Forty: The other side

94 6 101
                                    

THIRD PERSON POV

"Nasaan si Althea?" bungad ni PJ sa mga kapatid niya pagpasok niya ng bahay. Tiningnan niya sina Jaymie at ang mga bata na nakaupo sa lapag sa sala habang abala sa pagsasagot at pagbabasa ng libro. Papasok na kasi silang lahat bukas.

Nang walang sumagot, inilibot niya ang kaniyang paningin sa kabuuan ng bahay at hinanap ang dalaga pero hindi niya ito nakita.

Gabi na at nandito na silang lahat maliban kay Althea. Mabigat ang atmospera sa paligid na at ramdam na ramdam nila ang pagkawala niya.

Kumpara kaninang hapon, mas kalmado na si Jaymie pero namumugto pa rin ang mga mata niya. Bakas sa kaniyang mukha ang pagsisisi dahil sa kaniyang mga sinabi kaninang tanghali, noong sinabi niyang hindi totoong anak ni Pia si Althea. Sina Jen at Pauline naman ay natuyuan na ng magkahalong luha at sipon sa pisngi dahil pa rin kay Althea.

Napansin agad ito ni PJ kaya nagtanong siya kay Pauline.

"Pauline, nasaan si Althea," tanong niya at bahagyang yumuko para marinig ang isasagot ng kapatid. Pero sa halip na sumagot, yumakap ito sa kaniya at nagpabuhat. Binuhat niya ito at ipinulupot nito ang maliliit na braso sa leeg niya.

"K-Kuya, miss ko na si Ate A-Althea, umuwi n-na po s-siya," naiiyak na sambit ni Pauline. Kanina ay sinabi niya na masaya siya dahil uuwi na si Althea sa kaniyang bahay pero pag-alis nito, bigla siyang nakaramdam ng lungkot.

"Umuwi na siya?" gulat na tanong ni PJ at may halong pagdududa. Sumulyap siya kay Jaymie para makasigurado pero nanatiling tikom ang bibig nito.

"Jaymie, mag-usap tayo," seryoso niyang saad at ibinaba si Pauline para lumapit kay Jaymie.

"Tungkol saan, kuya?" patay-malisya nitong tanong habang nakayuko pa rin at nakatingin sa librong binabasa. Bigla nitong naalala ang tagpo nilang dalawa bago siya umalis.

"Kuya, saan ka pupunta?" tanong ni Jaymie pagkalabas ni PJ ng kwarto. Nakapameywang siya at diretsong nakatingin sa mga mata nito.

"May pupuntahan lang ako saglit," sagot nito at dumaan sa gilid niya.

"Saan? Doon ba ulit sa coffee shop? May kikitain ka ba?" Bahagyang napakunot ang noo ni PJ nang maramdamang galit sa kaniya si Jaymie.

"Sino ba 'yon?"

"Si Angelica Lou," mahinang tugon niya at lumingon sa kwarto para siguruhing hindi ito narinig ni Althea. Aalis na sana siya nang biglang magsalita si Jaymie.

"Angelica? Uunahin mo pa ang babeng 'yon? Kita mo na ngang problemado si Ate Althea ngayon dahil sa lahat ng nangyari." Lalong naguluhan si PJ sa inaasta ng kapatid niya.

"Ano bang balak mo, Jaymie? Bakit mo 'yon ginawa?" Bumakas sa mga mukha nito ang gulat sa biglang tanong niya. Sa halip na sumagot, pinili nitong tumalikod at pumasok sa kabilang kwarto.

"Nasaan si 'nay?" tanong ni PJ.

"Nasa kwatro, nagpapahinga." Tumango-tango si PJ habang nakatingin sa mga bata.

"Mga bata, maiwan muna namin kayo rito, ah. Mag-uusap muna kami saglit ng ate Jaymie niyo," mahinahon niyang saad at hinawakan ang kanang braso ni Jaymie para hilahin patayo. Walang itong nagawa sumunod.

Pagkarating nila sa kwarto, nadatnan nilang nagtitingin ng mga lumang litrato si Pia habang nakaupo sa gilid ng kama. Umupo si Jaymie sa tabi nito at sinilip ang ilang litrato.

"'Nay, si kuya po ba 'yan?" tanong ni Jaymie habang nakatingin sa isang litrato ng sanggol na lalaki at mukhang kapapanganak pa lamang.

"Oo, 'nak. Bago ko siya ipaampon," sagot ni  Pia at tipid na ngumiti na parang may inaaalala.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now