Nine: I'm Pissed

133 17 168
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Salamat talaga!! I owe you big time!" Yohanne grinned and gave me a quick hug.

"No prob," I genuinely said while smiling. Nandito kami ngayon sa coffeeshop. 'Our' usual coffee shop. Dito kami madalas tumambay kapag hinihintay niyang matapos si Angelica Lou sa volleyball practice. Malapit lang kasi ito sa school.

"By the way, out of the blue 'to, ah," aniya at tumingin sa akin na parang nahihiya.

"What is it?" I asked out of curiosity.

"Uhm...tanong ko lang, saan mo gustong pumunta kapag stressed ka o galit ka sa mundo?" I raised an eyebrow because of his question.

"Ha? Anong klaseng tanong 'yan?" I asked and he shyly looked at me while scratching his head.

"Wala lang, pansin ko lang kasi na minsan na lang tayo nagkakasama simula nang maging kami na ni Lou. Hindi sa lahat ng oras ay kasama kita. Kaya kapag dumating ang araw na problemado ka at walang mapuntahan, alam ko kung saan ako pupunta." Naantig ang puso ko dahil sa sinabi niya. How sweet.

"Uy, 'wag mo akong titigan. Sagutin mo muna yung tanong ko," natatawa niyang sabi. Agad naman akong napaisip.

"Sa bar. Mag-iinom," diretsahang sagot ko at tumingin sa hawak kong milkshake. It's half truth, half lie. I'm 17 years old.

"Bar? Minor ka pa ah. Bawal ka pang bumili ng alak, ayan lang ang pwede mong inumin," aniya at itinuro yung hawak ko.

"'Di naman halatang minor pa ako," pabiro kong irap.

"Okay, salamat sa pagsagot. Tatawag na lang ulit ako mamaya," nagmamadali niyang sabi at tiningnan ang oras. It's 5 o'clock in the afternoon. Hindi alam ni Lou na lumabas ako para makipagkita kay Yohanne. Naliligo kasi siya ngayon at kalahating oras 'yon kung maligo. 15 minutes had passed since I got in here.

"Okay, bye. Just make sure that you call pull it off, okay?" I tapped his back and grabbed my things. As I walked slowly away from him, I felt a stab in my chest. He's my first love, afterall.

Nag-taxi na lang ako pauwi para hindi hassle at pagkarating ko sa bahay, nadatnan ko si PJ na nakaupo sa lounge sa may pool area ng bahay namin.

"Why are you still here? Inaantay mo ba si Lou?" Nakataas-kilay kong tanong at akmang papasok ng bahay pero pinigilan niya ako.

"Bakit?"

"M-May itatanong lang ako," nahihiya niyang sabi sabay kamot sa ulo.

"Bakit ka sa akin nagtatanong? 'Di ba dapat kay Lou?"

"I-I see. Sorry sa abala, naiinis ka nga pala sa akin. Hindi ko kasi makausap nang matino si Angelica," pagtango niya at tumalikod.

"Hoy, sinong nagsabing pwede kang tumalikod habang kinakausap kita?!"

Lumingon siya sa akin na waring nagtataka. "Ha??"

"Anong itatanong mo?" mataray kong sabi para pagtakpan ang kahihiyan ko. Bakit ko nga ba siya tinawag ulit??

Tinitigan niya lang ako na parang hindi niya ako kilala. The fudge?!

"Ano na? Sayang ang oras ko." Bigla namang lumawak yung ngiti niya. Weird.

"Ahh...about that. May kapatid kasi akong babae—"

"Just get straight to the point."

"Nagdadalaga na siya. Anong brand ng napkin ang dapat gamitin kapag first day niya?" Muntik na akong matumba sa narinig. What the—?!! Ano bang klaseng tanong 'yan at bakit niya pa sa akin tinanong? Kaya ba hindi niya makausap ng maayos si Lou kasi ayun yung tanong niya?!

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now