Thirteen: My Decision

134 17 128
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

The document, with my name written on it, is haunting me. I kept asking myself why.

Why did they adopt me? Pinamigay ba ako ng tunay kong magulang? O napulot lang nila ako dahil inabandona ako ng totoo kong magulang? Pero sabi nila mas matanda ako kay Lou ng halos dalawampung minuto...

Wala ba akong karapatang malaman ang totoo?

Nandito ako ngayon sa kwarto. Tatlong araw na ang nakakalipas buhat noong malaman kong ampon ako pero hindi pa rin ako makalimot hanggang ngayon. PJ said that everything happens for a reason. Is there any reason why they hid it from me? And is there any reason why I found out the truth?

Does it matter? I'm seventeen, anyway. I'm still dependent at this age. I can't do anything on my own.

Para hindi na makapag-isip ng kung anu-ano, binuksan ko nalang yung messenger. Online sina Liezel at Katie.

I clicked our group convo named, Girl Friends

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla akong nagtanong.

Althea Leigh
Guys, may tanong ako.

Liezel
Nuyoooooon

Katie
Tingkol saan?

*tungkol

Althea Leigh
May pagkaweird 'to ahh.

Liezel
para san ba yan

Katie
Geh lang. Ano ba yoooon?

Althea Leigh
Kung sakaling ampon kayo at nilihim ito ng magulang niyo tas nalaman niyo. Anong mararamdaman niyo?

Liezel
Weird nga

Katie
Kung ampon ako, masaya pa rin kahit na naglihim sila. Atleast maganda yung buhay ko ngayon.

Liezel
Samedt

Pero siguro maiinis at magtataka kasi bakit nila nilihim

Matatanggap ko naman kung sakaling ampon ako pero sana sinabi nila o kung alam ba nila yung tungkol sa parents ko

Althea Leigh
Okay. Thankss

Liezel
weird. bat bigla mong natanong

Katie
Oo nga. Kaloka ka teh! Kung anu-anong pumapasok sa isip mo

Liezel
bat mo ba yan natanong

Katie
Ampon ka baaa? Charot. Imposible yun.

Althea Leigh
Walaaaa. Naisip ko lang yung tungkol sa roleplay namin noong isang araw.

Katie
Ah, yung about faith? Tungkol sa adoption nga pala yung inyo, di ba

Katie
?

Althea
Oo

At 17: A Remarkable Way Back HomeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt