Chapter 17 *Ang Kakayahan ni Kisa*

241 19 6
                                    

Limang taong gulang si Kisa nang mapagtanto niya na isa siyang Royal slave. Isang alipin na nabibilang sa mataas na antas dahil mayroong kapangyarihan.
Anak din siya ng isa sa Four Generals.

"Oras na Kisa. Oras na para pumunta sa Cronus." Dalawampung taon si Kisa nang sabihin sa kanya iyon ng kanyang ama.
"Alam mo na ba ang gagawin mo?" tanong nito.

Si Kisa ay isang doktor.
Bata pa lang ay medisina na ang kanyang inaaral, ngunit sa palagay niya ay hindi naman interesaso ang ama sa mga pinag aaralan niya. Mas gusto nito ang kapangyarihan na mayroon siya---Ang lumikha ng mga virus.
Ito ang nagsabi sa kanya na gumawa ng sakit para  makakuha ng mga alipin.

"Kaya mo bang gawin?" tanong ni Kisa sa isang babae.

"Siyempre kaya ko."

"Magaling. Tanggapin mo ito." May inabot na supot si Kisa sa babae.

Manghang mangha ang babae nang makita kung gaano karaming ginto ang laman ang supot.

"Dadagdagan ko pa iyan kapag nagtagumpay ka."

"Walang problema. Ihahalo ko lang naman sa pagkain niya ito, tama?" May ipinakitang maliit na bote ang babae.

"Oo. Pupuntahan kita uli kapag nagtagumpay ka na."

Tinanggap ng babae ang utos ni Kisa kapalit ng salapi.

Bibigyan niya ng sakit ang kanyang asawa.
Isang sakit na kakapit sa lahat nang nanggaling sa Venus. Ibig sabihin ay ang asawa niya ang magiging tagadala ng sakit.
Gusto iyon ng gobyerno para alisin sa landas nila ang mga nanggaling sa Venus.
Nangangahulugan din iyon na handa siyang isakripisyo ang kanyang asawa.
Ayos lang naman iyon sa kanya dahil ilang taon din siyang iniwan nito.
Hindi na niya ito kailangan.

Binati niya ito nang may ngiti.
Sinabi niya na labis siyang nasabik dito, kahit hindi.
Sa tapat ng tarangkahan ng Venus, napansin niya ang isang babae na may kasamang bata na nakatingin sa kanila. Sa tingin niya ay hinihintay rin nito ang asawa ngunit mukhang hindi ito nakalabas.

Pagdating sa bahay ay muli niyang nadama ang dampi ng labi ng kanyang asawa. Ganoon din ang mga haplos nito at ang mainit nitong pagmamahal.
Hindi pa rin nagbabago.
Tulad pa rin ito ng dati.
Ipinakilala niya rin sa nawalay na asawa ang kanilang anak.
Sanggol pa lamang ito nang makulong ang asawa ngunit ngayon ay malaki na kaya hindi nakapagtataka na maging ilag ito sa kanya. Ngunit hindi ito sumuko. Pilit nitong ipinakilala ang sarili.
Sinabi rin nito na ibibili niya ng regalo ang kanilang anak.
Paalis na ang kanyang asawa nang maalala niya ang usapan nila ng doktor na si Kisa.
Ang gamot, kailangan niya itong mailagay sa pagkain nito.
Bago umalis ang asawa ay sinabihan niya ito na kumain muna.
Hindi naman ito tumanggi. Masaya nitong tinikman ang pagkain na kanyang inihanda. Walang kamalay malay na may inihalo na siya roon.
Habang kumakain ay nagsimula itong magkuwento. Mga bagay na tungkol sa Venus.

"Mukhang ayos naman ang buhay mo roon," komento niya.

"Oo, maganda ang buhay ko roon. Kahit na maraming bawal, nakayanan ko dahil mahusay ang pinuno namin."

"Kung gayon pala bakit naisip mo pang lumabas?"

"Siyempre para sayo! Sa inyo ng anak ko," mabilis na sagot ng kanyang asawa.

Bigla tuloy siyang natahimik.
Napatingin siya sa kanyang asawa. Talaga bang iniwan niya ang buhay roon para sa kanya. Sa kanya na nagawa siyang lasunin?

"Sige pupunta na ako sa pamilihan."

Nagpaalam na ang kanyang asawa.
Nanatili lang naman siyang nakaupo.

"Anak?" Dumating ang kanyang ina. "Nakalaya na pala ang iyong asawa. Kaya mo ba ako pinapunta rito?" tanong nito ngunit wala siyang tugon. "Anak?"

"Ah. Sandali lang po, ina. Kayo muna ang bahala sa anak ko." Agad siyang umalis para sundan ang asawa.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now