Eighteen: My first time experiences

126 9 126
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Alas-otso pa lang ng gabi pero kaunti na lang ang bukas na ilaw sa bahay nina PJ sa kadahilanang nagtitipid sila sa kuryente.

Hindi mapakali si Althea hil hindi siya sanay sa madilim na kwarto at madalas siyang nagpupuyat kapag walang pasok. Hindi niya lang ito magawa dahil lowbatt ang kaniyang phone.

"Althea, sa kwarto ko muna ikaw matulog," sambit ng binatang si PJ habang naglalatag ng banig sa kwarto ng kaniyang mga kapatid.

"Ikaw? Saan ka tutulog?" nagtatakang tanong ni Althea habang buhat ang dalawang unan at isang kumot. Halatang bagong laba ito at hindi pa gaanong nagagamit.

"Para sa bisita lang ba ang mga ito?" tanong niya sa sarili.

"Dito na lang muna ako tutulog kasama nila, kumatok ka nalang dito kapag may kailangan ka," sagot ni PJ at tiningnan ang nanay at mga kapatid niyang magkakatabi na natutulog.

"Okay." Bago pa man lumabas si Althea, muling nagsalita si PJ.

"Ayos ka lang ba?" mahinahong tanong nito habang nag-aalalang nakatingin. Samantalang hindi na siya nag-abalang lumingon at tumango na lamang bago tuluyang naglakad papunta sa pinto.

Tahimik na binuksan ni Althea ang pinto sa kwarto at lumabas para lumipat sa kabilang kwarto. Napabuntong-hininga na lamang siya nang makita ang kwartong tutulugan niya. Una sa lahat, hindi siya sanay matulog nang walang aircon. Ikalawa, kahit na nahihiya siya kay PJ at pakiramdam niya ay pabigat siya, wala siyang magagawa. At ikatlo, hindi talaga siya sanay sa ganitong buhay kahit na panandalian lang.

Kahit maliit lang ang espasyo ng kwarto, halatang masinop ang lalaki sa mga gamit niya. Wala man lang siyang nakitang dumi o kahit anong bagay na nakakalat. Kung ikukumpara sa kwarto niyang malinis lang dahil sa katulong, hindi mapagkakailang mas responsable sa kaniya si PJ.

Ipinatong niya ang unan at kumot sa kama bago buksan ang electric fan. Gaya ng inaasahan, mainit pa rin sa pakiramdam niya. Hindi kasi siya sanay sa ganoong kainit na temperatura lalo na sa pagtulog. Sinabihan din siya ni PJ na buksan ang lampshade kapag tutulog at patayin ang mismong ilaw para mas tipid sa kuryente. Ayaw man niya, wala pa rin siyang magagawa.

Ganito ba talaga ang buhay nila? Paano kung ganito rin ang dapat na buhay ko kung hindi ako inampon? Magiging masaya kaya ako?

Paano kung hindi ko nalaman na ampon ako? Eh di hindi mararanasan ang buhay na dapat mayroon ako?

Umiling-iling siya at iwinaksi ang mga hindi masagot na tanong sa isipan. niya ito sa kaniyang isipan. Humiga siya sa kama at napansin niyang manipis lang ang matress kaya mas matigas ito kumpara sa kama niya sa bahay nila. Hindi niya mapigilang mapaiyak dahil sa pagsisisi at pagkainis sa sarili dahil hindi siya sanay sa mga bagay na ito.

Para matigil na sa kakaisip, pinilit niya ang sariling matulog.

Alas-dose na ng hating gabi ngunit hindi pa rin makatulog si PJ dahil sa pagkabalisa.

"Kumusta na kaya si Althea?" sa isip-isip ni PJ. Batid niyang lumaki si Althea sa isang mayamang pamilya kaya malamang ay hindi ito sanay sa ganitong pamumuhay. Dahan-dahan siyang tumayo at niligpit ang kaniyang higaan para pumunta sa kabilang kwarto. Nadatnan niya roon si Althea na magaslaw athindi mapakali kahit na natutulog. Tagaktak din ang pawis nito mula noo hanggang leeg.

Naglatag si PJ ng banig sa sahig at kumuha ng pamaypay para paypayan si Althea hanggang sa siya rin ay makatulog. 

~~~
ALTHEA LEIGH VILLARIN

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now