Ten: Our Surprise

100 18 154
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Sarado naman yung school, eh! Sigurado ka bang ngayon 'yon?" She rants while stomping her feet. She looks annoyed.

Kunwari akong nag-isip para hindi siya makahalata.. "H-hindi nga yata ngayon 'yun." 

"Sayang naman ang pagpunta natin dito. Sarado pala. Kain nalang tayo sa labas," dagdag ko pa at umaktong gutom. Fudge, 'di bagay sa akin!

"Kakain tayo sa labas?" she asked while grinning ear to ear.

"Oy, kaniya-kaniyang bayad, ah!" Agad kong sabi. Nagtaka ako nang lalo pang lumawak ang ngiti niya. Anong meron??

"Wala akong dalang pera. Bigla mo lang akong hinatak, remember?" Fudgeee, oo nga pala! Stupid, Althea!

"Tsk. Fine. Basta, bayaran mo ako pag-uwi natin." Irita kong sabi, kabaliktaran ng ekspresyon niya. Ngiting-ngiti siyang umangkla sa braso ko bago nagsalita.

"Tara naaa! Oy libre mo 'ko, inabala mo ako eh. " Sus, baka nga ako ang ilibre mo pagkatapos nito eh.

Matagal bago kami nakapili ng lugar na kakainan dahil hindi kami magkasundo. Sa huli, sa Jollibee na lang kami pumasok. 

Siya yung pumila sa counter samantalang ako naman ang nagreserba ng upuan. Habang nanonood ng Trolls sa phone (na ilang beses ko nang inulit), bigla akong nakatanggap ng mensahe.

From: Bestfriend panget :P

Okay na. Pwede na kayong umuwi. :)

Reading this message makes me want to back out. Ayos na kaya ang naitulong ko? Nalibang ko na Lou at hindi niya nahalata yung surprise. Kung pauwiin ko na lang kaya siyang mag-isa?

Pero baka masira yung planong ilang linggo naming pinaghandaan ni Yohanne...

Bahala na nga!

Agad akong nagreply sa kaniya.

From: Bestfriend ganda :D

Can't. Kakain pa lang kami ni Lou. :3

Pagkatapos kong pindutin ang send button ay bigla kong naalala na marami nga palang handa sa bahay. Darn! Matakaw--este, maganang kumain-- nga pala si Lou at kung nakapag-order na siya...

Nagmadali akong tumayo at pumunta sa counter kung nasaan si Lou. Nag-oorder na siya. Lagot na! Agad ko siyang hinatak at inalis sa pila. Hahakbang na sana ako nang bigla siyang magsalita.

"Uy, nakapag-order na 'ko. Wala lang bayad, nasaan na pera mo?" Lumingon ako sa counter at nakita ko ang ilang crew at mga taong nakapila na nakatingin sa amin. Napamura ako sa isip ko dahil sa hiya. Kumuha ako ng isang libo sa wallet at inabot sa cashier.

"Take home na lang, miss. Keep the change. Nagmamadali po kami." Pagkatapos niyang ihanda lahat ng inorder ni Lou, agad ko itong kinuha at tumakbo nang mabilis palabas ng mall. Doon ako naghintay ng taxi at pati na rin kay Lou.

"Ba't ka ba nagmamadali?" hinihingal niyang tanong.

"Basta."

"Sayang naman yung pagkain." Ngumuso siya habang nakatingin sa paperbag, mukhang gutom na gutom siya. Don't worry sis, maraming pagkain sa bahay.

Hindi ko na siya pinansin at pumara na ng taxi. Pagkasakay namin, nagtext ulit ako kay Yohanne.

From: Bestfriend ganda :D

Otw na pala kami. Ihanda mo na yung lines mo. HAHAHAHA.

"Ineng, ikaw pala 'yan." Napaangat ang tingin ko kay manong driver ng taxi nang magsalita siya. Nakasumbrero siya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Napansin niya sigurong hindi ko siya maalala kaya tinanggal niya ang sumbrero niya at ngumiti sa akin.

"Kilala mo?" Bulong ni Lou na nakaupo sa likuran ni manong driver.

"Uhh... ewan," Actually, parang pamilyar yung mukha niya pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita o kung kilala ko ba siya.

