Seventeen: My family

141 12 116
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Bakit tayo nandito?" kunot-noo kong tanong habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa wrist ko. Napansin niya naman iyon kaya agad niya itong binitawan at humingi ng paumanhin kahit hindi naman kailangan.

"Anong gagawin natin dito?" pag-uulit ko at pumaywang. Tiningnan ko ang kainan na nasa harapan ko. Isa itong sikat na restaurant. Paniguradong "ginto" ang presyo ng mga pagkain at inumin dito (hindi talaga ginto pero gano'n kasi yung sinasabi ng mga nagtitipid). 

Dito kami kakain? May pambayad ba siya?

"Seryoso ka ba d'yan sa tanong mo?" aniya at pigil na tumawa kaya napairap ako. 

"What I mean is, kung kakain tayo, bakit dito pa?" irita kong tanong. Kumakain naman ako sa restaurant, pero kapag kasama sina dad kasi sila naman yung nagbabayad. Kahit na may pambili ako ngayon, 'di ko naman pwedeng gastusin yung pera ko nang isang bagsakan kasi 'di ko alam kung hanggang kailan ako magtatagal bago bumalik sa bahay, well, kung kaya ko pang bumalik.

"May ipapakita ako sa'yo," pabulong niyang sabi at hinila ako papasok sa loob ng restaurant.

  Seryoso talaga siya? Ano kayang ipapakita niya? Mga presyo ng pagkain?

 May kikitain ba siya dito sa resto tapos ipapakilala niya? Pero 'something' daw at hindi naman 'someone', e di bagay?

Pumwesto kami sa bandang gilid ng resto. Tanaw na tanaw mula rito ang iba't ibang pamilya na kumakain. Kadalasan ay marami silang suot na palamuti o kaya naman ay mamahaling damit. Bigla ko tuloy naalala ang kinilala kong pamilya. Maski sina 'nay Linda at nanny Lorna ay sumasama rin noon. Baka sila na lang ang kakain sa labas simula ngayon.

Teka, ano bang pakielam ko? Tss.

Sinamaan ko ng tingin si PJ. Dinala niya pa kasi ako rito, eh. Naalala ko tuloy sila.

Ano ba kasing gagawin namin dito? Sigurado akong hindi siya gano'n kayaman para bumili ng pagkain dito.

"Ano ba talagang gagawin natin dito?" Napatigil ako sa pagsasalita nang itinuro niya gamit ang kaniyang daliri yung isang pamilyang kumakain na medyo malayo sa kinauupuan namin.

"Tingnan mo sila." Walang imik kong sinunod ang sinabi niya. Makalipas ang ilang segundo, wala akong nakitang kakaiba sa pamilyang iyon. Kunot-noo akong napalingon sa kaniya.

"Mabubusog ba ako habang tinititigan silang kumain?" sarkastiko kong tanong, dahilan para mapatawa siya nang mahina. Fudge, dapat talaga hindi na ako sumama sa kaniya. Akma akong tumayo ngunit agad niya akong pinigilan.

"Anong ginagawa ng bata?" tanong niya habang nakatitig pa rin sa pamilyang iyon. Ano bang problema niya? Para matapos na ito dahil gutom na talaga ako, muli akong sumulyap sa bata.

"O, anong meron sa batang nagp-phone? 'Wag mo sabihing nainggit ka sa kaniya kasi kahit 6 or 7 years old pa lang siya ay may gadget na?" taas-kilay kong tanong. Lagi ko kasing napapansin yung phone niya de-keypad pa. Malay ko ba kung inggit siya sa batang iyon.

"Normal? Paanong normal?" aniya at hindi pinansin yung isa ko pang sinabi.

"Syempre, hindi pa tapos kumain yung magulang niya kaya hinihintay niya. Alangan namang magligalig siya. Mabuti nang maglaro sa phone habang naghihintay. Ganiyang din naman kami ng mga magulang ko eh." Tss, common sense naman, PJ.

"Hindi kayo malapit sa isa't isa, 'no?" aniya at pinanliitan ako ng mata na para bang binabasa yung nasa isipan ko.

"How did you know?" irap ko. Bakit ba kahit tama yung sinabi niya ay naiinis pa rin ako? Tsk.

At 17: A Remarkable Way Back HomeDove le storie prendono vita. Scoprilo ora