Forty-One: I'm lost (Part 1)

104 6 84
                                    

A/N:

Trigger Warning: 

This chapter contains scenes that might trigger your anxiety. Read at your own risk and remember that God is always here for us. Don't lose hope. Everything happens for a reason.

And please listen to the song above, before, during, or after reading this chapter. :>

ALTHEA LEIGH VILLARIN

Mom and dad. Check.
Angelica Lou. Check.
Yohanne. Check.
'Nay Linda, Check.
Luke, Warren, Evan, Jared, Liam, and Vince. Check.
Katie at Liezel. Check.
PJ. Check.

Message sent.

Mapait akong ngumiti habang nakatitig sa pinadala kong mensahe sa kanila. This will be my last message, perhaps.

Hindi ko alam kung mababasa nila agad 'to dahil malapit nang mag-7 AM, ibig sabihin ay magsisimula na ang klase. Sina mom at dad naman ay nasa trabaho na kaya sigurado rin akong hindi nila 'to papansinin. Si 'nay Linda kaya? Sana maging masaya siya dahil hindi niya na ako kailangang alagaan.

Ito ang pinagkaabalahan ko kaninang madaling araw, habang nakaupo rito sa waiting shed. Gumastos ako ng bente para sa load, at halos isang daan para sa pamasahe. May natitira pa akong pera rito, lalo na yung kinuha ko sa money box ni PJ.

Nalaman niya na kaya?

Umiling-iling ako. It doesn't matter. I will not be able to take responsibility for that mistake.

Tumayo ako at itinago ang phone sa bulsa ng pantalon ko at nagpatuloy sa paglalakad sa gilid ng kalsada, sa lugar na pamilyar ako kahit na hindi ito ang daan papunta sa bahay. Nagpalipas ako ng gabi rito sa waiting shed para tumabay at umidlip. May ilang tricycle driver na pumansin sa akin pero nagpapasalamat ako dahil wala silang ginawang masama.

Kagabi rin ay inisip ko kung anong klaseng pagkawala ang pinakamadali. Pagbangga sa sasakyan? Lason? Pagtalon sa mataas na lugar? O laslas?

Bumuntong-hininga ako at lumunok. Hindi ko maiwasang makaramdam ng takot sa gagawin ko. Gayunpaman, wala na akong pagpipilian. Ubos na ubos na kasi ako. Gusto ko nalang mawala na parang bula.

Pero sa huling sandali, bago ko gawin ang bagay na iyon, gusto ko munang alalahanin ang mga maiiwan ko. Kahit sandali, gusto kong maramdaman ang pagiging malaya.  

Medyo magulo na ang buhok ko at suot ko pa rin ang jacket kahit na medyo mainit na. Namumugto ang mga mata ko at hindi na ako nag-abalang punasan ang mga luha ko kaya natuyo na ito sa pisngi ko. Kung may makakakilala man sa akin, paniguradong magugulat sila, malayo sa mataray at masamang ugaling Althea. Baka nga matuwa pa sila dahil nagkaganito ako.

What made me do this? I'm not sure either. All I know is I want to be happy. I want to give up.

In the midst of walking, I can't help but think about random stuffs and what ifs. I am silently crying and I don't care if people find me weird. I just can no longer hide it. My anxiety has swallowed me whole.

What if I didn't found that certificate?

What if  I am not affected by Marj and Loree's hurtful words?

What if I didn't find out that PJ received any amount of money from my foster parents? What if he's sincere with his words and actions? That he didn't do all of those because of money?

What if PJ's mother didn't lie? 

What if Jaymie didn't tell me the truth?

What if Yohanne is still here?

At 17: A Remarkable Way Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon