Chapter 13 *Si Lexus Kirby*

188 17 2
                                    

Ikapito ng Agosto.
Iyon ang araw na hinding hindi malilimutan ni Lexus Kirby.

Kaarawan niya iyon at araw rin na nakulong siya sa Venus.

"Wala akong kasalanan. Alam n'yo 'yon," sabi ni Lexus habang kausap ang isa sa mga kasamahan noong sandali bago siya dalhin sa Cabin.

Hinawakan siya nito sa kamay---iyon lamang---bago ito tuluyang lumisan.

Wala talaga itong balak tumulong. Marahil ay kinain lamang ng konsensiya kaya nakipagkita, naisip ni Lexus.
Hanggang sa tuluyan na nga siyang naipasok.

Napahawak na lamang siya sa kanyang dibdib na tila biglang sumikip.
Ang sakit lang kasi isipin na iyong mga taong pinagkatiwalaan mo ay siyang mang-iiwan sayo.

Akala pa man din niya ay walang iwanan. Naniwala siya nang husto sa mga salitang iyon.
Isa lang pala iyong malaking kasinungalingan.

Ang totoo ay bahagi si Lexus ng isang samahan na naglalayon tumuklas ng ebidensiyang magpapabagsak sa kasalukuyang hari ng Liro.
Si Julio na lalaking bumisita kay Lexus bago ito ikulong ang bumuo sa samahan na iyon.
Marami itong nahimok na sumali sa grupo, kabilang na nga si Lexus na sa huli'y napili upang maging pinuno ng kanilang samahan.

Sumang ayon agad si Lexus na maging pinuno dahil mula pagkabata ay pangarap na niya iyon. Ngayon lamang iyon natupad dahil noon, hindi siya napipili dahil mahirap lang sila. .

Sa pag-iimbistiga ng kanilang grupo, isang lihim ang kanilang natuklasan---lihim na siguradong magpapabagsak sa kasalukuyang hari, ngunit sa maling tao nila naibigay ang ebidensiyang nalakap.

Kinabukasan ay dinakip si Lexus ng mga Regulator.
Siya lamang ang kinuha.
Hindi niya alam kung ano ang talagang nangyari, ngunit malinaw na nilaglag siya ng mga kasamahan.
Ipinatapon siya sa Venus at napunta sa Region 2.

Pagdating niya sa nasabing Region, naisip niya na kung sasabihin niya ang pinagmulan ay baka pagtawanan lamang siya kaya nga nagdesisyon si Lexus na magsinungaling.

Kung anu ano ang kasinungalingan na sinasabi niya sa iba para lamang hangaan siya hanggang sa mapalipat siya sa Region 1.

Dito niya nakilala si Agon.

Una niya itong nakita na namamsyal sa Diamond Village.
Agad niya itong pinuri nang mapagtanto na isa itong Hashke.

Nginitian siya ni Agon at inalok ng trabaho.

"Simple lang naman ang gagawin mo," simula ni Agon. "Hahanap ka lang ng mahihinang tao na puwedeng sumali at magpatalo sa Selection. Puwede mo rin isali ang sarili mo."

Naging interesante para kay Lexus ang sinabing iyon ni Agon lalo na dahil bibigyan din siya ng salapi.
Kaya nga hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin iyon.

Humanap siya ng iba pang mga makakasama sa Selection.
Nagtagumpay naman siya sa paghahanap.
Pinakahuli niyang inanyayahan ang isang lalaki na may mahababg buhok. Sa sobrang haba ng buhok nito ay halos di na makita ang mukha.
"Sumali ka na," paanyaya ni Lexus matapos ilahad ang plano sa lalaki.

Umiling ang lalaki.

"Lalakihan ko ang ruby na ibibigay sayo."

Doon na nga sumang ayon ang lalaki.

Araw ng Selection.

Halos lumuha ang mga mata ni Lexus nang makita ang mga Hashke lalo na si Double Zero.
Bigla niyang naisip na nasa lugar siya ni Double Zero.

Ah, ano bang iniisip ko. Pinalo na lang niya ang kanyang ulo.
Napakalabo naman kasi na makamit niya ang kinalalagyan ng Superior.

Nagsimula na nga ang Selection.
Tulad nang plano ay lumaban ng maayos at nagpatalo sa huli si Lexus at ang iba pa niyang mga recruit.
Ang huli niyang recruit---ang lalaking may mahabang buhok ang makakalaban ni Agon.

The Royal Slave (Book 2 Of PIV)Där berättelser lever. Upptäck nu