"Ako 'to, si Gary, yung may anak na scholar." Napatitig ako sa kaniya hanggang sa matandaan ko siya ng tuluyan.

"Ah, kuya Gary! Yung may anak na Luzette ang pangalan? Yung victim po ng bullying? Yung may asawang nagtitinda po sa palengke?" Napatawa siya nang mahina dahil sa mga sinabi ko.

"Oo, ako nga. Ako yung nasakyan niyo dati ng mga kaibigan mo. Ikaw yung parang anak ko 'di ba? Yung nakakaranas ng pambu-bully?"

"Opo. Naaalala niyo pa po pala," medyo nahihiya kong sabi.

"Kumusta ka naman? Hindi pa rin ba sila tumitigil?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala kahit na nakatingin siya sa daan habang nagmananeho.

"Tumigil na naman po. Sembreak na rin naman po kasi. Si Luzette po? Kamusta na po?"

"Sembreak na rin niya. Tumutulong siya sa nanay niya ngayon sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Minsan kapag may nakakakita sa kaniya habang nagtitinda, pinagtatawan siya. Daig pa nila yung walang pinag-aralan," kwento niya. Lalo tuloy akong nainis. Mga walang modo.

"Hayaan niyo na po. Hindi nila alam ang kasabihang, 'no pain, no gain'. Atsaka, buti nga po si Luzette, masipag at mabait, hindi tulad nila. Totoo pa naman ang karma." Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan hanggang sa makarating kami sa labas ng village.

Nagbayad ako bago kami lumabas ng taxi.

"O siya, nandito na pala tayo. Sige na, paalam na," aniya at tumingin sa akin.

"Althea Leigh po." Pagpapakilala ko at inilahad ang kamay ko sa harapan niya. Malugod naman niya itong tinanggap.

"Para ka talagang si Luzette. Napakabait mong bata."

"Hindi naman po ako mabait," tugon ko at awkward na ngumiti. Bukod kay 'Nay Linda, siya pa lang ang nagsasabi sa akin ng ganoon.

"Lou, ibigay mo na lang 'tong tinake-out natin kanina sa Jollibee. Nagluto naman yata sina 'nay Linda ng hapunan," utos ko kay Lou.

"Ibigay mo na," pag-uulit ko pero sa akin niya pa rin inabot. Ako na raw ang magbigay kay manong tutal ako naman daw ang may kilala sa kaniya. 

Nagpasalamat ulit si manong bago kami tuluyang umalis. Naglakad kami simula sa labas ng village hanggang bahay. Tumingin ako kay Lou na ngayon ay walang kamalay-malay. Bigla tuloy akong na-excite kahit hindi para sa akin ang hinanda ni Yohanne. Mahilg talaga ako sa mga ganoon lalo na kung kasama ako sa maghahanda, katulad ngayon. Ang problema nga lang, nagseselos ako. Ayoko 'tong maramdaman pero 'di ko mapigilan. Ang hirap.

"Uy, bakit ang dilim ng bahay? Brown out ba?" tanong niya pagkarating namin sa tapat ng bahay. Kunwari akong nagbasa ng text sa phone ko bago sagutin yung tanong niya.

"Emergency. Inaayos pa daw yung kuryente," palusot ko at tumango naman siya.

"Eh, bakit tayo umuwi agad?" nakasimangot niyang sabi. Mukhang hindi niya nahahalata na may sorpresa kami. Limang araw pa bago ang anniversay nila ni Yohanne pero ngayon ito naghanda para surprise talaga.

"Tara, pumasok na tayo! Pasara na lang ng gate." Sadya kong nilakasan yung boses ko para marinig ng mga tao sa loob ng bahay. Agad akong pumasok at hindi na hinintay si Lou.

Nadatnan ko ang mga taong may pakana nito na nakahilera sa may pintuan habang nag-aabang. Tumabi ako sa kanila tipid na ngumiti. Habang lumilipas ang bawat Segundo na hindi pa pumapasok si Lou, pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. At isa lang ang pumasok sa isipan ko.

Tama na Leigh, masyado nang masakit.

Itutuloy...

When you think you're first falling in love, just then you realizeyou're falling out of love." -David Grayson

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now