Chapter 10 * Ang Hustisya ni Shadow*

243 16 4
                                    

Lumabas si Emerald ng kuweba.
Naisip niya kasi na baka sakaling matuklasan niya ang kanyang kapangyarihan, kung meron talaga, kung mag iinsayo siya.

Inilabas niya ang kanyang espada.
Batid ng dalaga na hindi na ito magiging tulad ng dati dahil hindi niya magagamit ang kaliwa niyang kamay. Magkagayon ay ginawa niya pa rin.
Iwinasiwas niya ang espada.

Nagsimula na nga siya sa paggalaw na animo'y may kaaway, habang iwinawasiwas sa ere ang hawak na espada gamit lamang ang kanang kamay.

Ganito ang ginagawa niya nang may biglang bumulusok na punyal sa kanyang direksyon.

Lumukso si Emerald upang mailagan iyon.

Tumarak ang punyal sa lupa.

"Sino yan!" sigaw ni Emerald.

Nagpakita ang leader ng A-20 kasama ang anim nitong kasamahan.

"Kayo..."

Nakita ni Emerald na nanlilisik ang mga mata ng leader ng katunggaling grupo.

"Paanong hindi ka tinablan ng lason?" nanggagalit ang ngipin na tanong nito.

"Bakit nyo ito ginagawa?" sa halip na sagutin ang leader ay nagbato rin ng tanong si Emerald. "Ang sabi nyo hindi nyo kami magagawang lasunin. Alam nyo ba na naniwala kami sa inyo?" dagdag niya.

"Hindi mo alam kung ano ang naging buhay namin sa Venus. Hindi mo iyon maiintindihan dahil isa kang Rose!" giit naman ng leader ng A-20.

Napakunot ng noo si Emerald."Ano namang kinalaman noon sa ginawa nyo?"

"Malaki ang kinalaman noon dahil matagal na naming gustong pumatay!" malakas ang boses na sabi ng leader. Napataas pa ito ng mga kamay.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka pa rin si Emerald.

"Pagpatay ang trabaho namin bago kami makulong sa Venus, pero dahil napakaraming batas sa loob, hindi na namin iyon nagawa mula nang makulong kami. Kung sana'y mga hashke kami walang magiging problema, pero hindi.
Sunud sunuran kami sa aming pinuno."

"Pero iba na ngayon!" Sumingit ang isa sa kasamahan niya. "Dito, puwede na namin iyon gawin. Puwede na kaming pumaslang muli."
Tumawa ito nang malakas pagkasabi noon.

"Nakaligtas kayo sa lason, puwes tingnan natin sa mga sandatang ito." Naglabas ng mga matutulis na sandata ang pinuno.

"Mabuti na lang at may isa sa amin na dating taga Region IV," pagmamalaki ng leader ng A-20, sabay sulyap sa isa mga kasamahan nito. May alam sa paggawa ng nga sandata ang karamihan ng galing doon.

Tiningnan ni Emerald ang lalaki. "Taga region IV ka?" Hindi ito pamilyar sa kanya.

Nagsalita ito. "Pinuno! Mga kasama. Sa tingin ko, mali ito. Hindi dapat natin ito gawin."

Napaawang ng labi si Emerald dahil sa narinig.

"Tumigil ka nga!" Isa sa mga kasamahan niya ang bumatok sa kanya. "Kanina ka pa reklamo nang reklamo. Kapag di ka tumigil, ako na mismo ang gagamit sa espadang ginawa mo para paslangin ka!"

Napatungo na lamang ang lalaki.

Dito na nagsimula sa paghakbang ang mga kasamahan niya. Ang direksyon papasok sa kuweba ng grupo ni Emerald ang tinutumbok nila.

"Hanggang dyan lang kayo!" Humarang si Emerald. "Hindi nyo pwedeng lapitan ang mga kasamahan ko!"

"Talaga?" nakangising sabi ng leader ng A-20. Dahan dahan itong lumapit kay Emerald pagkatapos ay may ipinakita itong maliit na bote.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Where stories live. Discover now