itinulak papunta sa direksyon ni Jaymie. Agad niya akong hinawakan sa magkabilang braso nang muntikan na akong matumba sa sahig. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa akin. Natatakot din siya katulad ko.

Lumingon ako sa paligid. Malayo pa ang main road dito kaya imposible kung tatakbo kami para makalayo. Mukhang hindi rin kami napapansin ng ilang mga tao sa bukid dahil abala sila sa ginagawa nila. 

Sa bukid din ba nanggaling ang mamang 'to?? Fudge.

"A-Ate, anong gagawin natin?" nanginginig na bulong ni Jaymie sa akin. Bumuntong-hininga ako at pumikit habang pinipigilan ang sariling kong sugudin si kuya kahit alam kong wala akong laban. Bukod sa hindi ako marunong, may hawak din siyang patalim.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now