Three: Being alone

187 26 123
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Ano ba 'yan, magse-sembreak na nga lang, tinambakan pa tayo ng mga gawain! Kailangan pang magkita-kita para mag-practice para sa role play. bago magbakasyon.  Hmp!"  Liezel rants while pouting and stomping her feet. Cute.

Nandito kami sa room habang nagliligpit ng mga gamit namin. Ang iba kasing libro at gamit ay iuuwi namin, tapos ilalagay namin sa locker ang iba pa. Uwian na at kaunti nalang ang tao sa room kaya kami na lang ang maingay.

"Sus, if I know, last minute mo na naman gagawin yung mga project. 'Yan tuloy halatang minadali yung mga pinapasa mo,"  Katie said and stuck out her tongue.

I slightly laughed because of their actions. They look like children.

"Hala, tumatawa yung witch!"  Bigla kong narinig yung boses ni Loree sa bandang likuran namin, isa sa mga taong naiwan sa room. Napalingon ako at tinaasan niya ako ng kilay habang nakangisi. "Guilty oh, lumingon," aniya at lumingon sa kaibigan niyang si Marj, dahilan para magtawanan sila. Wow, parang kahapon lang, bitch yung tawag niya sa akin. Ngayon witch naman.

She's better when she's fake. At least she doesn't badmouth other people even if she wants to, unlike now.

I raised my eyebrows because of what she said. Fortunately, there's no one here in this room aside from us. Kung gagawa na naman siya ng eksena, kaya ko siyang sagutin kahit paano dahil walang makakakita sa amin. Maldita rin ako pero marunong akong lumugar. 

"Bilisan niyo guys, ang daming witch na tumatawa. Nakakakilabot," pagpaparinig ko na siguradong narinig nila dahil biglang pumunta si Marj sa harapan ko.

"Sino ka para tawagin akong witch?!" Halos magdikit na yung kilay niya dahil sa sobrang kunot ng noo.

"Ako si Althea Leigh," taas noo kong pagpapakilala, "at 'wag kang susugod agad, halatang guilty, eh," ginaya ko pa yung accent niya kanina.

After that, I picked up my things and we hurried out of the room so that they couldn't catch us.

Good thing, sila nalang yung tao sa room kanina kaya walang nakaalam sa nangyari bukod sa tropa nila, sila Marj, Loree at Meg. Buti pa si Meg, medyo matino kasi dinededma niya lang ako at hindi siya nakikisama kina Loree kapag nilalait ako.


Pagkalabas namin ng room, dumiretso na kami palabas ng paaralan dahil may balak kaming tumambay. Naglakad kaming tatlo hanggang sa malapit sa tapat ng convenience store, sa may pedestrian lane. Tumawid sa kabilang kalsada para mag-abang ng taxi. Nag-iisip kami ng lugar na pagtatambayan dahil 5:00 PM pa lang naman at Sabado na bukas.

"Buti nalang at malapit na ang bakasyon. Hindi muna natin makita sina Loree. Nakakabanas kasi kahit hindi ako yung pinapansin. Ang sarap kalbuhin kahit pinapanood ko lang kayong dalawa," komento ni Liezel habang naghihintay kami ng taxi na daraan.

"Oo nga, eh. Hay salamat! Ang plastik niya. Dapat sa kaniya sinasampal para matauhan. Pwede ring ipapunta sa guidance office para maturuan ng leksyon," Katie added. 

Habang nag-aabang, halos si Loree ang napag-usapan nila. Ayokong makisabat dahil lalo lang iinit ang ulo ko. Marami na akong problema sa buhay at ayoko na siyang dumagdag dito.

Makalipas ang ilan pang minuto, sa wakas ay may tumigil nang taxi sa harapan namin.

"By the way, sa cafe na lang tayo tumambay! Malapit lang naman 'yon!" paanyaya ni Liezel nang makasakay kami sa loob. Sa likod kaming lahat umupo at kandong namin ang aming mga bag.

"Game!!" Katie and I said in unison.

"Mga ineng, hindi ba kayo hahanapin at papagalitan ng mga magulang niyo? Gabi na ah. Tatambay pa kayo?" the driver asked while looking at us through the rear-view mirror.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now