Eleven: I'm a Loser

129 17 192
                                    

ALTHEA LEIGH VILLARIN

"Naalala ko pa
Nung nililigawan pa lamang kita
Dadalaw tuwing gabi
Masilayan lamang
Ang 'yong mga ngiti"

'Yan ang bumungad kay Lou pagpasok niya sa loob ng bahay. Sinimulan ni Yohanne ang pag-strum ng gitara habang kumakanta. Nakapatay yung ilaw kanina at binuksan lang ito ni nanny Lorna nang pumasok si Angelica Lou sa loob.

"At ika'y sasabihan
Bukas ng alas siyete
Sa dating tagpuan
Buo ang araw ko
Marinig ko lang ang mga himig mo"

Gulat na gulat yung ekspresyon ni Lou pagpasok. Sakto at may mga nakahanda kaming silang kaya nakuhanan ng video ang reaksyon niya. Nasasaktan man ako, hindi ko mapigilang matuwa para sa kaniya. At least worth it ang pinaghandaan namin.

Mint green ang theme color ng party. Mint green yung kulay ng lobo pati yung confetti. Iyon kasi yung paborito niyang kulay. Pati yung iba't-ibang disensyo halos puro mint green.

May mga pagkaing nakahain sa lamesa na iniluto nina nanny at pati na rin ni Yohanne. 

Nandito sa bahay ngayon ang mga taong malapit sa buhay ni Lou. Sina Hazel, Patrick at Bailey na mga kaibigan niya, tapos sina mom and dad, mga katulong at driver namin, at si Yohanne.

"Hindi ko man alam kung nasan ka
Wala man tayong komunikasyon
Mag hihintay sa'yo buong magdamag
Dahil ikaw ang buhay ko"

Sa bawat pag-strum ni Yohanne ng gitara, parang patalim naman ito na sumasaksak sa puso ko. Kabaligtaran ng nararamdaman ni Lou. Siya, naiiyak na sa sobrang saya at ako naman, pilit itinatago yung sakit na nararamdaman ko.

"Kung inaakala mo
Ang pag-ibig ko'y magbabago
Itaga mo sa bato
Dumaan man ang maraming pasko
Kahit na di mo na abot ang sahig
Kahit na di mo na 'ko marinig
Ikaw pa rin ang buhay ko"

Sa bawat pagkanta at pag-strum ni Yohanne ng gitara, parang patalim naman ito na sumasaksak sa puso ko. Kabaligtaran ito ng nararamdaman ni Lou. Siya, naiiyak na sa sobrang saya at ako naman, pilit itinatago yung sakit na nararamdaman ko. Lalo pa 'yong nadagdagan nang makita ko siyang nakatitig kay Lou habang kumakanta. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagmamahal. At ramdam kong ganoon din ang kakambal ko. Masakit man isipin, masasabi kong swerte sila sa isa't isa.

Kasalukuyang kinukuhanan ng video ni mom ang pangyayari. Si Lou naman ay patuloy na nagpupunas ng luha habang nakangiti at nakatingin kay Yohanne. Ganoon yata talaga kapag nag-uumapaw ang sayang nararamdaman. Hindi ako maka-relate.

Binitawan ni Yohanne ang hawak niyang gitara at lumapit kay Lou para punasan ang mga luha sa pisngi nito. Buti na lang wala itong kolerete sa mukha dahil kung, hindi kakalat lang iyon.

Hinawakan niya si Lou sa magkabilang braso at niyakap, dahilan para makatanggap siya ng mahinang palo sa braso. Nakng?! Puro palo lang, gano'n?

Napaiwas ako ng tingin. Masyado nang sweet. Nakaka-suffocate. Hindi ko na kaya. Tapos na ang role ko sa surprise na ito, pwede na ba akong umalis?

"Angelica Lou, five days from now pa yung anniversary natin pero naisipan kitang i-surprise ngayon para hindi mo mahalata," sambit ni Yohanne at mahinang tumawa. Pinalo ulit siya ni Lou sa braso. Nakng?!! Puro palo lang, gano'n?

Humiwalay na sila sa isa't isa pero nanatili pa rin silang nakatitig.

"Salamat, Yohanne. Sobra kong na-appreciate ang efforts mo. I love you. " Nakatanggap silang dalawa ng tukso mula sa mga taong nandito. Kesyo 'ang che-cheesy niyo' o kaya naman 'magb-break din kayo', at 'okay na 'yan, nakakaumay. gutom na kami!' Pareho tuloy silang natawa at nasira yung momentum nilang dalawa.

At 17: A Remarkable Way Back HomeWhere stories live. Discover now